40

3.2K 86 65
                                    

***

Yumi's Pov


"SABI KO AFTER LUNCH! TEH ANONG ORAS NA"

Bungad ni cha sakin, ano ba naman tong babae na to, siya na nga sinundo dami pa reklamo, "shut up gusto mo mag byahe ka nalang" pagtataray ko arte pa at least nga dumating ako, pumasok naman siya at nag seatbelt na.

"porket nasa pinas na late nanaman, alam mo bang kanina pa ako nag aantay jan sa lobby ang init init jusko, edi sana umakyat muna ako" sermon niya, irap lang ako ng irap, whatever.

"San moba gusto? Glorietta? Uptown? Venice? Moa? Conrad? Gusto mo divisoria nalang" tanong ko pagkatapos niya manermon, dami pa kasing sinasabi, "kahit saan, hindi naman ako gagastos hehe" pabebe ampotek.





-





"ANO ILANG MALLS PA BA PUPUNTAHAN NATIN? GUSTO MO PUNTA NARIN TAYO SA CAVITE SA SM ROSARIO OR SM DASMA" sermon ko lahat ng nabanggit kong mall pinuntahan na namin, "NAKAKAPAGOD KAYA MAG DRIVE" dagdag kopa, as in kanina pa talaga kami paikot ikot.

"Last na balik nalang tayo Moa tapos H&M then dun narin tayo mag dinner" sagot ni cha at nauna ng maglakad pabalik ng parking, disesyon talaga to minsan jusko, pumunta na kami ng Glorietta, Uptown, Venice, Conrad, at Moa tapos H&M lang pala gusto niya, nakakaubos din ng pasesya tong si Charlize minsan.

"bilhin mona kaya lahat ng nandito sa H&M?" sarkastiko kong sabi, ilang bags na yung dala niya jusko naman. Fuck. "ikaw kaya magbabayad neto, kala mo" napakamot nalang ako sa ulo nung naalala kong ako pala mag babayad non.

"tapos kana ba? gutom nako!" reklamo ko sakanya, kanina pa kami dito, kanina pa kami paikot ikot, kanina pa ako nag mamaneho, sarap itapon ni cha pabalik ng U.S kainis.

"Done na mars, bayad kana" inirapan ko lang siya at inabot na sa cashier yung card ko. "Boomerang tayo bili tapos story ko, then add to story mo" sabi niya, hindi ko alam kung sinasabi niya ba o inuutos niya, nag boomerang lang kami at onting pictures then nag IG story na siya.

Binigay kona sa guard lahat nung bags namin dahil ang bigat at ang dami. Naunang naglalakad si cha dahil nag cecellphone ako, tinitignan ko kung naview na ni bianca yung story ko. "bagalan mopa kaya ng onti?" sabi ni cha habang naka pamewang pa, "wow ha kahiya naman sayo, sorry po madam" sagot ko at binatukan siya.

Nandito kami sa yayoi, weird pero habang nakain nakangiti lang ako, "weird mo" sabi ni cha, "alam mo naman kung ano meron dito diba" sagot ko, tulad ng sabi ko, nagkwento ako sakanya about samin ni bianca, lahat kin-wento ko as in lahat.

"Ay ang landi, ewan ko nalang pag may bago n-" "gusto mo ikaw na magbayad neto?" putol ko sakanya, kainis mamimikon pa. nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nag uusap tungkol sa business and company things.

Adulting. Ayoko na ganto yung topic namin, yung puro investors, sales, meetings, competitors eme eme at kung ano ano pa, yes nag eenjoy ako dahil challenging at may thrill pero ngayon kasi I want to focus on bianca.

But I have no choice kailangan namin pag usapan ni Charlize yung mga gantong bagay. hanggang matapos kami kumain puro yun lang usapan namin, then nag yakag na ako umuwi dahil pagod narin. Hinatid kona siya at umuwi na ako.

Nakahiga na ako sa bed at ready na matulog, napairap nalang ako nung nagtext si cha, hindi pa ata pagod to jusko naman.

From: cha mah bitch

: fetch me on Friday okay, goodnight luv u <3

Hindi na ako nagreply at natulog nalang.





Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now