Chapter 4 - Huling Yugto

1.5K 74 4
                                    

She saw it. She saw Javier's face covered with blood. He is not moving. He is not breathing. Everything went dark and a black hole swallowed her from below.

Loud scream echoed the entire room. Bumalikwas ng bangon si Roanne, naghahalo ang pawis at luha sa mukha. Si Javier!

"Mama! Mama!" Umiiyak na hinawakan ni Aki ang kamay niya.

"Aki?" Bumalya ang pinto at pumasok si Javier. Dinakma ng lalaki ang mag-ina. "Hey, baby...shhh...it's alright, everything is going to be alright."

Nasisindak na tumingin si Roanne sa asawa. "Javier? My God...you're..." bumulalas siya ng iyak habang kinapa-kapa ang mukha ng asawa. He's alive and he is alright! He's alive!

Hinagkan siya nito sa labi at niyakap. Sumiksik sa kanila si Aki na nagngunguyngoy rin sa takot. Doctor and nurses came to check on her a bit later. Sinuri ang kanyang blood pressure at temperature. Normal naman lahat. Sadyang nawalan lang siya ng malay dahil sa nakita niya sa flash report.

"Nakita ko iyong sasakyan mo, umuusok at sira ang harapan," kuwento niya, kalmado na mula sa bugso ng takot na sumalanta sa kanya kanina.

"It was not my car. Same color and model, perhaps. Hindi ako nakarating doon sa intersection, itinabi ko muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalye para umidlip ng ilang minuto. Then Aki's call came in."

"Si Aki?"

Tumango si Javier at hinaplos ang ulo ng bata. "He was using the other phone and he's crying, telling me you're in the living room and you're not waking up."

"Akala ko kasi talaga sa iyo ang sasakyang iyon," inabot niya ang mapintog na pisngi ng anak at banayad na pinisil. "Thank you so much for coming to Mama's rescue, baby."

Tumango itong humihikbi at isinubsob ang mukha sa dibdib ng ama.

"Househelps are coming today, I'm sorry I got careless. I should have anticipated something like this could possibly happen."

Tarantang nasaklot niya ang tiyan nang maalala ang ipinagbubuntis. "Ang baby natin?"

"Okay lang siya, but we have to be extra careful."

Buong pagmamahal niyang tinitigan ang asawa. "Wala kang maayos na tulog dahil araw-araw kang pumupunta sa set at pinapanood ako. Tapos kailangan mong magtrabaho sa gabi. Hindi ko agad na-realize na pagod na pagod ka na pala. I'm so sorry, Javier. Ang selfish ko sa part na iyon."

"No, it wasn't like that. I'm suck at managing my time, it's not because you want me there in the set. Aayusin ko lang ang schedule ko. Hindi mo kailangang ma-guilty."

Umiling siya. "Okay lang kung pupunta ka paminsan-minsan. Hatid-sundo mo naman ako at pwede kitang tawagan during breaktime."

"If you put it that way then I won't insist."

Nakalabas din agad siya ng hospital matapos asikasuhin ni Javier ang discharge papers niya. Kinansel naman ni Kreed ang taping para makapagpahinga pa siya pagkatapos ng kanyang prenatal. Hindi na siya nakapunta ng studio ng Saturn para manood sana ng recording ng Heartbreakers gaya ng plano niya.
Nag-stay na lamang siya sa unit at nag-movie marathon sila ni Aki ng mga pambatang palabas. Halos oras-oras na tumatawag ang asawa mula sa opisina para kumustahin siya, kahit naroon na kasama nila ang tatlong kasambahay.

"Careful, I love you." Matunog na halik sa labi ang iniwan niya kay Javier bago bumaba ng sasakyan. Balik-trabaho na ulit siya sa araw na iyon.

Sumalubong sa kanya ang apat na security guards mula sa team ng asawa. Bumati ang mga ito at agad siyang pinalibutan na para bang may banta sa kanyang buhay. Naiilang siya lalo na pagdating sa set dahil pinagtitinginan na siya ng mga kasamahang artista.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now