HULING YUGTO

1.5K 94 3
                                    

Sunud-sunod ang kislap ng camera ni Sunray habang pinirmahan ni Roanne ang dalawang taon na movie at modeling contract niya sa Saturn. Siya ang papalit sa artistang kasama ni Miles sa aksidente at magiging exclusive endorser ng ilang kompanyang sponsor ng on-going movie project ni Miles.

"Looking forward to working with you soon, Roanne Mercado, congratulations." Naglahad ng kamay si Kreed sa kanya.

Ibinigay niya rito ang kanyang palad. "Thank you for the trust despite of everything, Mr. Andromida."

Sumunod din ang ibang network officials na kahilera niya sa mahabang table at binati siya. Sunray took another shots of them. Tumingin siya sa babae at ngumiti. Gumanti itong may kasamang masiglang kaway. Mula rito ay lumawig ang tanaw niya papunta sa kanyang mag-ama na nakaantabay rin sa kaganapan. Pagkatapos ng contract signing ay ang masaganang lunch buffet sa main studio ng Saturn.

"Can I sit here?" Sumiksik sa bakanteng upuan sa tabi niya si Sunray bitbit ang spiked strawberry lemonade.

"Sure!" Umusod siya.

Kaibayo niya ay sina Javier at Aki. Binati ng babae ang dalawa. Ang anak niyang nawili sa choco chip ice cream ngayon ay nakaawang ang bibig habang nakatitig sa bagong dating. Kumurap-kurap ito at humilig sa ama.

"Papa, look at her hair, so beautiful like tiny golden noodles. Is it real?" Kahit pabulong ay narinig nilang pareho ang sinabi ng bata.

Hihingi na sana siya ng pasensya pero naunahan siya ng malamyos na tawa ni Sunray.

"Wanna touch it, baby boy? Come here," natutuwang kinambatan nito ang anak niyang maliksing umalis sa upuan at hindi na naawat pa ni Javier.

Tumakbo ito papunta sa babae at hinaplos nga ang buhok.

"Ohhh..." nagkorteng letter O ang bibig nito. "It is real and too soft like mine," pinagyabang pa ang sariling buhok na mahaba.

"Yeah," lalong natawa si Sunray.

"But mine is black like my Papa's hair, yours is gold and very pretty. Mama's hair is pretty too that's why Papa loves her so much."

"I can see that." Niyakap ng babae ang bata na tumugon ng yapos dito habang nakangiti ng malaki.

Mula sa dulong kabisera ng mahabang mesang iyon ay matiim na nakatanaw sa kanila si Kreed. Ang ibang kasalo nilang mga opisyal ay nasa mga mukha rin ang pagkaaliw kay Aki.

"Aki, come on and finish your food." Tinawag ni Javier ang bata na agad tumalima at kumaripas pabalik sa upuan nito.

"Nakakatuwa siya, I think I can't get enough of him if he is my son," natatawa pa ring komento ni Sunray matapos sumipsip ng inumin mula sa cystal glass. "Anyways, Roanne, I'm sure Miles will be glad to know that you accepted the offer. Sana magising na agad siya para masabi mo ang good news."

"I am hoping she'll come around soon," tango niyang sumulyap kay Javier na inaasikaso si Aki sa kinakaing ice cream.

"Alam mo noong huling nakausap ko siya, sobrang pinagmamalaki ka niya. Naging inspiration ka raw para sa kanya. Everyone is capable to change, hindi ka lang daw nagbago, but you chose to change for the better. Gusto niyang ipakita sa lipunan ang pagbangon mo kaya nais niyang bigyan kang muli ng pagkakataon sa industriya."

"I know she always had a reason for things everytime she came to me." Naglawa ang mga mata niya sa bukal ng luha.

Javier held her hand on the table and soothed her. Tipid siyang ngumiti sa nobyo. On the far end of the table, Kreed Andromida is observing.

Hindi na sila nagtagal pa sa event at bumalik na agad ng hospital. Sinalubong sila ng balisang si Rowena pagsapit nila sa silid ni Miles.

"Nag-seizure naman siya kanina kaya nagdesisyon na ang doctor na operahan siya para alisin alisin ang blood clot sa utak niya," balita ng babae.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now