UNANG YUGTO

5.9K 149 9
                                    

Nangingilid ang mga luhang tinanggap ni Myrre ang certificate at niyakap. Nagmula iyon sa Office of Parole and Probation. Malaya na siya sa wakas, pagkatapos ng halos pitong taong pakikipagbuno niya sa kanyang sintensiya sa loob ng kulungan.

"Congratulations, we are hoping you will show us that you are deserving for this freedom." Nakipagkamay sa kanya ang babaeng jail warden.

"Thank you so much," ngumiti siya ng matamis kahit pumapatak ang mga luha.

Muli niyang sinilip ang kanyang certificate na nakapaskil sa asul na holder. Ang nakatatak doon ay ang tunay niyang pangalan. Roanne Caaya Mercado. Siguro panahon na para bitawan na niya ang pangalang ginamit sa pag-aartista. Wala na naman siyang balak na bumalik pa sa showbiz. May mga alok mula sa Saturn na naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagpasya.

Pagkatapos ng krimeng nagawa niya, hindi siya sigurado kung tatangkilin pa rin siya ng masa. Kahit pinagsisilbihan niya sa loob ng kulungan ang kasalanan niya'y mananatili na iyong mantsa sa kanyang pagkatao at maalala iyon ng mga fans.

"Huwag kalimutan ang appreciation program ninyo mamayang tanghali! May mga bisita tayong kinatawan ng iilang malalaking kompanya ng bansa para bigyan kayo ng pagkakataong makapagtrabaho habang nasa probation period kayo!" paalala ng warden.

Sabay-sabay na sumagot ang dalampung priso na nabigyan ng parole. Hindi muna siya bumalik sa kanyang selda pagkagaling niya sa opisina ng warden. Tumuloy siya sa visitor's room at halos liparin na ang mesang kinaroroonan ng kanyang tiyahin at ng batang nakaupo sa silyang katabi ng matandang babae.

"Auntie, Aki!" bulalas niya habang papalapit. Maligayang iwinagayway niya sa mga ito ang certificate. "Lalaya na ako!"

"Mama!" Tumalon pababa sa silya ang bata at yumapos sa kanya.

"Diyos ko, Aya, mabuti naman kung ganoon." Naluluhang niyakap siya ng tiyahin. "Ito na ang pinakamagandang regalong natanggap natin para sa kaarawan ng anak mo."

Nilapag niya ang certificate sa mesa at kinarga ang anak. Ang kulot nitong buhok na lagpas balikat ay nakababa lamang. Isinabit niya iyon sa tainga nito at dinampian ito ng halik sa labi. Ngayon ang kaarawan nito at anim na taong gulang na ang bata.

"Mama, we brought you food. I helped Lola cook the tomatoes," masayang kuwento ni Aki.

"Really? I'm so excited, I can't wait to eat the tomatoes!" kinikilig niyang tugon.

"Kailan ka ba pwedeng lumabas?" tanong ng tiyahin niya habang nilalatag sa mesa ang dalang pagkain mula sa paper bags.

"Bukas po, Auntie. Mamaya may appreciation program pa kami. My papers are being processed now at the office for release."

"Tumawag si Miles sa akin. May hinanda raw siyang children's party para kay Aki. Sabi ko magpapaalam muna sa iyo."

"Okay lang po, Auntie. Pumunta kayo." Half-sister niya si Miles. Kasama itong nakasuhan dahil naging accessory ito sa krimeng ginawa niya pero mababa lang naman ang sintensiya. ito at nakapag-piyansa.

Kumapit si Aki sa kanyang leeg at paulit-ulit at pinatakan ng maraming matutunog na halik ang kanyang mukha. Nagkatawanan sila ng tiyahin niya.

"Iyang anak mo, tuwing nagsisimba kami, kapag tinatanong ko kung anong ipinagdadasal niya, hinihingi raw niya kay Papa God na pauwiin ka na sa bahay. Palagay ko ibinigay ng Diyos sa iyo ang kalayaang ito para makasama mo ang anak mo."

Tumango siyang nakangiti at ang mga luha'y nagbabantang pumatak. "Hindi ko sasayangin ang regalong ito, Auntie. Alang-alang sa anak ko, aayusin ko ang buhay namin."

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now