47

4K 96 52
                                    

***

Bianca's Pov


"Love paabot naman nung ibang books na nanjan sa tabi mo" pakiusap ko, "Love paabot po" pakiusap ko ulit, ewan ko kung naririnig niya ba ako o hindi, "Tsk! Oh" sabi niya sabay abot nung books ko. Init ng ulo neto, kanina pa, "sungit naman" bulong ko, shit narinig ata.

Nakatingin lang siya sakin habang nag lalagay ako ng gamit sa box. Shit. Ayoko siya tignan. Nakakatakot si yumi. "bahala ka nga jan!" tapos padabog niyang binagsag yung mga damit namin, then naupo siya sa dining area. Bahala ka din jan kala mo.

Nag lilikom na kasi kami ng gamit dito sa dating condo namin, para ilipat sa bago naming condo. Naka alis na yung parents namin nung October 3 pa, and last week na ng October ngayon tapos need na namin makalipat by first week of November kaya nag aayos na kami ngayon.

Kanina pang umaga mainit ulo ni yumi jusko, pagkagising na pagkagising niya naka kunot na noo tapos padabog lahat ng galaw niya, feeling ko meron to kaya ang init ng ulo.

Nag ayos lang ulit ako ng gamit dahil kung susuyuin kopa si yumi, matatagalan pa kami lalo, kaya imbis na suyuin ko siya papatuloy ko nalang pag aayos ng gamit.

"Hindi mona ako mahal" napatingala naman ako sa sinabi ni yumi, ano daw? Jusko. Tumayo ako ng maayos para kaharap ko siya, "Huh? San naman galing yan?" tanong ko, "Hindi mona ako mahal" ulit niya na namumugto pa yung mata, "nababaliw kana ata yumi" sabi ko ng medyo natatawa.

Tangina umiyak, "tignan- mo- hindi- mona- ako- mahal!" sabi niya habang nahikbi, nababaliw na talaga, kilala ko si yumi pag meron pero iba to ha. Lumapit na ako para yakapin siya pero "DUN KA! HINDI MO AKO MAHAL!!" sigaw niya tapos tinulak pa ako, nako. "sige" sagot ko sakanya at nag tape na ng box.

Last box na to na aayusin ko dahil si yumi walang ambag puro iyak at sigaw at pag dadabog lang ginawa niya, jusko sana ako nalang mag isa pumunta dito. Naka upo lang siya sa couch pinapanood ako na paikot ikot sa loob ng condo.

Nakita kong tumayo na siya at lalapit na sakin, "Bumalik ka don maupo ka" sabi ko sakanya, sinunod naman niya ako, nagpatuloy na ako sa pag lilikom. Fuck finally, naupo na ako sa isa pang couch na medyo malayo sakanya.

"Okay kana? O may toyo pa?" tanong ko sakanya habang nag pupunas ng pawis pero hindi siya nakibo, "Halika dito dali" tawag ko sabay tap ng lap ko para dun siya maupo, tumayo naman agad siya at naupo sa lap ko, diba ang bait.

Nakaharap siya sakin pero nakatungo yung muka niya, I held her chin para iharap sakin, "Why ba?" tanong ko habang tinatanggal yung buhok na nakaharang sa muka niya, umiling lang siya in response, "bakit nga? Kanina pang umaga mainit ulo mo" tanong ko ulit then I placed my hand sa waist niya.

"Hindi mona ako mahal" ulit niya, sa buong araw na to yan lang sinasabi niya, "sino may sabi?" tanong ko, "ikaw" maikli niyang sagot tapos tumungo ulit, "kailan ko sinabi? Saan?" tanong ko habang hinaharap ulit siya sakin, pero ayaw niya humarap.

Nag iintay ako ng sagot pero wala parin, "Huy" tawag ko, "sa panaginip ko kagabi, sabi mo hindi mona ako mahal" pahina ng pahina yung salita niya, gusto kong tumawa ng malakas pero nag pipigil ako, dahil pag tumawa ako lalong mapipikon to.

"Sinabi ko yon?" tanong ko nakikiride lang kawawa naman ang bebu eh, "Opo, hindi mona ako mahal" sabi niya ulit, I held her chin again para iharap sakin, she's crying. Pinupunasan ko yung luha niya and said, "panainip lang naman yon love, mahal kita okay, mahal na mahal"

"talaga?" tanong niya, buti nalang alam ko kung pano ihandle si yumi pag tinotoyo, mantakin mo panaginip lang yon tapos ganto epekto sakanya, for sure meron to. "opo mahal kita" sabi ko then I hugged her, "ayaw ko hug" sabi niya at lumayo sakin.

