01

3.8K 98 7
                                    

***

Yumi's Pov


"Sigurado kaba anak na ito ang gusto mo? Baka naman pagsisihan mo to sa huli ha, remember pag aaral mo ang nakasalalay dito." Lintanya ni mom habang nakain kami ng dinner, "Yes mom sure ako, kaya pagbigyan niyo na ako pleaseee" pag papacute ko para pagbigyan nila ako. "Okay fine, do what you want, susuportahan ka namin ng dad mo, right dad?"

"Suportado naman ako sa lahat ng gusto mong gawin anak, basta masaya ka dun ako, kami ng mom mo, pero anak pinapaalala ko lang isipin mo mabuti kung paano mo maipagpapatuloy ang studies mo okay." Sagot naman ni dad habang nakatingin saakin. Tumayo ako at hinug sila pareho tapos kiniss ko yung ulo nila, "Thank you mom and dad, I love you both so much!!" Nag patuloy lang kami sa pagkain then umakyat na ako sa room.

Mag a-audition kasi ako dun sa girl group na Ppop Generation, for a change naman, pagod nako sa paulit- ulit na nangyayare sa buhay ko, gigising ako maaga tapos kakain, then papasok sa school tapos mag aaral tapos gagawa ng homework tapos kain, tulog, then repeat lang. Nakakapagod din kaya maging student, kaya eto mag a-audition ako sa isang girl group. Sana matanggap.

I was scrolling thru my phone and napaisip ako dun sa sinabi ni dad na "isipin mo mabuti kung paano mo maipagpapatuloy ang studies mo okay" so, paano nga ba? kailangan ko parin kasi ituloy ang studies ko, in coming senior high school student palang ako, kahit siguro Grade 11 and Grade 12 lang muna tapusin ko okay na muna siguro yon. Kailangan ko makapag aral dahil ako daw ang mag papatuloy ng businesses namin, ni hindi ko nga alam kung ano mga business namin eh, basta sabi ni mom at dad ako yung magpapatuloy ng mga yon.







-






Auditions

"Ready kana ba yumi?" tanong sakin ni Fatima habang nag aantay kami na matawag yung number namin, "Oo naman, tagal ko ng gusto to eh, medyo kinakabahan syempre. Ikaw ba?" tanong ko din sakanya habang lingon ng lingon sa kung saan saan. Hindi kasi ako mapakali eh sobra akong kinakabahan. "kinakabahan din ako syempre, first time to eh, pero kaya natin to!"

"NEXT! B28?! B28!!" napabalikwas naman ako ng tayo nung tinawag yung number ko jusko nakakagulat ka naman kuya.

Nasa loob na ako ngayon and nagtatanong sila ng mga bagay bagay tungkol sakin, like my name, age, and stuffs like that. "You may start now Yumi" sabi nung isang lalake, kumabog naman ng sobrang bilis yung puso ko, jusko ano ba namang puso to parang lalabas na eh... kalma yumi... inhale... exhale... kaya mo yan! Nag play na yung music at kumanta na ako habang nasayaw. Bigay na bigay bawat galaw ko siyempre para ma-impress sila noh!

"We'll just call you. NEXT!!!" wala silang ibang sinabi kundi yan lang, feeling ko hindi ako matatanggap dahil hindi manlang sila nag comment or something, ni ngiti nga hindi ko nakita sa mga labi nila eh, jusko naman.

"Anyare sayo?" tanong ni Fatima habang naglalakad na kami papunta sa coffee shop, "we'll call you daw, yun lang sabi, feeling ko hindi ako matatanggap, ni ngiti nga hindi ko nakita sa mga muka nila" sagot ko habang naka busangot yung muka ko. "Yun din naman sabi sakin, wag ka mag alala matatanggap tayo jan!! hintayin nalang natin silang tumawag, ottey"

Naka upo na kami sa table ngayon habang nainom ng iced coffee, si Fatima nag cecellphone lang, habang ako nakatingin sa malayo, may iniisip kasi ako. "Matatanggap tayo okay, wag mona masyado isipin" biglang sabi naman ni Fatima habang nakatingin parin sa phone niya. "Hindi naman yun yung iniisip ko." Sagot ko naman habang nakatingin parin sa malayo. "Ano ba yon? Share mo naman"

