Chapter 2 - Ikaapat na Yugto

1.6K 90 2
                                    

Katatapos lamang ng agahan at nagpaiwan si Roanne sa kusina. Tambak ang hugasin sa lababo at siya na ang nagkusang maglinis. Iyon lang ang ambag niya sa kitchen dahil hindi siya marunong magluto. Sina Javier at Kaien kanina ang naghanda ng kanilang almusal. Panahon na siguro para matuto siya. Isisingit niya ang pag-aaral ng cooking sa schedule niya.

"Tapos nang maligo si Aki." Mula sa likod ay pumulupot sa kanya ang mga braso ni Javier at pinatakan ng halik ang kanyang leeg. "Sabay tayong mag-shower pagkatapos mo rito?"

"Javier, ang aga-aga ha!" Siniko niya ito. Pero tumawa lang.

"I was behaved last night. Nagsakalan lang kami ng favorite toy mo, sabi niya babawi kami ngayon."

"Talaga? Kailan pa iyan natutong magsalita?" Umiwas siya sa pangingiliti ng dila nito sa kanyang tainga. Baka hindi niya matapos ang hugasin at magmimilagro sila rito sa kitchen. Nakakahiya sa pamilya nito.

But Javier pinned her against the edge of the sink and caught her lips. The kiss was short but deep and soul melting.

"I was thinking, if it was not for Aki, sa anong paraan kaya tayo magkakatagpo? Or are you even going to notice me?" tanong nito.

"Javier-"

"I love you, Roanne. Ayaw kong isipin na ang feelings kong ito ay dahil lang sa anak natin. Sana ganoon ka rin."

"Alam mo kagabi ka pa weird, first time mong tumabi sa akin sa kama. Muntik na tuloy mahulog ang bata. Nasanay kasi iyon na nasa gitna siya tapos kagabi lumipat ka sa tabi ko." Nagising siya kagabi na yakap na ng lalaki at hanggang umaga ay hindi siya nito binitawan. Kung yapusin siya nito'y para siyang hahablutin ng magnanakaw.

"What if Rheeva showed up all of a sudden?" he asked.

Her eyes squinted on him. "What if Anne Marie too?" bato niya rito pabalik.

"I'm over her, Roanne."

"Then why are you making an issue about Rheeva?"

"I'm not making an issue. Gusto ko lang malaman kung tapos ka na ba sa kanya!" His jaw tightened.

"Galit ka ba?"

Natigilan ito at kaagad lumambot ang mukha.

"No, I'm not."

Tumango siya at tinapatan ang sidhi ng titig nito.

"Pinagdududahan mo ang pagmamahal ko sa iyo? Ganoon ka ba ka-cheap para gawin lang kitang rebound? I don't think so. You're not perfect, you're flawed like most of the guys I knew. But how you love me back is what makes you the most expensive man walking on earth in my generation." Hinaplos niya ang panga nito. "Hindi kita bibigyan ng basag at punit-punit na puso, Javier. Hindi ko alam kung kailan ulit ako nabuo pero tinitiyak ko sa iyo, nang mahalin kita, wala na kahit lamat ni Rheeva sa pagkatao ko."

Tahimik lang ito. Hindi niya matukoy kung naniniwala. Kinabahan na tuloy siya. Nang bigla na itong ngumisi.

"Ano? Bakit ka nakangisi?" sikmat niya. Gusto na niyang bumulalas ng iyak at magwalk-out. Kanina galit-galitan tapos ngayon ayaw siyang seryosohin.

"Iyong mga sinabi mo, parang kinopya mo lang sa script ng isa sa mga movies mo dati."

Natampal niya ang mukha nito. Nag-aalburuto na ang dibdib niya at ganoon lang pala ang iniisip ng lalaking ito?

"Kung makita mo si Anne Marie, anong sasabihin mo sa kanya?" tanong niya at pinanlakian ito ng mga mata.

"Me? I will tell her that she's beautiful and invite her to our wedding soon. Make her one of the witnesses how I will carve my vows of love for you in the altar. My time with her was never wasted because it led me to you. The right love from wrong circumstances."

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now