Chapter 4 - Ikaapat na Yugto

1.6K 82 3
                                    

Nag-unat ng mga braso si Roanne at tumayo. Ngayon ay inatake na siya ng antok dahil sa kalokohan ni Javier buong magdamag. Lumipat na sila sa bahay nito at ang bahay niya ay gagawing staff house ng ilan sa mga trabahante ng shop na nanggaling sa iba't ibang lungsod. Kanina sa meeting ay tuwang-tuwa ang mga ito nang i-anunsiyo niya. Hindi na magrerenta ng matitirhan ang mga ito at makababawas sa personal na gastos.

Lumabas siya ng opisina at nagtungo ng showroom. Nadatnan niya ang mga crew na nanghahaba ang leeg sa pagtanaw sa shop ni Margaux sa kabila.

"Anong mayroon?" tanong niyang lumapit sa mga ito.

"Ma'am, naroon po sa kabila ang ilan sa regular customers natin. Nakita namin kanina hinarang po ng mga empleyado roon at tinangay sa loob," sagot ni Jinna.

"Let them be. I'm sure babalik sila rito. Dumating na ba si Javier?"

"Hindi pa po."

"Kapag dumating pakisabi nasa factory ako."

Tinanaw niya ang kabilang shop habang tinutungo ang factory building sa likod. Wala bang projects si Margaux? Bakit naroon pa rin ito? But who cares anyway? Iwinaksi niya sa isip ang babae at tumuloy sa quality control section.

Tumigil sa ginagawa ang mga empleyado. Sumenyas siyang ituloy lang ang trabaho. Mula sa main production ay namamayani ang ingay ng chainsaw at pukpok ng martilyo. Hinaplos niya ang makintab na mesang bilugan at dark brown.

Gumagawa sila ngayon ng dining set para sa condominium units. May orders na sila, karamihan ay mula sa mga kliyente ni Javier. Doble ngayon ang exposure ng mga produkto nila. Bukod sa website ng shop ay naka-link din ang shop sa Tauruz Architectural Firm na pag-aari ng binata. Inaalala tuloy niya ang supplies ng raw materials lalo na ang drift wood dahil sa sunud-sunod na orders.

"Ma'am, nasa shop po si Margaux!" Sinalubong siya ni Jinna paglabas niya ng factory.

Nagpanting ang mga tainga niya. "What? Nanggugulo ba?"

"Mukhang manggugulo po!" Nalukot ang mukha ng sale's agent niya.

Bumalik siya sa loob ng factory at dinampot ang kahon na lalagyan ng pako. Palulunukin niya ng pako ang babaeng iyon at nang magtagpi ang nagkalat na utak.

"Let me through!"

Nadatnan niyang nagpupumilit si Margaux na pumasok sa connecting door patungong opisina niya. Nakaharang sa pinto ang dalawang crew.

"I'm here, bitch!" sigaw niya.

Gigil na lumingon si Margaux. "There you are copy-cat criminal!" Dinaluhong siya nito. "Someone told me you're stealing some of my designs from the shop."

"Someone told you? Sino? Iyong mga customers kong pinirata mo? Kung wala kang ebidensiya lumayas ka na bago ko pa ipako iyang dila mo!" Dumakot siya ng pako mula sa kahon at ibinigay ang lalagyan kay Jinna. "O, baka gusto mong mag-miryenda ng pako?"

Nahulog ang nanlilisik nitong mga mata sa kanyang kamay.

"Makikita mo, I will sue you for this!" She pointed a finger on her.

"What is happening here?" Bumagsak ang boses ni Javier mula sa may pintuan. Lumapit sa kanila ang lalaking nakabusangot at nagbubuhol ang mga kilay.

"I have sources telling me that some of my designs were stolen," sumbong ni Margaux.

"Are they patented? If you can show me a proof, I will personally terminate the design you said we copied. Most of Akira's products are aligned to my projects. I cannot risk the trust of my clients for petty things like stealing your designs, Ms. Peters." Kinuha ni Javier sa kamay niya ang mga pako at ibinalik sa kahong yakap ni Jinna.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now