"May nakita kasi akong babae-" hindi nako nakatapos sa sasabihin ko dahil sumabat na si Fatima, "Babae nanaman? Iba ka rin talaga eh no, akala ko naman iniisip mo yung auditions tapos babae naman pala yang laman ng utak mo, jusko yumi, bago bago naman." mahabang litanya ni nanay Fatima haynako. "Hindi pa kasi ako tapos magsalita, patapusin mo muna kasi ako" sagot ko naman, tapos  inirapan niya lang ako.

"Yun nga, may nakita akong babae, AND! Hindi lang siya basta babae na nakikita ko kung saan saan okay, may something eh, alam mo yun? Parang nag skip ng beat yung heart ko nung nagkatitigan kami, and nagpakilala siya, Bianca, yun yung name" kwento ko sakanya habang naka hawak sa baba ko. "Grabe naman yang ngiti mo bakla! Baka mapunit na yang labi mo ha, and for your information Yumi Garcia sampung beses mona ata sinabi yang linya na yan sa iba't ibang babae na nakikita mo! sampu o higit pa" pag tataray niya sakin sabay irap.

Hindi kona siya pinakinggan dahil alam ko naman na kokontrahin niya lang lahat ng sasabihin ko, pero iba talaga eh, iba yung babae na yon kanina.



Flashback

"A28?!! You're next!" sigaw nung lalake, tumayo naman yung babae na naka black croptop, tapos naka windbreaker na violet, tapos ripped jeans, at naka air force 1 na sapatos, matangkad siya, mahaba ang buhok, maputi, tapos sexy kasi nga naka croptop. Hindi ko alam kung ilang minuto kona siya hinahabol ng tingin, tapos biglang.... Nagtagpo yung mga mata namin and nag smile sya!!! Ngumiti rin ako pabalik syempre, tapos tumungo nako kasi nahiya nako hehe.

Nakaupo lang ako and after ilang minutes lumabas siya sa audition room, and nagtagpo ulit yung mga mata namin tapos nag smile ulit siya habang papalapit sakin, OMG!!! naglalakad siya palapit siya sakin OMG!!! anong gagawin ko! sobrang bilis na ng tibok ng puso ko! anong gagawin ko! natataranta nako deep inside pero nakangiti parin ako para hindi halata.

"Hi" yan ang lumabas sa bibig niya ng nakangiti parin, nasa harap ko siya, as in katapat na katapat ko siya at naka tingin siya ng deretso sa mata ko.

Tumayo ako "Uhm.. Hi din" sagot ko habang nakatingin din ng deretso sa mata niya, medyo matangkad siya ng onti sakin and ang bango niya sobra! "Bianca" bigkas niya ulit and naglahad ng kamay, nakatulala lang ako sa muka niya and narealize ko na antagal na pala niya nag aantay, "S-sorry, ang ganda mo kasi hehe, Yumi" at inabot kona yung kamay niya.

"Thank you ikaw din naman, sige una nako nice meeting you Yumi, goodluck sa auditions, bye see you when I see you" sabi niya habang naglalakad na palayo. "BYE! SEE YOU BIANCA!!!" sigaw ko naman ang bilis kasi maglakad eh.

End of flashback


Naalala ko nanaman grabe yung pag tingin niya tapos nung nag smile pa siya, I can't imagine pano pag nag wink pa siya, or pano pag natawa siya? Haynakoo, sana makita ko siya ulit. Sana matanggap siya and sana matanggap din ako para magkita ulit kami. Pag nangyari yon popormahan ko talaga yang si bianca, kung straight man siya, edi papabaliku-in ko!

Hindi ko siya gusto maka close kasi maganda siya or sexy, syempre given na yon pero, there's more kasi eh, I can feel something, feeling ko nakita kona siya somewhere. She looks so familiar, and hindi ako pwedeng magkamali, hindi ako mabilis makalimot sa mga bagay bagay, lalo na sa tao, lalong lalo na pag malaki yung naging parte sa buhay ko.











——————————————— 🌙

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now