Chapter 3- Ikalawang Yugto

1.9K 107 3
                                    

"Javier, no...magigising si Aki..." kulang sa lakas ang pagtutol na sinambit ni Roanne nang pisilin ni Javier ang dibdib ng dalaga.

"Bathroom," lumandas ang dila niya sa leeg nito paakyat sa baba at muling siniil ng halik ang labi nito. Nagpatangay na ito sa kanya sa loob ng banyo.

He is about to pull her dress off when Aki's cry echoed, calling them. Parehas silang natigilan at itinulak siya ni Roanne. Tumalilis ito palabas. Naiwan siyang naghahabol ng hininga at ng lakas upang mapababa ang pag-angat ng pagnanasang humalukay sa puson niya. Binuksan niya ang dutsa at itinapat doon ang ulo. That night he ended up sleeping at the couch in the living room.

Javier opened his eyes. The heated scenery from the other night kept coming back, creating a riot in his brain. He can't trust himself around her anymore. Nakalimot na naman siya. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nakiusap sa kanya si Roanne kung pwedeng pag-isipan muna nito ang alok niyang doon na ito tumira at si Aki sa bahay niya. Pinagbigyan niya ang dalaga.

Binitbit niya ang laptop at drone palabas ng terrace. Pinakawalan patungo sa bahay ng mag-ina niya habang sinisipat ang monitor. Walang pasok ngayon si Aki dahil may seminar ang teachers nito. Nasa labas ng bahay ang bata, sakay ng mini-car na binili niya at minamaneho nito paikot-ikot sa bakuran. Nanonood dito si Roanne at pumapalakpak.

He smiled at the soothing sight, and enhanced the view, captured a good shot of her laughing. He took few photos of Aki as well, chuckling from ear to ear. Pinagmasdan niya ang nakuhang anggulo ng dalaga. Zoomed it in.

Ngayong hindi na gaanong babad sa make-up ang mukha nito'y mas lalong tumingkad ang ganda nito. Dati kapag nakikita niya ito sa commercials sa tv at sa mga palabas, hindi niya matukoy kung totoo ang hulma ng anyo nito. Make-up make her features unrealistic, and dull.

Naningkit ang mga mata niya nang makita ang sasakyang huminto sa labas ng gate. Iyon ang SUV ni Jimrexx Durano. Bumukas ang pinto sa tapat ng driver at bumaba ang lalaki. Pabagsak niyang itiniklop ang laptop at pinabalik ang drone. The animosity inside him is getting bad. Is he freaking jealous? No way! Why would he? Hinambalos niya ng mabigat na kamay ang balustre.

"Where are you going, Javier?" Humabol sa kanya sa labas ng bahay si Xiellou.

"Sa anak ko," matigas niyang sagot.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang may papatayin."

"Is that new?" Binalya niya ang gate at lumabas.

"Javier!"

Anong ginagawa ni Jimrexx doon? Bakit bumalik-balik ang sira-ulong iyon? Wala na sa bakuran ang mag-ina nang sapitin niya ang bahay.

"This is the designs of the drift wood. Balak ko ring gumawa ng mga paso mula sa kahoy, pero pag-aaralan ko pa ang proseso para hindi mabubulok ang kahoy lalo na kung exposed sa tubig araw-araw." Boses ni Roanne na nasagap niya pagpasok niya ng pinto.

Nasa sala ang mga ito at may ipinapakita ang dalaga kay Jim sa hawak nitong hardbound clearbook. Kapwa nag-angat ng tingin ang dalawa papunta sa kanyang direksiyon. Namutla si Roanne habang si Jim ay bahagyang kumunot ang kilay.

His presence is on point.

"Papa! Papa!" Masayang sigaw ni Aki habang tumatakbo patungo sa kanya.

"Hey, Papa's boy!" He picked his son up to his arms. Pinauulanan nito ng maliliit na halik ang mukha niya habang nakatuon ang matiim na titig kina Roanne at sa lalaking bisita nito.

Tumayo si Jim at tinanguan siya. Habang itiniklop ng dalaga ang clearbook at itinabi sa mesita. Now her cheeks are flushed. Dalawang beses na muntik nang may mangyari sa kanila. Siguro naman pabalik-balik din iyon sa utak nito gaya niya.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin