Chapter 3 - Huling Yugto

1.5K 76 1
                                    

Perhaps, this is the reason of her past. Why all of it was designed like a chained of misery and tears. Because she had to to show the younger generation the price of wrong choices and the consequences of selfish actions.

Pinagmasdan ni Roanne ang patak ng mga luha sa kanyang palad. Totoong-totoo at ang damdaming pinukaw ng eksena sa kanyang puso. Sunray's camera is rolling and she is back to the time and place where she is too desperate to get Rheeva's attention. Ngunit sa pagkakataong iyon, ang lalaking laman ng puso at isip niya ay si Javier.

"Cut! Good take, Myrre!" sigaw ng director.

Pumalakpak ang lahat sa set pero siya ay umiiyak pa rin. Mula sa likod ay ikinulong siya ng malalakas na mga bisig at nasamyo ang paborito niyang amoy sa buong mundo. The musk and sharp scent of his husband's signature cologne. Pumihit siya at yumapos dito. Itinago ang mukha sa matipuno nitong dibdib at animo'y kuting na nagngunguyngoy. Araw-araw itong pumupunta sa tapings niya para panoorin siya.

"Galing, walang kupas!" bulong nitong may pagmamalaki at hinagkan siya sa tainga.

"Bakit mas masakit habang iniisip kong hindi mo ako mahal?" ungot niya at tumingala kay Javier.

"Ano bang sinasabi mo?" Natawa ito, inakalang biro ang sinabi niya.

"Habang ginagawa ko iyong eksena, ikaw ang iniisip ko at hindi si Rheeva. Ikaw iyong iniisip kong may ibang mahal."

Kumapit siya sa batok nito at tumingkayad. Ikiniskis ang pisngi sa maiiksing balbas sa panga nito. Nakakikiliti at ang sarap sa pakiramdam. She can do that all day and would never get tired.

"I love you, baby." Hinagkan siya nito sa noo at inakay na paalis ng set para sa short break.

Nagtungo sila sa kanyang van. Sumalubong ang PA niyang si Moca at ang make-up artist niyang si Penny. Si Javier mismo ang nag-hire sa mga ito at sa iba pang kasali sa kanyang team.

"Mamaya na ako magre-retouch, Pen," aniyang sinulyapan ang nakahandang snacks sa ibabaw ng folding table.

Ayaw na sana niyang kumain, baka lumubo pa lalo ang timbang niya. Pero naglalaway agad siya nang makita ang halo-halong prutas sa food bowl na may ube ice cream. Inabutan siya ni Moca ng bote ng sparkling water. Pinaupo naman siya ni Javier sa folding chair at sinusubuan. Sumasaglit pa itong haplusin ang tiyan niya.

"May trabaho ka ba ulit mamayang gabi?" tanong niya sa asawa.

"Uh-huh, for completion of the Thailand project. Two more weeks or so, and it will be over." Pinatakan nito ng halik ang lumilikot niyang nguso dahil sa pagnguya ng apple chunks.

Naglakbay ang paningin niya sa bahaging iyon ng pamantasan na dati niyang pinasukan noong college. Naka-koldon ang vertical clearance. Monologue lang ang eksena niya kanina at walang interaksiyon mula sa ibang cast. Demanding sa emosyon, sabagay base naman sa totoo niyang buhay ang movie kaya hindi ganoon kahirap hugutin ang emosyon na kailangan.

"What about your collaboration with Japan for the Housing Project in Cebu? Sabi mo kailangan ding habulin iyon bago matapos ang buwan." Ibinalik niya ang mga mata sa lalaking pinunasan sa hinlalaki ang pawis sa kanyang ilong.

"My engineers are working on it in a separate shifting. Nasabi mo na ba kay Kreed na prenatal schedule mo bukas?"

"Oo, at bibigyan niya ako ng off." Ngumiti siya ng matamis. "Pwede ba akong pumunta sa recording ng movie soundtract pagkatapos ng prenatal? Ang Heartbreakers kasi ang kakanta. Gusto kong manood. Fan ako ng lead guitarist nila."

Tumango ito at ibinigay na kay Moca. ang food bowl. Madalas kinokontrol din naman ng asawa ang dami ng kinakain niya.

"Gusto ko pa," ngumuso siya. Pilit hinahabol ang pagkain.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon