IKALAWANG YUGTO

2K 109 4
                                    

Javier took a short break after finishing half of the architectural plates for his new projects. His focus is in mess and the clenching of his heart refused to subside. Kahit anong gawin niya umaagaw sa kanyang utak ang batang lalaking natutulog sa kanyang silid. Kanina pa siya pabalik-balik para silipin ito. Ngayon ay naroon na naman siya. Naupo sa gilid ng kama. Ingat na ingat sa kanyang kilos para huwag magising ang bata.

Marahan niyang hinaplos sa hinlalaki ang kamay ni Aki. He doesn't need documents, and DNA results to prove that this boy is his son. He cracked a smile, remembering what happened at the school. Aki asked him to be his Papa. He wasn't expecting that at all. Sabay-sabay na kumawala sa puso niya ang sakit at saya na hindi niya alam kung paano kontrolin. Masaya siyang kinilalang ama ng bata pero masakit isipin na ito pa ang nakiusap para magkaroon ng Papa gayong hindi naman kailangan.

Ngunit, ganoon pa rin ba ang mararamdaman ng anak kapag nalaman nito kung paano ito nabuo? Sa loob ng pitong taon ay itinago ito ni Aya sa kanya. He was such a dupe. Alam niyang may nangyari nang gabing iyon pero hindi niya inalam ang katotohanan. Nakontento siya nang masampahan ng kaso si Aya, at itinigil ang kanyang imbistigasyon dahil ang mahalaga lang aa kanya noon ay si Anne Marie.

If only time can be rewinded. He'll make it sure the existence of his son will never be a question to the society. But it's not too late to fix his foolishness from the past. Hahabulin niya ang mga taon na nawala sa kanya para makabawi. Magiging ama siya ni Aki sa ayaw at sa gusto ni Aya.

He bent forward, and put a gentle kiss on Aki's forehead. Inayos niya ang kumot nito at sinipat ang oras sa kanyang relos. Pasado alas-diyes na ng gabi. Lumuwas ng Manila sina Aya at Rowena para kunin ang dagdag na clearance ng dalaga sa probationary award nito mula sa correctional. Nag-volunteer siyang bantayan ang bata.

Lumabas siya ng silid at binalikan ang trabaho sa kabilang kuwarto. Isang plate ang natapos niya nang kumanta ang door bell. Sinadya niyang hindi i-lock ang gate para deretso nang makapasok si Aya sakali maisip nitong sunduin ang bata.

"Si Aki?" Humahangos na bungad nito sa kanya. Bakas ang pagod sa maputla nitong mukha. Ang magulong buhok ay hindi man lang magawang ayusin.

"Come in." Itinabi niya ang sarili. "He's sleeping in my room."

"Pasensya ka na natagalan kami. Dumaan pa kami ni Auntie sa kapatid ko," paliwanag nitong huminto sa gitna ng sala at mailap na naglakbay ang paningin.

"It's okay, I enjoyed having Aki here." Nahulog ang paningin niya sa mga balikat nitong nakahantad sa suot nitong off shoulder blouse. His brain went wild. Her image, naked. Full breasts, frail waist, and thighs...

"Iuuwi ko na siya."

"You might want to catch a late dinner. I have food in the kitchen." Nag-umpugan ang inis at pagmumura niya sa isip. Hindi makapaniwalang ganito kabilis mapukaw ng babaeng ito ang libog niya.

Tatanggi sana ito pero kumulo ang sikmura nito. Napangisi siya habang ito ay namumula.

"This way," he led her to the kitchen.

"S-salamat," mahina nitong sabi pagkaupo sa silyang inurong niya.

He served her the dinner.

"Puntahan mo si Aki pagkatapos mong kumain. The room from the right, after the hallway."

Tumango ito.

Iniwan niya ito roon sa kusina habang kumakain. Bitbit ang drone at laptop, lumabas ng terrace ang binata. Saglit na kinalikot ang laptop. He released the drone after putting it in a night mode, and maneuvered it towards the direction of Aya's house. Comprehensive shots displayed at the monitor of his laptop. He scanned the nearby perimeters checking for any threat that might arise.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now