Chapter 2 - Huling Yugto

1.5K 76 3
                                    

A week ago

Kasama ni Javier si Kreed sa loob ng sasakyan niyang nasa parking area ng eskwelahan ni Aki. Pinagbigyan na niya ang lalaking Andromida, tila seryoso ang pakay nito at sumadya pa rito para lang kausapin siya.

"I really need Roanne to join this project, Javier. I can't imagine anyone fit for the job other than her." Inabot nito ang inumin na nakapatong sa dashboard at lumagok ng ilang shots.

"Mind giving me a background of this project?" Binuksan niya ang sariling inumin at tinikman din. Mula sa kanyang lalamunan ay umakyat sa ilong niya ang anghang at tapang ng malamig na likido.

"Well, this movie is purely inspirational. A love story of course, yours and Roanne's love story."

"What?" Nagsuntukan ang mga kilay niya. "Love story namin ni Roanne ang bagong movie ng Saturn?"

"By Queen Anne Marie's suggestion and she was able to convince the board about the impact and the inspiration found in this movie." Isinandal nito ang ulo sa headrest. "Lately, I've been working in some parts of Tondo. Prostitution involving minors, drug addiction. The kids are willing to change but they needed someone to show them how. Sinong may gustong mabaon sa ganitong sistema ng pamumuhay?"

"Alright, I get where you are heading to. So, Roanne will be their redeeming hope?"

"Yes, most of them knew her and still admired her for her courage to face her crime before. I believe it would be more effective if she is going to act out her own fairy tale in the big screen."

"Make sense," tango niya.

"Help me convince her." Tumingin sa kanya ang binatang Andromida.

"Nag-aalala siya kasi sinabi ni Miles na may gusto ka sa kanya." He shrugged.

"What? That Miles, really. Why did girls' mind set is so...damn! Is this word 'like' have a universal meaning to them?"

"I'm guessing it is." Natawa siya sa tulirong reaction ni Kreed. A typical Andromida who is allergic to women and often merits backfires.

"Can I count on you?"

"Back to my girl, susubukan kong kausapin siya pero ayaw kong isipin niyang ipinagtulakan ko siyang magtrabaho sa iyo. Do something with that status of yours. Being single in that hot stance is a minus point for Roanne. Anyway, think of it as my advantage." Lumagok siya ng alak. "And, with conditions in case she will sign a contract."

"Conditions?"

"Her dream wedding, I'm working on it as a sweet surprise for her. Can you lend me a hand?"

"We'll talk about it once the contract has her name and signature attached to it."

"And her protection as the movie goes by." Nilukot niya ang lata at hinulog sa bin, siguradong-sigurado nang mangyayari ang iniisip niya.

***
Roanne sniffed heavily. Parang kailan lang ay hahabol-habol pa siya kay Rheeva Andromida hanggang sa hinulog niya ang sarili sa bangin dahil sa pagmamahal niya sa lalaki. Pero sa kanyang pagbagsak ay nakahanap siya ng daan upang ihango ang sarili sa lubak.

Mahal siya ng Diyos kaya nabuo si Aki sa kanyang sinapupunan kahit sa hindi tamang paraan. Ang isang pagkakamali ay naging tulay upang makita niya ang tamang landas. Dahil kay Aki nakaya niyang tiisin ang buhay sa loob ng kulungan. Naging matibay siya sa gitna ng kanyang parusa.

Ito na siguro ang gantimpala. Ang tunay na kalayaang hindi kayang ibigay ng mundo. Kalayaang bunga ng tunay na pagmamahal. Idinampi niya sa basang pisngi ang panyo na ibinigay ni Javier. Buti na lang walang salamin doon. Ayaw niyang makita ang pink bride na may makalat na make-up.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now