Chapter 1 - Huling Yugto

1.6K 85 4
                                    

One solid punch, followed by a roundhouse kick and the heavy bag erupted violently from where it hooked. Sinangga iyon ni Javier sa kaliwang kamay nang pumalo pabalik habang magaspang na pinahid ang pawis mula sa noo na tumulay pababa sa tangos ng kanyang ilong.

Habol ang hiningang lumapit sa bench ang lalaki, hinubad ang suot na leather gloves at ibinagsak ang mga iyon sa upuan. Dinampot ang water jug at binuhusan ng tubig ang nanunuyong lalamunan. Dama niya ang pagdoble ng sigla ng katawan dahil sa pagkabanat ng mga buto at masels. Ngumisi siya. He's ready for the event today.

Pagbalik niya sa kanyang unit ay inabutan niyang nagkakagulo na naman ang kanyang mag-ina. Naghahabulan ang mga ito sa sala patungo sa kuwarto at paikot-ikot. Walang damit si Aki at si Roanne ay bitbit ang shorts na khaki at pink shirt na ipasusuot sa bata.

Tumakbo papunta sa kanya ang anak at nagtago sa likod ng kanyang mga hita.

"No! I don't like pink, Mama. Why would you keep making me wear pinks everyday? Papa, tell her I don't like it!"

Sumimangot si Roanne at mukhang maiiyak na sa pagdismaya. "Natuto na siyang pagsalitaan ako ng ganyan, ang liit pa niya."

Kinarga niya ang anak. "Mama loves pink these days because she has a baby girl in her tummy," bulong niya.

"Really?" Bumilog ang mga mata ni Aki. Tumingin ito sa ina pababa sa tiyan na nakalitaw sa suot nitong crop top blouse.

"Papa will wear pinks too, come on." He suggested.

Tumango ang bata. Ibinaba niya ito at lumapit kay Roanne. Inirapan siya ng dalaga at tinangay nito pabalik sa loob ng kuwarto ang anak nila. Hindi pa kompirmadong buntis ito pero nahahalata niya ang mga sintomas. Masyadong antukin at bugnutin. Kunting bagay inaaway siya. Tinatamad laging kumilos. Lahat ng nakikita sa unit niya ay hinahanapan ng kulay pink. Kung walang makita ay nililigpit kung hindi itinatapon sa basurahan. Tiniis na niyang magsuot ng pink boxers para lang matuwa ito at hindi masira ang mood tuwing nagtatalik sila.

Humabol siya ng mabilisang shower habang naghahain si Roanne ng agahan nila, katulong si Aki na nag-iingay sa maraming tanong at kapag mali ang sagot ng ina ay umaalingawngaw ang masayang tawa. This is what home would be like in his imagination.

Dumulog siya sa hapag habang humahagod sa kanya ang namumungay na mga mata ng nobya. Nakanguso ito at lukot ang mga kilay.

"Bakit ang guwapo po ngayon? Anong mayroon?" tanong nito.

"What?" Natawa siya sa pang-umagang banat nito. "Lagi naman akong guwapo, ah! Kaya nga araw-araw kang naglalaway sa akin."

"Gusto mong hambalusin kita ng kiss?"

"No, please, baby! Baka magkabukol ako ng puso sa panga."

Nagkatawanan na sila. Si Aki ay nakihalakhak din kahit walang naintindihan. Matapos magdasal bago kumain ay hinagkan niya ng magaan sa labi si Roanne at sa noo si Aki.

"Pagkatapos daw mamaya ng photo shoot ko ay bibiyahe na kami papunta sa location ng movie tapings sa Tondo. Naiilang pa rin akong kasama si Kreed. Baka magselos ang fiancee niya. Ikaw ba, hindi ka nagseselos sa kanya?"

"Kung nakatutulong sa iyo ang pagseselos ko, sige, magseselos ako sa kanya. Pero ayaw kong nag-iisip ka ng negatibo habang sumasalang ka sa trabaho. Stress lang ang mapapala mo. I trust you as much as I love you, Roanne, remember that."

"Hindi ko lang maiwasan. Naguguluhan kasi ako kay Kreed. Kapag iyong ibang models ang naroon sa photo shoot, wala siya. Pero kung time ko na dumarating siya at nanonood."

"I don't have anything against that guy. I may not know him like I've known Rheeva but one thing about those men, they're not the type to cause trouble to anyone much less to mess up with another man's woman, unless it is really necessary to step in and their protection is needed."

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon