Chapter 2- Ikatlong Yugto

1.8K 97 6
                                    

Good and bad are inseparable. Parang liwanag at dilim, araw at gabi. Ngunit hindi katulad ng kalikasan, ang mabuti at masama, tama at mali ay pwedeng piliin ng malaya.

Banayad na pinisil ni Roanne ang kamay ng anak na hawak niya habang nilalandas nila ang pasilyo patungo sa silid-aralan ni Aki. Bumabati sa kanila ang iilan sa mga kamag-aral at sinasagot nila iyon nang may kasamang ngiti.

"Mama, I will be a good boy starting today. I will be like Papa someday."

"You will, Aki, and you're always a good boy for me."

Siya ang nag-volunteer na maghatid kay Aki sa school. Maagang nagtungo sa shop si Javier tapusin ang tumulong sa renovations ng show room at nang makahabol pa sa opening. He is skillful even in carpentry, interior designs, and furnishing.

Sinamahan niya ang anak sa loob ng classroom at humingi sila ng tawad kay Junjun. Humingi rin ng paumanhin sa kanila ang bata. Nagkabati na ang dalawa nang ibilin niya sa homeroom teacher si Aki at magaan ang loob na umalis ng eskwelahan.

Bubuksan sana niya ang stereo para makinig ng music nang mahagip ng tingin niya ang cellphone ni Javier na nasa holder. Nakakonekta pa iyon sa communication panel ng sasakyan. Nakalimutan sigurong tanggalin ng binata kanina pagbaba nito roon sa shop.

Naalala niya ang sinabi ni Xiellou aa kanya. Pero gusto niyang magtiwala kay Javier at maniwalang tapos na ito sa mga babaeng minsan nitong minahal. Ayaw niyang pagdudahan ang binata. Nakapapagod mag-isip ng mga negatibong bagay. Gusto naman niyang bigyan ng pagkakataon ang sariling magaganda lang ang iniisip mula paggising ng umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang mag-ama niya ay sapat nang dahilan para gawin niya iyon.

Tinapakan niya ang preno pagsapit niya ng pedestrian lane nang mapansin ang magandang babaeng tumatawid at hindi magkadaugaga sa maraming shopping bags na dala. Ang iba ay nalaglag na sa daan. Itinabi niya ang sasakyan at bumaba. Nilapitan ang babae at tinulungan. Napatitig siya at kulang na lang ay mabighani sa ganda nito. Pati ang mahaba nitong buhok ay nakikipag-agawan ng atensiyon.

"Thank you so much," anitong bahagyang hiningal pero nakuha pa ring ngumiti ng matamis. Saglit na natigil ang paningin nito sa singsing na kanyang suot. "Wow, is that a Crimson Flame Ruby?" bulalas nitong hindi iniiwan ng titig ang singsing hanggang sa tuluyan silang makatawid sa kabila.

Napatingin siya sa kumikinang na bato. It is a Burmese pigeon blood ruby, 15.04 carats cut in the cushion and mounted on a ring in the center of a crown of diamonds.

Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnang maigi ang singsing. "I think this is an heirloom. Bigay ng boyfriend mo?" tanong nitong tonong nanunukso.

Tumango siya. "O-oo," tipid siyang ngumiti.

"He must have love you so much to give you this heritage ring of his family. Do you know how much it cost in the market today? $18,382,385."

Ilang milyon daw? Eight digits? Nalula siya sa sinabi nitong halaga. Natutop niya ang kamay. Hindi siguro magandang ibalandra niya sa publiko ang ganoon kamahal na singsing.

Natatawang pumara ng taxi ang babae at muling nagpasalamat sa kanya. Tango na lang ang naitugon niya. Hindi pa rin siya makabawi sa sinabi nito. Binalikan niya ang sasakyan ni Javier at lutang na nag-drive patungong shop. Napansin niyang nagnotify ang message inbox ng cellphone ng lalaki.

Natutukso na siyang kunin iyon at basahin ang message pero nanaig pa rin ang kontrol niya sa sarili. Narating niya ang shop at maayos na ipinarada ang sasakyan sa nakalaang parking lane. Tinanggal niya sa holder ang cellphone at binunot mula sa communication panel.

Javier is working with some of their male workers inside sa showroom. He enhanced the braces of the ceiling. Lumapit sa corner table ang lalaki at hinubad ang shirt na basa na ng pawis. Inabot nito ang mineral water na may bawas na ang laman at inubos.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt