Chapter 1 - Ikaapat na Yugto

1.7K 78 9
                                    

Umabot kay Roanne ang taginting ng masayang tawa ni Aki. Binawi niya ang paningin mula sa iilang customers na nakikinig sa paliwanag ng production head tungkol sa drift na ginamit sa design ng mga furnitures. Ibinaling niya ang mga mata sa kinaroroonan ng anak. Kanina pa ito hindi makababa sa sahig at palipat-lipat lang sa bisig ng mga kapatid ni Javier. Pati mga magulang ng binata ay maya't maya ang halik kay Aki. Gustong-gusto naman ng bata ang nakukuhang atensiyon.

Naroon din sa umpukan si Xiellou at nakikisali sa kulitan. Halatang malapit ito sa pamilya ni Javier lalo na kay Vierra. Hindi pa siya sigurado sa impression ng mga ito sa kanya. Ayaw niyang umasa na malugod siyang tatanggapin ng mga ito sa kabila ng kanyang nakaraan. Sapat na muna sa ngayon na civil ang pakikitungo ng bawat isa kanya. May pagkakataon pa naman siya para patunayan ang kanyang sarili.

"What do you think?" Javier's arms caged her from behind.

"About Aki and the shop? It's overwhelming, feeling ko hindi ako makatutulog mamaya dahil dadalhin ko pa ng ilang araw ang epekto ng mga surprises mo." Pumihit siya at ikinawit ang mga braso sa batok nito.
The love in his eyes washed over her and happiness traveled to her heart.

"I won't sleep too, sasamahan kitang magpuyat." He nuzzeld his and her nose, caught her lips in a soft kiss.

Hinabol niya ang labi nito nang tinangka nitong itigil ang halik. "I won't ask anymore if I am worthy. Malinaw na sa akin ngayon ang sagot. You made me worthy."

"Good girl," he kissed the tip of her nose. "And you're stunning, always beautiful for me inside out."

She giggled and tiptoed to whisper him, "I'm getting wet, Papa."

"Uhhh...now you're becoming bad," biro nitong umuungol.

Nagkatawanan sila.

Kung may mabuting naidulot sa kanya ang pagpasok sa showbiz noon iyon ay dahil nahasa niya ang kumpiyansa sa sarili. Kahit tumira siya ng ilang taon sa kulungan hindi basta bumagsak ang confidence niya. May mga oras na nagdududa siya ngunit nagagawa pa rin niyang bumangon lalo na nang dumating si Javier. He taught her how to appreciate herself more even away from the limelight of fame and success. Everyday she had things, big and small to thank for to God.

"Guess it's time for my little more surprise," nakangising sabi nito at nagtungo sa gitna.

Natatawang sinundan niya ng tanaw ang nobyo. Ano nanamang pakulo nito?

"Ears here ladies and ladies!" Sapat ang lakas ng boses nitong dumagundong sa buong showroom. "I have a little challenge for you!" Walang kahirap-hirap nitong nakuha ang atensiyon ng mga kababaehan.

Doon lang din niya napansing iilang kalalakihan lamang ang naroon at dagsa ang kababaehan. Kungsabagay, mga babae ang mahilig magpaganda sa mga furnishing ng bahay.

"The first one hundred girls to buy our display here will have a kiss from that guy over there!" Itinuro ni Javier ang kinaroroonan ni Jimrexx na kasalukuyang may ini-entertain na mga customers.

Natigilan ang lalaki at saglit na sinakop ng putla ang mga mukha. Javier must have noticed the handful of girls checking out Jim every now and then. Guwapo naman kasi talaga ito. Literal na hot lalo na kung pumorma. The mixture of his expensive blood is screaming in his tanned complexion. Kulay na pagkakamatayan ng madlang kababaehan.

Isang daan? Baka mapudpod ang labi nito. Gusto na niyang bumulalas ng tawa.

"Not just him of course, those men from the other side too!" Javier edged his finger toward his brothers.

Mistulang kulog ang malulutong na murang sunud-sunod na ibinagsak nina Yzrael, Kaien at Edan. Habang siya ay namilipit na sa katatawa.

"Paano ka? Hindi ka ba kasali?" sigaw ni Xiellou, naghahamon.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now