Chapter 5 - Ikalimang Yugto

1.6K 87 8
                                    

News came to them early in the morning of Tuesday. Miles' car accident while going to the movie taping in one of the slums in Tondo, Manila. Kasama ng director ang isa sa mga modelong may gagampanan ding papel sa movie.

"Javier!" Nagpanic na si Roanne habang palakad-lakad sa sala at naghihintay sa nobyong matapos sa pakikipag-usap kay Dezle.

"Forward those to our team in the site and tell them I'll be checking them out soon. I gonna go." He dropped the line and rushed to his fiancee. Niyakap niya ito. Sinikap mapakalma. "You go ahead with Rowena. Susunod kami ni Aki pagkatapos ng klase niya, hm?" Naihatid na niya ang bata sa school kanina pa at hindi maaring i-pull out iyon dahil may exams.

Tumango itong nangingilid ang mga luha. "What if Miles...oh, my God, Javier!" She is shaking and the color on her face continuously draining as terror overtook her eyes.

"Miles will pull through, I know. Have faith, okay? Don't let that fear mislead you. Go fix yourself, I'll be waiting in the car." Sinamahan niya ito hanggang sa may paanan ng hagdanan.

Si Rowena ay umakyat na rin sa itaas para maghanda. Hinatid niya sa airport ang magtiyahin. Maya't mayang inaalo si Roanne mula sa tahimik na pag-iyak.

"Wayne will meet you at the airport, I have notified him earlier. He will escort you to the hospital. Darating din doon ang team ko," pahayag niyang hinagkan ng magaan sa noo at labi ang dalaga. "I love you," usal niyang niyakap ito.

"I heart you more," she replied, sniffing and throwing random glances to people passing by, going to the departure area.

Tanaw niya ang dalawa sumabay sa agos ng mga pasahero. Galing ng airport ay dumeretso siya ng shop. Sinilip niya sa opisina si Xiellou na kahapon lang nagsisimula bilang Chief Operation Officer for Marketing. Abala ito sa pag-aayos ng furnishing sa loob ng opisina nito.

Kinatok niya ang sliding door na nakabukas. Nag-angat ng mukha ang dalaga at bahagyang nataranta. But her eyes glowed and a sweet smile graced her lips defined by fiery red tint.

"Morning, Jav!"

"Morning." Pumasok siya at naglakbay ang paningin. Her desk and the couches are all in place. Mag-isa ba nitong inayos ang mga iyon? She even have a movable coffee and bar counter. Wala pa iyon kahapon. May separate visitor's area sa left side ng glass partition at fully-furnished na rin. Nasunod kung anong nasa interior CAD na ibinigay niya.

"Si Roanne?" tanong nito.

"Lumuwas ng Manila at susunod ako sa kanya mamayang hapon. We'll probably stay there for a couple of days, depends on her. Can you watch over the shop?"

"Of course, sure! No problem, ako muna ang bahala rito." Hindi ito mapakali at panay ang sulyap sa gawi ng banyo. "Nakahanap nga pala ako ng cute na bahay sa kabilang subdivision lang. Reasonable ang price kaya binili ko na."

Tumango siya. "Do what is convenient for you." Mabuti at ito na mismo ang nagkusang bumukod ng tirahan.
Hindi niya ipipilit na tumira ito kasama nila roon sa bahay niya. Respeto sa mag-ina niya bukod sa hindi komportable para sa dalaga ang makita sila ni Roanne na maglalambingan.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo at bumaling doon. Jimrexx Durano came out, topless.

"What's up, man!" Nakangisi itong lumapit at binigyan siya ng tapik sa braso.

Umangat ang kilay niya at sumulyap sa kabadong si Xiellou. She is avoiding her eyes now. Obviously, guilty. So, the office arrangement was Jimrexx's doing. Kung tama ang kutob niya, rito natulog ang dalawa kagabi. Knowing Jim, it would be rare if nothing happens. This guy's lust caliber is freaking extreme.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now