IKALIMANG YUGTO

1.5K 86 3
                                    

Pinindot ni Roanne ang end call at nilapag sa mesa ang cellphone. Si Javier ang tumawag at pauwi na raw ito.

Dumukwang ang dalaga at hinagkan sa noo si Aki. Katutulog lang ng bata. Hinintay sana nitong makauwi si Javier pero hindi na nito natiis ang antok. Pagkatapos ng virtual meeting kanina ng lalaki ay tumawag ang secretary nito sa LSA dahil may emergency.

Pasado alas-dose na ng hatinggabi at ilang minuto na lang ay ala-una na ng madaling araw. Lumapit siya sa may bintana at hinawi ang makapal na kurtina. Umuulan pa rin sa labas at naghamog na sa lamig pati ang salamin.

Silang dalawa lang ni Aki ang nandito sa unit dahil umalis din si Xiellou. Palagay niya ay magba-bar ang babae. Binalikan niya ang anak at inayos ang kumot. Buti na lang nakisama ang mga mata niya.

Tinungo niya ang pinto at lumabas ng kuwarto. Napatda niya pagsapit ng sala. Nasa couch si Xiellou halos hubo't hubad na at may lalaking nakapatong dito. May pantalon pa ang lalaki pero wala nang pang-itaas. Lasing si Xiellou. Panay ang kislot at napansin niyang itinutulak nito ang lalaki paalis sa ibabaw nito. Pero hindi matinag dahil kulang na ito sa lakas sa sobrang kalasingan.

"N-n...o...g...ett...o...f...f me...!"

Tarantang umikot sa paligid ang mga mata niya at nahagip ang malaking payong sa gilid ng malaking case malapit sa pinto. Dinampot niya iyon at sinugod ang dalawa. Pinaghahampas niya sa payong ang lalaking tila ulol na asong kumakain ng sariwang karne.

Gimbal na bumalikwas ito at nahulog sa sahig. Hindi magkandaugaga ang mga braso sa pagsangga sa mga hampas niya. Sinamahan niya ng tadyak ang walang humpay na mga palo. Nagkumahog itong gumapang patungo sa pintuan. Iniwan ang hinubad na shirt. Hinabol niya ito hanggang sa labas.

"Roanne!" Matigas na boses ni Javier mula sa gawi ng elevator.

"Rapist! Hayop! Balak niyang pagsamantalahan si Xiellou!" Hinihingal niyang sigaw at itinuro ang lalaking kumaripas patungo sa stairway.

"What?" Javier's reaction is more than violent. Halos liparin nito ang distansiya at inabutan ang lalaki.

Dinakma sa batok at ibinalibag. Sumirko sa dingding ang lalaki. Sinundan iyon ng sipa. Sapul ito sa mukha. Humambalos ito sa sahig. Mistulang bulating nangisay sa sakit at hinimatay. Basag ang ilong at nguso. Walang thirty seconds iyon.

"Javier, tama na!" Dinaluhong ni Roanne ang kasintahan at niyakap. "Tama na. Baka mapatay mo siya." Hinawakan niya ang mukha ng binata at nangatog sa takot.

His eyes are lusting for a kill. Saglit itong pumikit at isang mabagsik na buntong-hininga ang pinalaya nito. He was not breathing earlier while wrecking the guy. Tumingkayad siya at inilapat ang nanginginig na labi sa bibig ng nobyo. Marahan niyang hinaplos ang nakaigting nitong mga panga.

Hinugot nito ang cellphone at tumawag sa guard station sa ibaba. "Send some of your men up here, while you're at it contact the nearest police station," utos nito.

"Jav," sambit niya.

Mahinahon na ang mga mata nito nang tumitig sa kanya. "Are you okay? You're not hurt?" tanong nitong hinagod siya mula ulo pababa sa kanyang mga paa.

"Okay lang ako."

"Si Xiellou?"

"Nasa loob. Lasing."

"Mauna ka na roon sa loob, hihintayin ko lang ang mga guwardiya."

Tumango siya at pinulot sa sahig ang payong na nabitawan niya kanina. Binalikan niya si Xiellou. Alumpihit ito sa couch at hindi mapakali.

"Ja...vier..." sambit nito.

Naaawa siya sa babae. Gusto lang siguro nitong makalimot kaya pumunta ng bar para aliwin ang sarili. Ang masaklap ay nakatagpo ng lalaking halang ang bituka. Nagtungo siya sa kuwarto. Pumasok ng banyo at naglagay ng maligamgam na tubig sa maliit na planggana. Sinamahan niya ng bimpo.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now