Chapter 5 - Ikalawang Yugto

2K 102 3
                                    

Isang malutong na tawa ang tumalbog sa earpieces na suot ni Javier. Wala nang ginawa itong si Jimrexx kundi asarin siya tuwing nag-uusap sila. He adjusted the monitor of the laptop. Tanaw niya mula roon ang kausap. Nakataob sa kama at may babaeng nakahubad na panay ang halik sa likod nito.

"No one will ever ask who's son Aki is, he has every inch of your face, Jav," dagdag nito.

"Rowena told me, you were asked to pretend Aki's father to mislead me." Nagtagis siya ng bagang.

"Kung hindi mo lang kamukha ang bata tinanggap ko na ang role. Tingin ko masaya iyon," hirit nitong sinundan ulit ng halakhak.

Kung babagsakan niya ito ng tawag lalo siya nitong bubuwesitin sa susunod nilang pag-uusap. Kung papatol naman siya'y magmumukha siyang retarded na walang muwang.

Inabot niya ang tasa ng kape at humigop. Hinintay lang niyang matapos paliguan ni Roanne ang anak nila.

"Kumilos ka na, Jav. May pumipigil ba sa iyo?" Sumeryoso ang tono ni Jim.

"Shut up. Mas marunong ka pa sa akin?"

Lumipad ang paningin niya sa pintuan. Nakasilip ang maaliwalas na mukha ni Aki. Nakangiti ng malaki. Nagpaalam siya sa kausap at itiniklop ang laptop. Tinanggal ang earpieces na nakasaksak sa mga tainga.

"Papa!" Sabik siyang kinambatan nito.

"Coming!"

***

Even a broken heart will find a way to mend itself. Her time of loving Rheeva ended in a mesirable punishment. But she never had the chance to lose herself because her son is growing inside her. Aki become her healing and salvation.

Sa gitna ng wasak niyang puso ay kumakapit siya sa pag-asa at sa buhay na naghihintay pagkatapos ng kanyang parusa. Paunti-unti ay pinupulot niya ang durog niyang pagkatao at sa bawat araw na dumaan sa loob ng pitong taon ay iniingatan niya ang bahagi ng kanyang pagkatao na tingin niya ay naghihilom na. Nagkaroon siya ng sapat na lakas para harapin muli ang mundo at magsilbing baluti ng kanyang anak.

Ngunit sa marupok na katatagang iyon ay nakakubli ang takot. Hindi siya handang magmahal muli. Ayaw niya. Natatakot siya. Subok na kasi niya kung paano bumigay ang kanyang puso at utak sa kasamaan dahil sa pag-ibig. Pero ano na naman itong damdaming pilit na sinasakop ang espasyo ng kanyang puso? Nagsusumiksik at ayaw magpaawat?

Piniga ni Roanne ang kaliwang braso habang pinanonood ang mag-ama niyang nasa bakuran at naglalaro ng basketball. Kanina lang nai-set up ni Javier ang poste at ring. Ayaw nang tigilan ni Aki ang bola. Tuwang-tuwa ito tuwing binubuhat ng ama paangat sa ring upang ibuslo ang bola.

Tumatahip ang dibdib niya sa bawat sulyap ng lalaki sa kanya. Kung dati ay naiirita siya, ngayon ay ginto na sa kanya ang titig at pilyo nitong mga ngisi. Hindi pa sila nakalipat sa bahay nito dahil ayaw umalis ni Xiellou. Si Javier na lang ang pansamantalang tumira rito sa bahay niya. Mas lalong nahihirapan ang dibdib niyang harangin ang tuluyang paglaya ng kanyang emosyon para sa binata.

"Mama, come...join us!" tawag ni Aki sa kanya.

It was Sunday and Javier insisted to spend the whole day as a family. Hindi ito pumayag na pumunta siya ng shop. Mga manggagawa lang niya ang naroon. Nag-overtime para mahabol ang mga furniture na idi-display nila sa darating na opening.

Nakangiting kinawayan lamang niya ang anak. Ibinigay nito ang bola sa ama at tumakbo papalapit sa kanya. Hinila siya.

"Aki, I don't know how to play basketball," angal niya.

"Papa can teach you, right , Papa?" namumungay ang mga mata ng bata. Nakatingala kay Javier.

"Of course, bud." Kumindat si Javier at bumaling sa kanya. Mabilis na nahawi ang paternal expression sa mga mata nito at napalitan ng malagkit na titig na pamilyar na sa kanya ang kahulugan at ayaw man niyang aminin, nagugustuhan na niya.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon