52

3.2K 103 106
                                    

***

Yumi's Pov


"MAGANDANG UMAGA PO MISS BIANCA MISS YUMI"

Bati nila samin, "Magandang umaga din po" bati ko at ngumiti ng malawak sakanila, "love" kulbit ko kay bianca kanina pa siya nag cecellphone eh, ngumiti lang siya sa staff jusko. "Ako po si kuya Clark, tuloy po tayo" sabi ni Clark at naglakad na kami papunta sa treehouse na tutuluyan namin.

"eto po yung tutuluyan niyo sa mga susunod na araw tree floors po siya..." sabi ni kuya clark tapos umakyat kami sa 2nd, "...dito naman po namin ihahatid yung pagkain niyo..." sabay turo ni clark living area, "...sa taas naman po yung kwarto Ninyo" tango lang ako ng tango habang nagpapaliwanag siya, si bianca mukang walang pakielam.

"Free wifi po tayo dito pero since po nasa malayo kami eto pong walkie talkie yung gagamitin para maka usap niyo po kami..." nag explain pa si kuya clark ng mga bawal namin gawin at iba pang bagay na kailangan namin malaman.

"sige po, tatawag nalang po kami pag maghahatid na po kami ng tanghalian" paalam ni kuya clark at umalis na sila kasama nung ibang babae na staff. "Shower lang ako" sabi ko kay bianca na naka upo sa hagdan paakyat, wala manlang sinabi.

Nakakainis kanina pa yan, nung nasa kotse palang kami papunta dito ganyan na yan, kung sino man kausap ni bianca sana hindi masarap ulam niya. Nag shower lang ako at nagstay na muna sa bed. Nagbibilang ng dahon sa puno.

"tanghalian po" sabi ni clark, bumaba na agad ako dahil gutom na talaga ako. "Salamat po" bati ko pagkalapag nila ng pagkain namin, ngumiti lang sila in response and umalis na din. Buti naman naupo na siya sa harap ko jusko. Naiinis na ako.

"Ano pumunta ba tayo dito para panoorin kita mag cellphone?" seryoso kong tanong habang hinihiwa yung pagkain ko, I saw her na binaba yung phone niya, "sorry love may nagtanong lang about work" hindi na ako nagsalita dahil una sa lahat wala silang work ngayon. Liar.

"Bababa na ako bahala ka jan" paalam ko at bumaba na then naupo na muna ako sa swing katapat nung lagoon type na pwede paliguan. Nagcellphone nalang ako nag aantay ng Milagro na bababa si bianca... pero wala.





-





"Hey love swim tayo" "love"

Naririnig ko siya pero nagtulog tulugan parin ako, bahala ka jan, mag trabaho ka nalang, monthsary na natin bukas tapos nag cecellphone ka lang jan. "Love alam ko gising ka, swim tayo dali" suyo niya sakin, "magswim ka mag isa mo, or mag cellphone ka nalang" sagot ko habang naka pikit tapos tumagilid na at nagtulog tulugan nalang ulit.





Bianca's Pov


Hinayaan ko nalang muna siya matulog dahil sure ako pagod yan sa biyahe, naupo nalang ako sa wooden sofa set nila na nagbasa nalang ng mga magazine. Galit siya kasi kanina pa ako nag cecellphone, but I have reasons and for sure maiintindihan niya ako.

"Ms. Bianca meryenda po" gising ni kuya clark sakin at nilapag na yung mga kakanin sa table sa tapat ko, "thank you kuya Clark" sagot ko at umalis narin siya, tumayo na ako to wake yumi up, "Love meryenda na, I'm sure gutom kana" gising ko sakanya.

Mukang hanggang mamaya pa galit nito sakin, "Love tara na, sige hindi nalang ako magsasalita" sabi ko at tumayo naman agad siya at naupo na. kumain lang kami pero walang nagsasalita, iba rin talaga magalit si yumi, kaya minsan shut up nalang ako eh.

