04

2.9K 91 4
                                    

***

Yumi's Pov


"Good morning" Bati ko din sakanila at naglakad na kasabay si Bianca. "Nakakagulat naman, ano meron bakit sila nag-bow?" Tanong ni Bianca, "Wala trip lang nila." Sarkastiko kong sagot, "Ha Ha funny" natawa naman ako kasi nag roll pa siya ng eyes tapos nauna na maglakad.

Hinabol ko naman siya at inakbayan, tangkad niya mare "Joke lang to naman di mabiro" tinanggal niya yung pagkaka akbay ko. "So bakit nga?" Tanong niya ulit. "Uhmm... kami kasi may ari ng ibang malls dito sa pilipinas" napatigil naman siya sa paglalakad.

"Oh baket? Ano nangyare sayo?" Tanong ko. "Kayo may ari neto?!!" Sabi niya tapos nanlaki pa yung mata niya. "Shh!! Anlakas naman ng boses mo, tara na nga" sabi ko at hinila na siya, dahil nagtext nanaman si nanay Fatima, galit nanaman ata.

Naglakad kami tapos Nakita ko sina Fatima, "Fatima!" Tawag ko sakanya, "Wow. Sulit na sulit ah, alam ko 30 minutes lang byahe papunta dito sa moa, mag iisang oras na oh" mataray na sabi ni Fatima sakin habang naka taas yung kilay niya.

"Traffic kasi! Diba Bianca?" Pag papalusot ko naman pero ang totoo, binagalan ko lang talaga mag drive, "Ahh, O-oo, traffic kasi" Sagot ni bianca kaya napangiti ako, "Oh diba sabi sayo traffic eh"

"Ewan ko sainyo, magsama kayong dalawa!" Pag tataray nanaman niya, "Tara na maglakad lakad, hanap tayo makakainan ng lunch, bago tayo mamili" Sabi ko at nauna na maglakad, sumunod naman sila at tumabi si Fatima sakin.

"Wala ka bang gusto i-kwento, hindi ako naniniwalang traffic lang yon, ang sabihin mo, binagalan mo talaga magdrive." Masungit na sabi ni Fatima, grabe naman tong babae na to, pinag- lihi ata sa sama ng loob.

"Uhm... basta ang masasabi ko ang direct to the point niya, hindi na siya yung nag papaligoy ligoy. Then tinanong ko siya kung ilang taon na siya-" hindi nanaman ako nakatapos ng sasabihin dahil humagalpak na ng tawa si Fatima. Such a bully.

"Ano ka 12 years old, what the hell yumi, anong nangyayare sa mga banat mo sa ibang girls" pang aasar niya.

"Well, una sa lahat I told you diba, iba siya sa mga babae na nakilala ko noon, so yun tulad mo tinawanan niya din ako, pero imbes na sagutin niya yung tanong ko, tinanong niya ko pabalik" Mahabang litanya ko, "Ano tinanong? Kung ano favorite color mo? HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni fat. Bully talaga.

"Ikaw na kaya magkwento! Sabat ka ng sabat eh" iritang sabi ko, tapos nanahimik na siya, "Yun nga, she asked me kung straight daw ba ako, and dahil nagulat nga ako sa tanong niya di ako nakapag salita, then sabi niya pa na BI daw sya and that she's 18" mahabang sabi ko at napahawak naman si fat sa bibig niya. "Really? Anong sinabi mo?" interesado niyang tanong. "Edi sabi ko I'm 17 and I'm BI"

Hinampas naman ni Fatima ang braso ko sabay sabi "Yieee!!! Same vibes sila, ligawan mona, baka maunahan kapa sige ka" Sabi niya. "Excited ka naman, hindi ba pwedeng kilalanin muna namin isa't isa, saka dadating din kami jan, wait ka lang okay!" Mayabang na sabi ko at pinuntahan na si Bianca.

"Hi! San mo gusto kumain?" Pang bungad na tanong ko "Gusto ko samgyup eh" Sagot naman niya sabay pout. Fck ang cute. "Sige, may alam ako masarap na kainan ng samgyup" Sabi ko naman.

"Guys samgyup nalang tayo, may alam ako kung san masarap, tara!" Pag aaya ko sakanila at nauna na maglakad. Nakita naman ng mga mata ko na napangiti si Bianca.


-


Patapos narin kaming kumain, grabe puro tawanan lang kami, ang dami din kasing kalokohan ni cassy at alex, tapos yung tawa pa ni Fatima. Medyo nahiya nga ako nung una kasi pinag titinginan kami ng tao, pero bahala sila basta kami masaya.

"Let's go na guys, mamili na tayo ng mga hindi kailangan" Pag yayakag ni Fatima kaya lumabas na kami ng restaurant, "Hoy Fatima! Paalala ko lang sayo kaka-pamili lang natin ha, maghinay hinay ka" Pananaway ko sakanya, baka kasi mamili nanaman ng mamali to eh.

