Chapter 5 - Ikatlong na Yugto

1.9K 109 3
                                    

The commercial space across the road was also announcing a grand opening the same exact date with AKIRA Furnitures. Hindi pa alam ni Roanne kung sino ang may-ari ng shop na tumapat sa kanya sa kabila. Pero ayon sa nakalap niyang balita kaparehas na produkto ang ibibinta ng mga ito. Mga collector items na gawa mula sa drift woods.

Palakad-lakad sa loob ng kanyang opisina ang dalaga. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa nerbiyos. Paano kung mas maganda ang display ng kabilang shop? Paano kung walang pupunta rito sa opening? Napa-paranoid na siya sa kaiisip.

Lumabas siya ng opisina niya at pinuntahan sa showroom sina Javier at Jimrexx na nagdi-discuss sa final touch ng renovations. One week na lang at magbubukas na sila sa publiko. Ayaw ni Javier na magkaroon pa ng soft opening. Dagdag lang daw sa gastos iyon. Isang bagsakan na lang ang gagawin ng shop sa darating na grand opening.

Natanaw niyang seryosong nag-uusap ang dalawang lalaki habang umiinom ng scotch. May tinitingnan ang mga ito sa laptop ni Javier. Tumayo ang nobyo nang makita siyang papalapit. Dumukwang ito at hinagkan siya sa labi. Jim is giving her a nod.

"May problema? Mukha kang stress," puna ni Javier sa kanya.

Umiling siya. "Okay lang ako." Pilit siyang ngumiti upang ikubli ang walang basehan niyang pag-aalala. Sumulyap siya sa labas at tinanaw ang kabilang shop. Halatang abala rin ang mga empleyado roon.

"Are you worried for having a competition all of a sudden?" Nabasa ng binata ang nasa utak niya at wala na siyang takas.

Tumango na lamang siya ng marahan at binawi ang paningin. "Normal lang siguro ito. First time ko kasing mag-business."

"Pretty normal, Baby girl. But half-hearted determination is not applicable in this area, understand? Stop trying to win. Be faithful in what you do and success will follow." Hinaplos ni Javier sa likod ng palad ang pisngi niya.

"Listen to him, Roanne. Having a competitor is a risk you need to confront in starting up a business. Hindi natin itinayo ang shop na ito para yumaman agad. Expect losses because it is part of establishing process," pakli ni Jim at nilagok ang natitirang laman ng baso nito.

Ngumiti siya ng matamis. "Mabuti na lang matatalino ang advicers ko bukod sa ang guguwapo pa," biro niya.

Tumawa si Jim pero si Javier ay bumusangot. She had to tiptoe and kiss his clenched jaw. Doon lang ito ngumisi. Just so adorable when he is getting his way on her with those signals she finds too sweet. Such a charmer indeed. Hindi siya makapaniwalang ganito lang kabilis nito mapagagaan ang loob niya.

"I'll take a look at the production," nagpaalam si Jim sa kana at tinapik sa balikat si Javier habang siya ay kinindatan.

"How about the export shares, are you cool with it?" pahabol na tanong ng nobyo.

"Of course, that will be a huge outbreak." Jim motioned them an approve sign and slipped out of there.

"Aki's teacher texted me. We can pick him up at two-thirty," sabi ni Javier na binalikan ang laptop.

Tumango siya. Mula nang ibigay niya kay Ms. Gheya ang contact number ni Javier, hindi na sa kanya nagtetext ang guro. Ang binata lagi ang mini-message at tinatawagan kung may mga concerns tungkol sa bata. Pilit niyang iwinaksi sa utak ang hindi magandang naiisip at lumapit sa iilang item na naka-display na roon pero natatakpan pa ng puting tela. Bawat isa sa mga iyon ay may volume na para sa ordering at naka-patent na rin sa shop ang pag-aari ng original designs.

"Baby, can you answer the phone for me?" tawag ni Javier na abala sa katitipa sa laptop habang kumakanta ang cellphone nitong nasa tabi lang.

Lumapit siya at dinampot ang telepono nito. From unknown number? Tinanggap niya ang tawag at idinikit sa tainga ang cellphpne.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon