Chapter 4 - Ikalimang Yugto

1.5K 80 4
                                    

Kinse minutos nang paikot-ikot sa harap ng salamin si Roanne. Halatang-halata na ang pagdagdag ng timbang niya. May taba na siyang nakakapa sa kanyang tiyan. Naroon pa rin naman ang kurba pero hindi na siya natutuwa. Takot siyang sumalang sa weighing scale at baka bangungutin lang siya.

Noong nasa showbiz pa siya ay maingat siya sa kanyang diet. Regular din ang workout niya. Pero ngayon hindi na niya kontrolado ang kanyang pagkain at lalong hindi na siya nakapag-e-exercise. Masyadong nakakain ng shop at ng pag-aalaga niya sa kanyang mag-ama ang oras niya para sa sarili.

Paano na lang kung tumaba siya? Ang dami pa namang sexy na umaaligid kay Javier. Hinagod niya ang tiyan at pinaimpis. Natanaw niya mula sa salamin ang binatang bumangon sa kama. He's naked like her.

"Ang aga mong nagising, may lakad ka ba ngayon?" tanong nitong bumaba at lumapit sa kanya.

It's Sunday, five in the morning. Hindi na siya nakabalik sa pagtulog pagkatapos niyang silipin sa kabilang kuwarto si Aki. Pumayag na ang bata na paminsan-minsan ay matulog mag-isa sa kabukod na silid.

"Tumaba na ako 'no?" bahagya niyang nilinga ang binatang yumakap sa kanya mula sa likod.

"Ilang araw ka nang tumatambay rito sa harap ng salamin tuwing umaga. Stop using the mirror as your standard. You have one here behind you. I will tell you what your eyes can't see in the surface. Kapag sinabi kong walang nagbago totoo iyon, wala talagang magbabago sa pagmamahal ko sa iyo."

"Tigil-tigilan mo ako, Javier. Ang aga-aga bumabanat ka na. Ang ending niyan hihirit ka na naman ng almusal sa kama." Pumuslit siya ng pinong kurot sa tiyan ng lalaki.  

"Mama pretty, huwag nating sayangin ang sakripisyo ng anak mo. Naglakas-loob siyang matulog sa ibang kwarto para mapagtuunan natin ng pansin ang project baby girl niya."

Binundol niya ito ng siko. "Sabi ko na nga ba may hidden agenda ang pagbukod ni Aki ng tulog. Kung anu-ano na namang kababalaghan ang itinanim mo sa utak ng bata."

Humalakhak ang lalaki at kinagat-kagat ang kanyang balikat. They ended up catching a last minute love making in front of the mirror.

"Nanay pumutok! Pumutok! It burns...it burns!" maingay na hiyaw ni Aki mula sa kusina ang bumati sa kanila paglabas nila ng silid.

Kumaripas sila ni Javier papuntang kitchen at nadatnang nakasampa sa silya ang bata. May hawak na tong at nakaantabay sa bacon na nasa kawali. Si Rowena ay nasa katabing stove at nagluluto ng omelette.

"Luto na iyan," sumilip sa kawaling binantayan ni Aki ang tiyahin at pumuslit ng halik sa pisngi ng bata. "Very good ang Aki namin!"

"Like my Papa?" Tumawa ang bata. Tuwang-tuwa.

Umismid siya. Papa na naman. Lagi na lang si Javier. Paano naman siya? Hindi siya very good? Halos mawala na siya sa eksena. Nakangisi ang binata nang sulyapan niya. Tinampal niya ito sa panga.

"Good morning, Aki!" malambing niyang bati sa anak. Gamit ang yong ay maingat nitong hinango ang bacon mula sa mantika at nilalagay sa babasaging platter na bitbit ni Rowena.

Lumingon sa kanila si Aki. "Good morning, Mama! Good morning, Papa! I cooked bacon for you and...and egg!" Itinuro nito ang omelette sa katabing kawali.

"Wow, that must be delicious, baby! I can't wait to eat the bacon and the egg." Pinupog niya ito ng halik sa pisngi.

Humagikgik ito. Kinuha niya ang tong at siya na nagtuloy ng ginagawa nito. Kumapit agad ito kay Javier nang kargahin ng binata at nag-espadahan ng matangos na ilong ang mag-ama. Natawa na lamang silang dalawa ni Rowena.

Sunday is family date. Pagkatapos ng agahan ay abala na sila sa paghahanda para dumalo ng holy mass sa lungsod mamayang nine-thirty. Dumaan muna sila ng shop para kumustahin ang mga empleyado bago sila tumuloy ng simbaha ni St. Peter sa kabisera.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now