IKATLONG YUGTO

1.8K 111 6
                                    

Hindi binibitawan ni Javier ang nanginginig at nanlalamig na kamay ni Roanne. Lakad-takbong binaybay nila ang pasilyo patungo sa opisina ng school principal. Naroon si Aki. Ang sabi ng teacher na tumawag sa kanila ay nakipag-away ang bata.

Sinapit nila ang opisina at nadatnan sa loob ang principal, ang homeroom teacher, sina Aki at isa pang batang lalaking may pasa sa kaliwang mata, katabi ang may katabaang babae na nakabusangot at panay ang tirik ng mga mata kay Aki.

Hindi na niya nagawang bumati pa. "Aki!" Hinablot niya ang kamay sa pagkakahawak ni Javier at nag-aalalang dinaluhong ang anak. Niyakap niya ito.

"Mama, Papa," bahagya itong napangiwi at pilit pinipigil ang pag-iyak. Dama niya ang takot ng bata at ang pagsisikap nitong maging matapang sa harap ng mga taong naroon.

Tila sinaklot ang puso niya. Alam niya ang pakiramdam na iyon, ang pakiramdam na walang kakampi sa loob ng isang silid kungsaan may paglilitis. Pero malaki na siya noong isalang siya sa ganitong tagpo. Ngayon ang anak niya? Pitong taong gulang lamang ito.

"Javier Sepulbidda, Ma'am, I'm Aki's father." Kalmadong nagpakilala si Javier sa principal at nag-abot ng kamay.

"Magandang araw, Sir." Tumayo si Mrs. Leonora Juarez at malugod na tinanggap ang palad ng binata. "Salamat sa pagpunta."

Tumango si Javier at lumapit sa kanilang dalawa ni Aki. Marahan nitong hinaplos ang ulo ng anak nila.

"Let me introduce, Mrs. Abella and Junjun, her son."

Umunat sa pagkakaupo ang babae at umirap sa kanya. Tila may gustong sabihin ngunit nagpipigil dahil sa presensya ni Javier.

"Pinatawag po namin kayo dahil sa ginawa ni Aki rito sa kaklase niya. Nakita n'yo naman siguro ang pasa nitong bata," pahayag ng principal.

"Ano po ba ang nangyari, Ma'am?" tanong niya.

"Ms. Gheya?" Bumaling si Mrs. Juarez sa guro ni Aki.

"Kanina po sa recess nakita kong sinuntok ni Aki si Junjun. Ang sabi ng mga kaklase nila may pinag-awayan ang dalawang bata," kuwento ng gurong marahil ay kasing  edad niya lang.

"Hindi ako naniniwalang magsisimula ng away itong anak ko. Talagang bully lang ang batang iyan!" sabat ng ina ni Junjun.

Nagpanting ang tainga niya. "Hindi rin po ako naniniwalang mananakit ang anak ko nang walang sapat na dahilan, Ma'am," nagsalita na rin siya.

Huminga ng malalim ang principal. "Nandito po tayo para ayusin ito hindi para magtalo kayo. Ngayon lang nasangkot sa away si Aki kaya natitiyak ko rin na mayroong nangyari. Hindi sa kinakampihan ko ang bata pero kahit papaano ay kabisado ko na ang ugali niya gaya ng ibang mag-aaral dito. Hindi siya magulong bata."

Umirap si Mrs. Abella. Kumibot ang labi. Pero hindi maisatinig ang mga salita.

"Aki, can you tell us what happened back there? Why did you do that?" she sofly asked the little boy.

Umingos si Aki. "Junjun told me I don't have a Papa, that Papa Javier is not my real Papa. I asked him properly to stop but he didn't and he said that my Mama is bad." Hindi na nito napigil ang iyak.

Nagkatinginan sina Mrs. Juarez at ang homeroom teacher. Parehas na napailing.

"Totoo ba iyon, Junjun? Sinabi mo iyon?" sita ni Mrs. Abella sa anak.

"Hindi ba kayo po ang nagsabi sa akin na lumayo kay Aki kasi masama ang Mama niya? Nakulong po ang Mama niya, 'di ba? Saka totoo namang wala siyang Papa," atungal ni Junjun.

Namula ang mukha ng babae at nangagalaiting kinaladkad palabas ng opisina ang bata.

"I'm really sorry, Sir, Ms. Mercado-"

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now