Chapter 1- Ikalimang Yugto

1.6K 94 2
                                    

Pumayag si Javier na sumaglit siya sa lunch meeting ni Miles pero hindi kasama si Aki dahil dumating si Vierra at ipinasyal ang bata sa amusement park ng Bel Air.

"Talagang hindi ka magpapakita kay Miles?" tanong niya sa binata habang nagtatanggal ng seatbelt. Hinatid siya nito sa isang mamahaling fine dining sa metropolitan area.

"No, I don't think Miles will be glad to see me." Kumindat ito, tonong nagbibiro lang naman at iniumang sa kanya ang nguso.

Humalik siya roon. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya at lumalim ng ilang segundo ang halikan nila. Kumakaway siya sa papalayong sasakyan ng nobyo at nang maglaho na iyon sa tanaw ay saka lamang pumihit at pumasok sa gusali. Dumaan siya sa protocol ng security. Mabuti na lang at walang pila.

Naaaninag niya ang sarili sa tinted na salaming dingding na kanyang nadadaanan patungo sa naka-reserved na dining room na inu-okupa ng grupo ni Miles. Her outfit was too plain. Black halter top, white skinny jeans, and a gray high heel boots. Dangling on her shoulder is a saddle bag. Ibinagsak lang niya ang mahabang buhok at hinayaang sumayaw kasabay ng kanyang balakang. Still, without her usual make-up she can make heads turn to her like involuntary reflexes.

Nakita agad siya ni Miles pagpasok niya. Tumayo ito at sinalubong siya. Nagpalitan sila ng halik sa pisngi.

"Si Aki?" tanong nito.

"Isinama ng Lola niya."

Tumikwas ang mga kilay nito. "Talaga? Kasundo mo ba ang family ni Javier?"

"Oo naman. Anong akala mo sa akin mahirap pakisamahan?" biro niya sa kapatid.

"Hindi, pero duda ako sa kakayahan mong makisama." Gumanti ito ng biro at tinangay na siya patungo sa malaking mesa na pabilog. May hollow iyon sa gitna kungsaan masisilip ang floor aquarium. Samu't saring Coy species ang naglalaro roon. Iba't iba ang kulay.

Binati niya ng kaway ang mga kakilala niya. Lumapit sa kanya ang iba. With their glowing and superficial smile known the worldof showbiz. Siguro kung hindi niya kabisado ang industriya ay maniniwala siyang tunay ang mga ngiting iyon. Nakipagbeso siya.

Matapos ang maikling kumustahan ay muling pumasada ang paningin niya at humantong sa lalaking nasa gitna ng dalawang bakanteng silya. Tila ba walang gustong tumabi rito. Nakababa masyado sa mukha nito ang visor ng suot nitong itim na cap. Tutok ito sa hawak na cellphone.

Kahit nakaupo, takaw-pansin ang tangkad nitong bumalansi sa tikas ng pangangatawan. He had thick and wide shoulders. Nakalilis sa ibaba ng siko ang mahahabang manggas ng suot na graphic sweatshirt hoodie. Around his wrist is a high end watch and some leather bracelet. Roman numerals tattoo looks good in his long and sturdy fingers moving in a subtle rythmn while holding the phone.

Nag-angat ito ng mukha at suminghap siya nang dumako sa kanya ang tila dragon nitong mga mata dahil sa contacts na suot. Saglit lang itong tumitig sa kanya at binalikang muli ang pinanonood sa cellphone.

"Come here." Kinaladkad siya ni Miles papalapit sa lalaki at inurong nito ang isa sa mga bakanteng silya. Itinulak siya paupo roon. "Excuse me, K."

The guy cast them a veiled glance, waiting Miles to continue.

"I'd like you to meet Roanne, my sister." Ipinakilala siya ng kapatid.

Marahang tumango ang lalaki. Binitawan ang cellphone. Akala niya mag-aalok ng palad pero tiningnan lang pala nito ang oras sa suot na relos.

"Roanne, he is Kreed Andromida. Co-producer ng bago kong movie for a cause sa ilalim ng Saturn."

Halos mabilaukan siya ng sariling laway. Kreed Andromida? Kapatid ni Rheeva? Gusto niyang gumapang na lang paalis nang iwanan siya roon ni Miles katabi ang lalaki. She knew Rheeva has been considerate with her crime but she is not sure with the other siblings. Hindi niya alam kung ano'ng tingin ng mga ito sa kanya. Biglang pakiramdam niya ay may disgusto sa kanya ang lalaking ito.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon