Chapter 2 - Ikalawang Yugto

1.9K 105 1
                                    

Javier strolled around the school premises for the second time, after taking Aki to his assigned class. He is done evaluating the safety of the place but he was not satisfied although the school is providing a minimum security standard required for most of the academe institution. May guwardiya sa main gate. Nag-roroving kapag kinakailangan. There are CCTvs in conspicuous places. Emergency exit is upgraded, and high-end fire combat system.

He must be a bit paranoid for the welfare of his son that he can't keep still. Matapos suyurin ang buong lugar ay umalis siyang hindi pa rin kontento. Pero ayaw niyang umangal kay Roanne tungkol sa pag-aaral ng anak nila. Dagdag alalahanin lang ng dalaga kung iisipin nitong hindi niya aprobado ang paaralang pinili nito.

Dumeretso siya sa bahay ng mga Mercado. Sasamahan niya ngayon si Roanne para magreport sa himpilan ng police. Ipapasa nito ang mga dokumentong magpapatunay na ibang tao ang tinutukoy ng suspek. Hindi na niya ipinasok sa bakuran ang sasakyan at itinabi na lang sa labas ng gate.

"Umalis na si Roanne," Rowena informed him.

Nagtagis siya ng mga bagang. Masyadong atat ang babaeng iyon. Binilin na niyang hintayin siya. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at nag-drive papuntang police station. Pero hindi na niya nagawang bumaba nang matanaw si Roanne na lumabas ng gusali kasama ang isang lalaki.

Nagbuhol ang makakapal niyang mga kilay. Jimrexx Durano? That guy is one of the special bodyguards of Dr. Xandr Limchua. Anong ginagawa ng lalaking iyon dito? Naglakad ang dalawa patungo sa SUV na nasa parking lot.

Nakasunod siya sa mga ito hanggang sa bahay ng dalaga at tinanaw ang sasakyan ni Jim na pumasok ng bakuran matapos sabik na pagbuksan ni Rowena ng gate.

His eyes froze the smolthering anger from showing. Binawi niya ang paningin at kinabig ang manibela ng sasakyan paalis doon. Maaga siyang pumunta ng school para sunduin si Aki. Thirty minutes siyang naghintay lang sa parking area, hindi magawang hamigin ang sarili. His mind is throwing a bunch of useless thoughts. Unpleasant, and awful.

Pinuntahan niya ang anak sa classroom nito pagpatak ng oras para uwian. Kaka-dismiss lang ng mga bata. Sumilip siya sa pinto at natanaw niyang nasa upuan pa si Aki, abala sa pag-aayos ng mga gamit nito sa loob ng bag. A big smile from his son lightened the mood a little. He dropped himself down to receive a small kiss and a hug from his boy.

"I got five stars, Papa! See?" Ipinakita nito ang palad na may tatak ng mga bituin.

"Papa should give you a reward for the job well done. Wanna go out to the arcade today?"

"Without Mama?"

"I think your Mama is busy with some stuff, she can't come." The hostile feeling resurfaced.

"Okay, then next time we will bring her?"

Tumango na lamang siya. Dumeretso silang mag-ama sa children's arcade sa loob ng isang supermall. His bonding time with his son in those kiddy rides made him forget his frustrations. Marami-rami rin ang mga batang naroon at naglalaro. Karamihan ay mga Nanay ang kasama. 

"Papa, those girls told me you're handsome." Itinuro ni Aki sa daliri ang dalawang babaeng kaibayo nila habang kumakain sila ng ice cream sa loob ng ice cream parlor.

Kumaway sa kanya ang mga iyon. Wearing a college uniform? Youngsters na nagmamadaling tumanda. He ignored them. Pinunasan niya sa tissue ang kalat sa pisngi ni Aki at ang anak na lamang ang tinitingnan.

Dinala niya sa bahay niya si Aki imbis na iuwi kay Roanne. Binihisan niya agad ang bata, nagkalat sa polo shirt nito ang mantsa ng ube. Iniwan niya ito sa loob ng kuwarto habang naglalaro at pinuntahan sa kusina si Xiellou na naghahanda ng hapunan nila.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon