Chapter 3 - Ikaapat na Yugto

1.6K 89 7
                                    

Binalya ni Javier ang pinto. Xiellou is in the living room, watching the latest edition of Asia's top supermodel. Kabadong tumayo ang dalaga nang makita siya.

"Anong sinabi mo kay Roanne kanina?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

"Possibilities? Tendencies?" kumpiyansa nitong sagot at may panunuyang tinapatan ang talim ng titig niya. "Am I a criminal-"

Isang mahinang sampal ang ibinigay niya rito. That was not meant to harm her pgysically but to put her in place. Lagi na lang iniisip ng babaeng ito na tama ang mga ginagawa.

Nanlaki ang mga mata nito. Sinakop ng galit, gimbal at luhang nag-unahang lumandas sa mga pisngi nito. Hinawakan nito ang pisngi na tinamaan ng kanyang palad.

"Pinagbuhatan mo ako ng kamay dahil lang sa babaeng iyon? You're unbelievable, Javier!" singhal nito sa kanya.

"No, I've been very tolerant and patient with you, Xiellou. But you keep stepping the line and bugged me with your immaturity. Kung hindi ka naniniwalang mahal ko si Roanne, wala akong magagawa. I won't bother proving myself to someone who is not interested to see my point. Mahal ko ang mag-ina ko, apart from it mahal ko si Roanne bilang babae."

"Kung mahal mo siya paano ako?" desparate nitong tanong. "Kung mahal mo siya, anong mangyayari sa akin?Hanggang ngayon ba, Javier, third party pa rin ang papel ko sa buhay mo? Hindi ba pwedeng ako naman ang mahalin mo?"

Marahan siyang umiling. Naaawa sa dalaga. "Believe me, there were times I tried to love you more than what I am capable of. Sinubukan kong mahalin ka noon. Kaya nga pinupuntahan kita sa ibang bansa. I spent time with you to encourage my feelings. Sadly, I can't love you back the same way that you do to me. Hindi ko rin alam kung bakit. Tuwing pinagmamasdan kita, kapatid at kaibigan ang nakikita ko."

Humagulgol ito, pagkuwa'y tumawa. "Hindi ako makapaniwala. Ano nga ang sinabi ko dati? Luluhod kang magmamakaawa para sa puso ko? Ang ending ako pa rin pala ang gagawa n'on. Siguro, matitigil lang itong pagkabaliw ko sa iyo kung mamamatay ako."

"Xiellou..."

"Ang gusto ni Tita Vierra noon ampunin ako pero sabi ko ayaw ko kasi ang gusto ko maging daughter in-law niya kasi pakakasalan mo ako. Kaloka!" Tumawa na naman ito kahit tigmak sa luha ang mga mata. "Ang swerte lang ni Roanne. Kahit nakulong pero ang naging gantimpala naman ay ang puso mo. Akala ko ba libre lang mangarap? Bakit ang mahal yata ng naging pangarap ko maging asawa mo kasi ginawa ko nang lahat pero hindi pa rin sapat ang halaga para matupad iyon?"

Hinapit niya ang dalaga at niyakap. Sobra niyang pinagsisihan ang ginawa noon. Ginamit niya si Xiellou para mailayo si Edan kay Yve. Kahit dangal nito isinakripisyo para lang sundin ang utos niya. Iniisip niyang kaya niya ring ipaubaya ang sarili sa dalaga bilang kabayaran. Pero nagkamali siya. Paulit-ulit niya lang itong nasasaktan.

"Javier?" boses ni Roanne mula sa may pintuan.

Nilingon niya ang nobya. Ngunit hindi pinakawalan si Xiellou na humahagulgol sa kanyang dibdib.

***
Pumasok si Roanne. She heard everything. Kanina pa siya naroon at hindi agad pumanhik. Hinaya muna kasi niyang makapag-usap ang dalawa. Ngunit hindi rin siya nakatiis. Naaawa siya kay Xiellou. Hindi niya alam lahat ng detalye sa likod ng paghahabol nito kay Javier hanggang ngayon.

"Si Aki?" tanong ng binata.

"Iniwan ko muna kay Auntie," hinagod niya ng malamlam na tingin si Xiellou.

"Baka kailangan niya ng tubig, kukuha lang ako."

Pero pumiksi si Xiellou sa yakap ni Javier at kumaripas patungo sa kuwarto nito. Nagkatinginan sila ng binata.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon