Chapter 1 - Ikatlong Yugto

1.9K 93 10
                                    

Accuracy is an important element in his profession. An accurate design means success. His spatial intelligence is on top, making him one of the few architects in the country known to have a world class skills.

Ngunit sa pag-ibig na walang kinilalang hugis, laki, at sukat ay balewala ang kanyang kakayahan. Hindi nasusukat ng talino ang tibok ng puso. Kung anong laki ng puso ganoon din ba ang pagmamahal? Kung anong mukha ng damdaming madalas ay mas malakas pa sa bagyo at anumang kalamidad na ibinabagsak ng kalikasan.

Akala niya narating na niya ang sukdulan ng pagmamahal na iyon. Pero itinuro sa kanya ni Aki na mayroong mas matayog pa. Pagmamahal na kayang tunawin bawat sulok ng puso at paduguin ng ligaya at sakit ang bawat tibok.

Dinala ni Javier sa bibig ang maliit na kamay ng natutulog na anak at hinagkan. Ikinulong niya iyon sa loob ng kanyang mga palad at sumubsob doon, itinago ang pagpatak ng mga luha.

"I was overconfident when I came here, appearing to both of you and giving Aki the idea that I am his father. Inisip ko ganoon lang kadali pumasok sa buhay ng anak ko dahil ako naman ang Tatay niya. I forgot that the truth was not always easy and forgiving."

Naramdaman niya ang marahang haplos ni Roanne sa kanyang likod. "He saw you as a father figure, pero hindi siguro pumasok sa isip niya na ikaw ang tunay niyang ama."

"Kung sasabihin ko sa kanyang mahal ko siya, papaniwalaan pa kaya niya ako? I'm afraid he'll see me as a big liar instead of being his father."

Niyakap siya ng dalaga. "Maniniwala siya, Jav, tulad ko."

Sinulyapan niya sa sidetable ang kopya ng lab results ng bata. Everything is normal. No underlying condition reported. Malusog ang anak niya. Sadyang minana lang nito pati ang ugali niya noong bata siya.

Aki stopped his breath and choke himself until he passed out. Ganoon din siya noong maliit siya. Kapag hindi nasunod ang gusto niya at tuwing napipikon siya ay titigil siya sa paghinga. He'll suffocate himself by holding back his breath until his consciousness dropped.

"Papa?" Nagising si Aki. Kumislot at ang pagod na mga mata ay tumitig sa kanya.

"Son," dumukwang siya rito at halos saklutin ng kanyang mga bisig ang anak. "Yes, this is Papa. I'm here."

"Mama?"

"Nandito ako, baby."

Gumuhit ang ngiti sa tuyo na labi ng bata. Para siyang sinipa ng kabayo sa dibdib. Was it a sign? Buong pagmamahal niyang dinakot si Aki at kinarga. Tumingin siya sa Diyos na nakasabit sa dingding.

"Please, let me take care of them. I will never disappoint You this time," anas niyang hinapit sa baywang si Roanne na niyakap ang kanilang anak na nasa kanyang mga bisig.

He decided to stay overnight at the hospital for Aki's complete recovery. The doctor told them it was the best option for the boy.

"Ako na ang kukuha ng mga gamit. Bibili na rin ako ng makakain natin," pahayag ni Roanne.

Tumango siya habang pinagbabalat ng orange ang anak. "Use the car and drive slowly, right?" he instructed, gesturing her to get the car keys inside his pants pocket.

Kinapa nito ang susi sa loob ng kanyang bulsa at kasamang hinaplos ang umbok ng kanyang pundilyo. Sharp voltage hit his groin and ripping lust awakened rapidly.

"Picking a fight, baby girl?" ungol niyang hinawakan ang kamay nito at idiniin sa kanyang pagkalalaki.

Ngumiti ito, kinagat ang labi. "Hindi ko sinadyang masagi, oversize kasi," palaban nitong sagot. Malakas ang loob dahil nandito ang anak nila.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now