Chapter 3 - Ikatlong Yugto

1.8K 95 5
                                    

Javier can't stop noticing Roanne biting the inside of her cheek and constantly stole a glance at Yve. He saw sparks of admiration in her eyes for his sister in-law. Gusto niyang matawa sa ginagawa nito.

Pagkatapos nilang maghapunan ay sinamahan nila rito sa sala si Aki na hindi magkamayaw sa mga pasalubong. Tiyak magiging kasundo ng anak niya ang mga pinsan nito.

"He's too much like you, I should have bring some of your photo albums from before para nakita sana ni Roanne," komento ni Yve na hindi maalis ang naaaliw na tingin sa bata.

"She will definitely see it one of these days. Lalo niyang hindi maitanggi na ako ang nag-design kay Aki." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at dinala sa ibabaw ng kanyang hita.

"Kailangan mo talagang sabihin?" Kinurot siya nito habang si Yve ay natatawa.

"Hindi mo lang itinanggi, itinago mo pa. Habang-buhay mong pagbabayaran iyon. Bibigyan mo ako ng maraming Aki. May interes pa, ang puso mo, ang panahon mo, hanggang pumuti lahat ng buhok mo sa kili-kili, hindi ka aalis sa tabi ko. Mamahalin mo ako," aniyang nakangisi at marahang pinisil ang palad nito.

He loves her hands now. Hindi gaya noong nasa showbiz pa ito. Sobrang lambot ng palad nito. Kunting gasgas lang tiyak dudugo na. Ngayon ang mga kamay nito ay may maninipis na kalyo dahil sa pagtatrabaho roon sa correctional at sa pag-aalaga kay Aki. May mga peklat ng sugat dahil sa paglalaba at pagkukuskos doon sa shop.

She somehow became an ultimate attraction to him, with these markings, a symbol of her newly found strength. No doubt, this is the woman he is wishing for decades to find.

Sumimangot ito at kinurot siyang muli. Tinugon niya iyon ng mabilis na halik sa labi na hindi nito nailagan. Pulang-pula ang mukha nitong sumulyap kay Yve.

"Ang landi mo," maktol nito.

"Which is why you love me," patuloy niyang banat. "Don't worry, baby girl, because I love you, more than the colors there are in the rainbow."

"Oh my, God!" Humagikgik na lang ito at ibinaon ang mukha sa dibdib niya. Masyado itong attentive kanina habang nagkuwento siya tungkol sa pinagsamahan nila ng hipag noon. Natutukso tuloy siyang tuksuhin ito.

"Kailangan mong masanay sa kanya, Roanne. Hindi nauubusan ng kalokohan ang lalaking iyan," sabi ni Yve na hindi na rin matigil ang tawa.

"He's sleepy." Napansin niyang sunud-sunod na ang hikab ni Aki at tumutulis na ang nguso dahil sa pagsisikap na idilat ng maayos ang mga mata.

"Ako na, mag-usap muna kayo ni Yve." Naunahan siya ng dalaga nang tangkain niyang tumayo. "Excuse me, papatulugin ko lang muna ang bata." Nagpaalam ito sa bisita.

"Good night, Auntie! Thank you for the presents!" Kumaway si Aki kay Yve.

"Good night, baby, and you are very much welcome!"

Hinatid niya ang mag-ina sa may hagdanan at hinagkan sa noo ang anak.

"Good night, Papa," ungot ng bata na yumakap pa saglit sa kanyang leeg.

"Hey, sleep tight, okay?"

Kinarga na ito ni Roanne.

"I like her," sambit ni Yve sa tabi niya habang nakatingala sa itaas.

"I love her," sagot niyang may bahagyang ngiti.

"Alam mo, masayang-masaya ako para sa iyo, Jav." Niyakap siya ng hipag.

Bumalik sila sa sala at kinumusta ang problemang inayos ni Edan sa Fujian Province. Dahil sa paghabol niya rito sa kanyang mag-ina hindi na niya napagtutuunan ng panahon ang ilan sa kanyang responsibilidad sa LSA. Mabuti na lang spoiled siya sa mga kapatid. Handa lagi ang mga itong saluhin siya.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now