"Shh... kalma yumi, onti lang bibilhin ko promise" Sabi niya sabay ngiti, hinayaan ko nalang siya dahil wala naman akong magagawa and duda ako sa promise na yon, ilang beses kona narinig sakanya na onti lang bibilhin pero sandamak-mak ang dala pauwi.

It's almost 5pm at ilang guard nanaman yung nakasunod dahil sa dami ng pinamili namin, kung maraming binili si Fatima, mas marami yung kay cassy at alex, yung kay heart at ashtine naman parehas lang din ng kay Fatima, kami naman ni Bianca onti lang din yung pinamili dahil puro pagkain ang binibili namin.

"Pano guys dito naba tayo mag didinner or uwian na?" Tanong ni ashtine, "Kami ni cassy mauuna na, nagtext na kasi parents namin" Sabi ni alex, "Me too I'll go ahead na, may dinner daw kami sa bahay" Sagot naman ni heart. "Ako din una nako" Sabi ni ashtine. Nagbabye lang kami sa isa't isa at nauna na silang umuwi.

"Ikaw fat?" Tanong ni bianca kay fat at pinanlakihan ko naman siya ng mata, sana naman gets niya na yon, inirapan niya ako at sinabing "Gora na din ako bakla pinapauwi nako ni mommy, yumi ikaw na bahala kay bianca, bye guys see you sa training" Dere deretsong sabi ni fat at naglakad na palayo.

I texted her na mag ingat pauwi and nag thank you.

"So, nagtext naba parents mo sayo?" tanong ko kay bianca at umiling naman siya, "Baka may dinner kayo?" Tanong ko ulit at umiling lang ulit siya, "Or baka naman pinapauwi kana ng mom mo?" And for the last time umiling lang siya at nginitian ako.

"Dinner tayo?" Tanong ko ulit, baka naman umiling lang toh, jusko. Ngumiti siya sabay sabing "Tara" At naglakad na kami papunta sa isang fancy restaurant na nag seserve ng steak.


-


"Ano naman work ng parents mo?" Tanong ko habang nakain kami, "Pareho sila na related sa company something" Sagot niya, "Ohh, do you have siblings?" Tanong ko ulit, "No I don't have" Matipid niyang sagot.

Ganon lang ang naging takbo ng dinner namin, getting to know lang muna, wala pang deep questions ayoko naman mag feeling close agad, nakakahiya din.

Malapit na mag 8pm and tapos narin kami kumain at naglalakad lakad nalang kami. "Pano ka uuwi?" Tanong ko, "Byahe nalang siguro, wala kasi yung driver namin, may sakit" Sagot naman niya, "Luh, mag-bbyahe ka e ang dami mong dala, hassle pa, hatid nalang kita"

Bago pa siya magsalita ay hinila kona siya, para wala ng angal.

Nasa parking na kami, pinagbuksan ko lang siya ng pinto tapos pumasok na din sa loob ng kotse and nagstart na ng engine.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila sa Taguig, in fairness laki ng bahay nila ah, medyo malayo ang bahay niya sa bahay namin, pero wala yon tss.

"Hey bianca, wake up, nandito na tayo sainyo" Gising ko sakanya, hindi na kami nakapag usap sa kotse dahil, pagka start ko ng engine nakatulog na agad siya. "Wait, five more minutes please" Sagot naman niya habang naka pikit parin.

Ang ganda naman talaga ng isang Bianca Santos. Lumapit ako ng onti sa muka niya at tinitigan ko lang siya habang natutulog, ang ganda naman ng kilay neto, grabe yung mata niya kahit nakapikit ang ganda parin, tapos yung nose niya pointed na pointed naman talaga. And her lips... Ghaaaad, nakakabaliw to.

Ilaalis kona sana ang tingin ko ng nagsalita siya "Do it" Now she's provoking me, "No, it's too early, go inside baka hinahanap kana ng parents mo" Sabi ko naman at bumaba na ng kotse para pag buksan siya ng pinto, and nilabas na lahat ng pinamili niya.

"Can I get your number?" Tanong niya habang nilalabas ko parin yung mga pinamili niya, "Of course andon yung phone ko tignan mo nalang"

"Thank you for the dinner" Sabi niya habang nasa tapat na ng gate nila. "Yes, you're welcome, now go inside baka hinahanap kana, thank you din"

Pasakay na ako ng kotse ng biglang hinila niya yung braso ko at...











Kiniss yung...


















Pisngi ko. "Goodnight, ingat ka pauwi." Sabi niya sabay takbo sa loob ng bahay nila. Fck. This is crazy.














——————————————— 🌙

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now