Chapter 3 - Unang Yugto

2K 101 4
                                    

Kumikirot sa magkahalong lungkot at tuwa ang puso ni Aya habang pinagmamasdan ang anak na masayang nakikipaglaro sa mga batang inimbita nila sa children's party nito. Aki is seven years old today. Hindi halata sa ngiti at tawa nito na ang pamilyang mayroon ito ay hindi kompleto.

Hindi niya alam kung darating ang panahong magiging handa siyang sabihin dito ang katotohanan. Ni minsan ay hindi nagtanong sa kanya ang anak kung bakit damit pambabae ang sinusuot nito. Marahil ay nakasanayan na rin nito dahil buhat nang magkaisip ay iyon na ang suot nito.

Nilipat niya ang paningin sa kinukuhang video at pinindot ang pulang icon. Nakailang video na siya mula pa kanina. Nasa bakuran lamang ng bahay nila ang party. Ilan sa mga kapitbahay nila ang tumulong sa decorations. Mga makukulay na balloons na iba't iba ang hugis. May unlimited cotton candies, ice cream, at chocolate fountain. Catering service ang nag-aasikaso ng pagkain.

Lumakas ang hiyawan ng mga batang unahan sa paglundag at nag-aagawan sa maraming candies na nakabitin sa candy bar at malikot na umaangat at bumababa.

"Kumain ka na ba? Kanina ka pa panay kuha ng video riyan sa anak mo," tanong ni Rowena.

"Busog pa ako, Auntie." Itinago muna niya ang cellphone at nilibot ang paningin. Nawiwili sa panonood ang mga kapitbahay nila sa palaro ng mga bata.

Ang bahay nila ay nasa unang block ng isang countryside subdivision. Pangatlo sa hanay ng sampung  kabahayan. Two-storey iyon, sapat lang ang laki at may bakod. Golden Prince Subdivision, Barangay Burgos sa Lungsod ng Barbara na sakop ng lalawigan ng Martirez. Dito niya sisimulan ang bago niyang buhay. Wala sa mga credentials niya ang lugar na ito. Ibang tirahan ang isinulat niya roon.

"Kailangan mong magreport doon sa correctional, hindi ba?"

"Opo, Auntie. Once a month po. After six months ay ire-release na nila ang clearance ko kapag malinis ang record ko rito sa labas."

Tumango ito at ngumiti ng bahagya. "May importante nga pala akong sasabihin sa iyo."

"Ano po iyon?"

"Tungkol sa perang ibinayad mo para sa moral damages ng kaso. Hindi iyon tinanggap ni Anne Marie."

Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit po?"

"Hindi ko alam, basta't hinatid dito ng abogado niya at ipinabibigay sa iyo. Naisip kong pwede mong gamitin ang pera para magtayo ng negosyo sakaling ayaw mo nang bumalik sa pag-aartista. Maari mong ibangon ang furniture shop ng Daddy mo. Nagtapos ka naman ng fine arts at marunong ka sa designing at woodwork."

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at ngumiti ng mapait. Sa buhay na mayroon ngayon si Anne Marie barya na lamang ang perang ibinayad niya. Sa dinami-raming pwede bakit ang babaeng iyon pa ang magsasalba sa gumagapang niyang financial status? Kung gagamitin niya ang pera, hindi kaya lalo lang kumapit sa kanya ang karma?

Pero aminado rin siyang wala na siyang ibang mapagkukunan ng income kung hindi siya babalik sa showbiz at wala na siyang planong sumabak muli sa industriyang iyon. Ngayong may anak siyang kailangan niyang bigyan ng magandang buhay kailangan niyang kalimutan ang kanyang pride.

"Sige po, Auntie, gagawan ko iyan ng plano." Available pa rin hanggang ngayon ang commercial space ng furniture shop ng kanyang ama. Kahit nagsara iyon ay hindi naman nila ibininta.

Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay nagtapos na ang party. Tumulong siua sa pagliligpit. Ang natitirang mga pagkain ay ipinabaon niya sa mga kapitbahay gayundin ang ice cream at cake para sa mga kabataan. Si Aki ay ini-akyat ni Rowena sa kuwarto. Nakatulog sa sobrang pagod ang bata.

"Aya, may tumatawag! Kaibigan mo raw," sabi ng Auntie niya bitbit ang cellphone nito.

Tinanggap niya iyon nang i-abot nito. Kaibigan? Baka mga extra sa set ni Miles dati at gustong bumati. Dinala niya sa tainga ang cellphone at naupo sa couch sa sala.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now