Chapter 4- Unang Yugto

1.9K 101 3
                                    

Aya is holding the passbook, looking at the figures of the savings in it. Malaking halaga ang naroon at magandang ideya ang sinabi ni Rowena na gamitin ang pera sa pagtatayo ng negosyo. Pero paano kung magsasampa ng paternal custody si Javier, wala siyang perang magagamit para lumaban sa korte.

"Mama, we're going to be late!" apura ni Aki na banaag sa maaliwalas at inosenteng mukha ang excitement.

"Coming!" masigla niyang tugon at itinago sa chest drawer ng dresser ang passbook.

Hinintay siya ng anak sa labas ng pintuan at agad itong kumapit sa kamay niya. Magsisimba sila. Walking distance lang ang chapel kungsaan gaganapin ang misa para sa kapistahan ng Sacred Heart.

Ngayong araw ay pinagsuot niya ng komportableng pantalon ang anak at malambot na shirt. Ang mahaba nitong buhok ay tinali niya ng ponytail. Sa kabila ng pagpupumilit niyang magmukha itong babae, hindi pa rin maitatago ang hulma ng mukha nitong bawat pulgada ay minana sa ama. Even Aki's smile mirrored that of Javier's smug grin.

Ano nga ang sabi dati ng mga koliheyala? Javier's mega-killer smile has the ability to pull down hell of bikinis and cameltoe in the beach. Hindi niya masyadong pinansin noon ang lalaki kahit nagtatagpo naman ang landas nila dahil ang daming nagki-claim dito. He was not a hooker, but he is a unique type of player. Someone who will never compromise respect over pleasure.

"Hello, Aki! Is she your Mommy?" tanong ng ilang kabataan pagdating nila ng kapilya. Karamihan sa mga iyon ay babae. In different age brackets.

"Yes, she is my Mama!" masayang sagot ng bata at tumingala sa kanya.

Ngumiti siya ng matamis. Nagngitian din ang mga bata.

Puno na ang ang looban ng kapilya kaya pumuwesto sila sa extention na nilagyan ng malalaking tents. Most of the people here knew her by her popular screen name on tv. Hindi rin lingid sa mga ito ang pagkakukulong niya. Hindi maiwasan ang panghuhusga pero sa tulad niyang dumaan ng hatol laban sa buong bansa, balewala na ang opinyon ng iba.

"Ang ganda pa rin niya."

"Oo nga, parang hindi galing sa kulungan. Tingin ko mas gumanda pa lalo."

"Sayang talaga. Malayo na sana ang narating niya kung hindi siya nakulong. Sayang ang career niya sa showbiz, isa pa naman siya sa pinakamagagaling umarte."

"At marunong din siyang kumanta."

Nauulinigan niya ang mahihinang usapan buhat sa kanyang likuran. Hati ang nadarama niya. Tuwa at hiya. Niyapos niya ang anak na gumanti ng yakap sa kanya.

Nagsisimula na ang misa nang may lalaking naupo sa bakanteng silya sa tabi niya. Sinulyapan niya ito at natigagal nang makasalubong ang matalim nitong titig sa ilalim ng suot nitong itim na baseball cap.

Javier!

Nag-angat ng mukha si Aki na nakasubsob sa kanya at sumilip sa lalaki. Nakita niya kung paano kumislap ang mga mata ng bata. Malaking ngiti ang sumilay sa munti nitong labi at lumundag pababa. Natilihan siya nang umakyat ito kay Javier at nagpakandong.

Her heart sank. Her son left her just like that to seek comfort in his father's lap.

"Hey, bud!" Javier is smirking but his eyes are fighting to hide that unfamiliar emotion of pain and longing. Kumbinsido na ba talaga itong anak nito si Aki kahit wala siyang sinabi at wala itong katibayan?

"What are you doing here, Tito Jav?" pabulong na tanong ng bata.

"I came to see you," pabulong din ang sagot ni Javier.

"Why?"

"I was bored, and I missed you."

Tumawa si Aki. Tuwang-tuwa sa narinig. Kitang-kita ang pagkauhaw ng anak sa pagkakaroon ng ama at sinaklot ng lungkot ang puso niya. 
Hindi na siya nakapag-concentrate sa pakikinig sa misa. Wala siyang ibang ginawa kundi magmasid sa mag-ama. They're both unaware of the secret but the paternal connection between them is stronger than the truth she is holding and she was blown away.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now