IKAAPAT NA YUGTO

1.7K 94 4
                                    

Maingay at magulo sa loob ng banyo. Panay ang hiyaw at tili ni Aki kasabay ng halaklak ni Javier. Kanina pa roon sa loob ang mag-ama at naliligo. Thirty minutes na ay hindi pa rin tapos ang mga ito.

Si Roanne na naghahanda ng isusuot ng mga ito'y humagikgik mag-isa. Nang matiyak na wala nang kulang sa mga damit na nakalatag sa kama ay tinungo niya ang pinto ng banyo at binuksan ng malaki ang awang. Sinilip niya ang mag-ama. Nasa ilalim pa rin ng shower stall ang mga ito. Si Aki ay lumundag-lundag habang nakataas ang dalawang kamay sa buhos ng tubig.

"Tama na iyan, baka ma-late tayo!" Sa nakalipas na ilang araw ay ganito lagi ang eksena nila. Magulo at maingay pero masaya.

Nakabungisngis lang sa kanya ang mag-ama at walang balak makinig kaya siya na lumapit at nagsara ng regulator ng dutsa. Humaba agad ang nguso ni Aki.

"Naglalaro na lang kayo. May event ngayon sa shop, hindi pwedeng mahuli tayo," paalala niya sa mga ito.

"I love you, Mama!" sagot ni Javier na may kasamang damping halik sa labi.

"I love you, Mama!" sabi rin ni Aki na ginagaya ang ama at tunaw na naman ang puso niya.

Javier wrapped the towel around his waist and removed his trunks underneath, shoot it in the laundry basket at the corner. Kinuha nito ang isa pang fluffy towel, ibinalot kay Aki at kinarga ang bata. Lumabas silang tatlo ng banyo.

Binihisan muna niya ang anak. "We're going to the playground in the park?" tanong nito.

"No, we're going to the shop. Today is the grand opening," masigla niyang sagot.

Masayang tumango ang bata at tumawa. Nakangiting tumingin siya kay Javier na nagbibihis din. Pilyo itong kumindat. Namumula pa rin ang bakat ng ngipin niya sa dibdib at mga braso nito. Masyado na niyang nagugustuhan ang routine nila, lalo na ang panakaw nilang love-making gabi-gabi kapag tulog na si Aki. Feeling niya tuloy tumaba siya. Sumikip na ang ilan sa mga damit niya.

Eight-thirty ang holy mass. Pagkatapos ng misa ay isusunod ang ribbon cutting at blessings. May kunting programa silang hinanda at launching ng ilang flagship furnitures nila.

Kagabi ay ipinakita ni Javier sa kanya ang orders ng mga kliyente nila via social media. Kaya pala sinabi nitong hindi na kailangan ng soft opening dahil nagawa na pala nito iyon online.

Hindi siya makapaniwalang puspusan na ang promotion nila sa social media platforms. Higit sa lahat, lahat ng orders ay bayad na at bukas ay magsisimula na sila sa delivery. Lahat ay si Javier ang gumawa. Sa sobrang tuwa niya kagabi ay nakalimang rounds sa kanya ang binata at muntik na naman nilang abutan ng pagsikat ng araw.

"Beautiful, baby." Niyakap siya ni Javier habang nagsusuot siya ng dangling earring sa harap ng dresser. Hinalikan nito ang batok niya.

Si Aki ay nakatayo sa kanyang tabi. Namimilog sa pagkamangha ang mga mata at ang cute na bibig ay nakanganga. Curious na pinanonood siya ng anak habang ang ama nito sa likod niya at sinasalat lang naman ang kanyang katawan na pinatitingkad ang mga kurba sa suot niyang bloody red gown.

It was delivered yesterday as a gift from Yve. A designer gown from the creation of Kimberly and the designer itself, Julie Andromida. Provocative and revealing with sweetheart neckline and corset back. She took a final check with her make-up and the clean bun of his hair.

"Aki?" Umuklo siya.

"Yes, Mama!" Maliksing tumingkayad si Aki at binigyan siya ng matunog na halik. "I love you, Mama!"

"I love you, Aki!"

"Si Papa rin," humalik din ng matunog si Javier sa pisngi niya. "I love you, Mama!"

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now