I held her face and kissed her the way she always wanted me to kiss her, passionately. She used her tongue immediately, mas flirty and mas horny si yumi pag meron kaya wala ng paa-paalam to, gawa lang ng gawa, nag respond naman ako then I placed my hand sa butt niya, while her hands is roaming around my body.

She was about to take off my shirt pero, "Love we need to go na" sabi ko at lumayo na, yung pagiging horny ni yumi laging nauuwi sa kama, kaya kailangan na pigilan. Nagpatulong kami sa ibang guard para ibaba yung mga box namin.

Now she's driving papunta sa bago naming condo, tahimik lang kami buong biyahe dahil wala na akong energy magsalita. Nagpatulong ulit kami sa guard para iakyat yung mga box namin, bukod sa ang dami namin gamit, ang bibigat nila.

"Mall tayo bukas" aya ko dahil masyadong Malaki tong nakuha naming condo kaya need ng mga bagong gamit and I need new clothes, for sure siya din dahil pareho na kaming may work. "Sure, san tayo kakain dinner? Sa house na or padeliver nalang tayo dito?" tanong niya.

"Sa house na love para deretso shower na then sleep" sagot ko, tumango lang siya in response, "I'll drive if pagod ka na" dagdag ko, "No ako na, ikaw na nag ayos kanina eh, driving you home is the least I can do" sabi niya sabay smile sakin, sobrang genuine naman.

"Okay po" sagot ko then I hugged her, "let's go na, I'm hungry na" sabi niya then tumayo na para hilahin ako patayo.

Wala naman pagbabago simula nung nag work na si yumi, nagagawa parin namin lahat ng bagay together, hinahatid niya ako sa work then susunduin niya din ako after work, nakain kami ng sabay at sabay parin natutulog. Sa nakikita ko kaya naman namin. kakayanin.

Katatapos lang namin kumain at nandito na kami sa room, "Shower kana, love" sabi ko sakanya, pumasok naman siya ng bathroom dala yung mga gamit niya at naupo lang ako sa sofa habang nag cecellphone.

"LOVE! PAABOT NAMAN NG SHIRT KO NANJAN LANG SA BED" nako alam kona to ah, parang nangyare na to noon, "NAKO YUMI GARCIA, NAKITA KO DALA MO YUNG DAMIT MO JAN!" sigaw ko pabalik, "LOVE CROP TOP PO PALA YUNG NADALA KO, PLEASE PO" tinawanan ko lang siya, talagang nag please pa. nag cellphone lang ulit ako.

"LOVE NILALAMIG NA AKO, PAABOT NA PO PLEASE" kawawa naman ang bebu, tumayo na ako para kumuha ng oversized shirt sa closet dahil wala naman damit sa bed. "eto na love" sabi ko habang inaabot sakanya yung shirt pero ayaw kuhanin, jusko Yumi Garcia.

"kukuhanin mo o kukuhanin mo?!" sabi ko ng medyo mataas yung boses, agad naman niya kinuha tapos lumabas na ng bathroom, pagkalabas niya pumasok na ako at nag shower na. pagkalabas ko ng bathroom nakita ko nakaupo siya sa kama tapos nakasandal sa headboard at nakatingin sakin.

Lumapit na agad ako sakanya dahil ayokong matulog ng walang kayakap, I sat on her lap and wrapped my arms around her neck. "Sorry po, pagod lang love, hindi mo kaya ako tinulungan kanina" paliwanag ko, masama loob niya dahil sinungitan ko siya kanina pagka abot ko ng damit niya.

"Okay" sagot niya sabay irap sakin, I held her face and gave her a peck, then nahiga na ako sa tabi niya,

"Love sa tingin mo kakayanin natin?" tanong ko habang nakatingin sa ceiling. Nahiga narin siya at yumakap sakin, "Oo naman love, kaya natin" sagot niya.

Mahigpit ko siyang niyakap, "I love you" sabi ko while combing her hair, tumingala siya para tignan ako then she kissed me, "I love you" sagot niya at niyakap ako.

Kung dumating man yung panahon na mapagod si yumi, mananatili ako at lalaban, minsan na akong naligaw sa relasyon namin, and ayoko ng gawin ulit yon, hindi kona papakawalan ang minsan ng Nawala sakin. This is my second chance, our second chance at ayoko ng sayangin to.

Tinignan ko si yumi and natutulog na siya, I kissed her forehead at pumikit na din.

Lagi kong pipiliin na ipaglaban ka, at lagi kong pipiliin na manatili, ikaw lang, palagi.





























——————————————— 🌙 Hi 👋🏻 isa lang po muna iu- update ko, medyo hindi po kasi maayos yung pakiramdam ko, babawi nalang po ako bukas sorry 🥺🤍

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now