Chapter 4 - Ikalawang Yugto

1.9K 101 11
                                    

Javier never thought of treating those people important to him under the so-called metrics of the society. Maybe he is too weak to set aside his tendency of getting impartial. The life he has was meant to be normal but it was shattered when he learned the truth about his real parents. It was too complex but he managed to adjust living in between the two acclaimed families.

Nagkaroon siya ng dalawang tahanan, dalawang ina na nagmamahal sa kanya at laging nag-aagawan sa kanyang oras. Mga kapatid na nagbabantay sa kanya at maaasahan niya sa lahat ng oras. Kayamanang sapat nang bubuhay ng masagana kahit sa ikasampung henerasyon ng kanyang lahi.

He was blessed, almost ultimate, if he has to rate his life. Pero ang puso niya pagdating sa mga babaeng pinili niyang mahalin ay laging hindi napagbibigyan. His first love, Yve was fated to be with his older brother Edan. The second woman who softened his heart, Anne Marie was made for Rheeva Andromida. A king.

He tried to put up a fight but could not win. Yet, the bleeding from his failed attempts taught him a generic level of understanding and maturity. One that does not require him to lost his drive and find his way back after the pain. Hindi niya kailangang bumaling sa kung sinu-sinong babae para lang bumangon. Kontento siyang nakikitang masaya sina Yve at Anne sa piling ng mga lalaking akma sa sukat ng puso ng mga ito.

"Anong plano mo?" tanong ni Hector mula sa kabilang linya.

Sumaglit siyang kausapin ang kaibigan habang hinihintay si Aki sa labas ng bahay.

"Send me those proofs, Kam. I will talk to her first."

"It's in your email, I sent them last night."

"Thanks," humigpit ang hawak niya sa cellphone.

Humingi siya ng pabor kay Hector na imbistigahan ang mga nangyaring paratang laban kay Roanne. Nakagagalit na makitang nagsisikap na magbago ang dalaga alang-alang sa anak nila tapos pilit naman itong sinisira sa paningin ng lipunan. Nagkasala ito, alam niya iyon, pero karapatan nitong mabigyan ng pagkakataong bumawi para sa sarili. Pinagbayaran na nito sa loob ng kulungan ang nagawang pagkakamali. Hindi siya makapapayag na hanggang dito sa labas ay sisingilin pa rin ito ng mga taong wala namang nai-ambag sa pagsisikap nito at walang planong unawain kung anong mga pinagdaanan nito bago ito itinuring na masama sa mata ng batas at hinatulan.

"Papa!" masayang sigaw ni Aki habang palabas ng pintuan.

Hinulog niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone at sinalubong ang anak na tumatakbo papunta sa kanya. Kinarga niya ito.

Pupuntahan nila si Roanne sa shop. Isang linggo nang abala roon ang dalaga. Umaga hanggang gabi ay naroon ito para opening. Wala pang matinong araw kung kailan, malamang ay hindi aabot sa katapusan ng buwan.

"Hurry up, Papa!" apura ng batang nakaturo sa sasakyan niya.

Natatawang kiniliti niya ang batok nito. Pumiksi ito. Tawang-tawa at gumanti ng kiliti sa kanya. Nasa kabisera ng lungsod ang shop. Dumaan muna sila sa isang kilalang food chain at bumili ng tanghalian. Tiyak, lilipasan na naman ng gutom si Roanne kung hindi siya magkusang dalhan ito ng pagkain. Bukas ipagluluto niya ang dalaga.

"Careful," sabi niya sa anak na nagpumilit bitbitin ang pineapple juice para sa Mama nito. Tangay naman niya ang paper bag laman ang order na lunch.

"Can I drink a little?"

"But that is for Mama, Aki."

"Just a little, like this?" Sumenyas ito ng maliit na siwang sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo.

Isinampa niya ang anak sa carseat nito. "Right, just a little."

Pero ang kunti ay nadagdagan pa. Panay na ang sipsip nito sa straw hanggang sa naubos ang laman ng take-out cup.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now