"Love swi-" "lumangoy ka mag isa" putol niya sakin at umakyat na papunta sa living area hindi manlang niya inubos yung food niya, wala naman ako magawa dahil pag galit siya at ayaw niya ng kausap lahat gagawin niya para lang hindi mo siya makausap.

Nag antay nalang ako magdilim bago umakyat para kahit papano lumamig ulo ni yumi, hirap naman neto. Nagkatinginan kami pagka- akyat ko sa living area "no stay here aakyat ako" sabi ko dahil tumayo na agad siya, nagdere deretso na ako paakyat sa room namin.

Ewan ko kung ano gagawin ko dito siguro magbibilang nalang ako ng dahon or ng kahoy na ginamit. My phone vibrated twice...

From: Anne

: Ms. Bianca okay na po lahat hihintayin nalang po namin mag 12 midnight.

From: Kuya Clark

: Ms. Bianca naka ready na po yung flowers and cake hinihintay nalang po namin yung signal niyo.

Yes, I have a surprise, hindi naman pwede na si yumi lang lagi nage- effort sa relationship namin, kailangan parehas kami. Ang aga pa for dinner kaya pumikit muna ako.

Amoy na amoy ko si yumi then naramdaman kong naupo siya sa gilid ko pero nakapikit lang ako, alam ko aalis yan pag nalaman niyang gising ako, "alam mo nakakainis ka, monthsary natin bukas tapos ganyan ka" sabi niya naiimagine ko yung muka niya kawawa naman.

"Kung sino man yang kausap mo, lagot talaga sakin yan" pagbabanta niya pero ang cute parin, "pasalamat ka mahal kita tss" dagdag niya, hindi kona napigilan napangiti na ako kaya napabalikwas siya ng tayo at lumabas na, "Dinner na!" sigaw niya.

Naupo na ako sa tapat niya at nagstart na kami kumain, walang nagsasalita pero nakatingin ako sakanya habang nakain ako at naka smile lang, "stop looking at me and stop smiling" seryosong sabi niya pero hindi ako nakikinig.

Kumain lang kami tapos binuksan ko yung tv sa living area at nanood nalang, habang si yumi naka upo malayo sakin, nanonood din. Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil namimiss kona siya, "sit down, jan ka lang, wag ka lalapit" naupo na agad ako dahil mukang galit na talaga siya.

Ang tagal pa mag 12 jusko ang init init na ng ulo sakin ni yumi, baka mamaya hindi kopa magawa yung surprise dahil sa galit niya.

Naka tapos na kami ng isang movie, I looked at my phone at 9pm lang jusko, eto na ata yung pinaka mabagal na oras na naranasan ko. First time namin manood ng movie ni yumi na magkalayo kami, usually pag nanonood kami movie laging naka cuddle sa isa't isa.

Sana naman mamaya sumama siya sakin dahil kung hindi, sayang talaga yung surprise.

"Love tabi ta-" "isa pang salita mo uuwi ako sige" pag putol niya ulit sakin, as if naman kaya niya umuwi, hindi na ako nagsalita dahil baka umalis nga talaga siya, ayoko naman mangyare yon.

Nakatapos na ulit kami ng isa pang movie, medyo steamy yung movie at nakakainis dahil pag ganon yung movie lagi kaming nag mamake out pero ngayon wala, dahil tumayo nga lang ayaw niya na gawin ko, nakatapos narin kami ng mga vlog ng lesbian couples. I grabbed my phone at 11:50pm na, grabe dalawang oras ba yung movie at ilang vlog ba yon.

"Love may pa-" "Bahala ka jan!" putol niya nanaman at umakyat na sa room namin. fuck. Baka umalis na siya, sumunod na ako agad at nag aayos na siya ng damit, shit. Bakit ka naman kasi nagsalita bianca.

I held her hand trying to stop her pero nag pumiglas siya, "mag cellphone ka don!"









Fuck. 11:52pm na.





























——————————————— 🌙 Hello!! alam ko may inaantay kayo jan! bukas pa yon 😋

Hello 👋🏻 sayo na nag reply sa comment ko dun sa tiktok ni ishi, paano mo nalaman 😭

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora