Chapter 1 - Unang Yugto

2.9K 92 0
                                    

Humantong sa clinic ng correctional si Aya. Nag-hyperventilate siya at muntik nang hinimatay. Nakaupo lang siya sa kama yakap si Aki na nasa kanyang kandungan, habang sina Javier at Rowena ay nakaupo sa magkakahiwalay na sofa malapit sa may pintuan.

Nakatingin sa kanya ang lalaki. Hindi niya matukoy kung nag-aalala o nagtataka. Ito ang nagdala sa kanya rito sa clinic kanina. Pero kung magtatagal ito rito baka tuluyan nang mapugto ang hininga niya. Walang epekto sa kanya ang itinurok na pampakalma, ayaw pa rin siyang lubayan ng nerbiyos at takot na baka mahalata nito ang pagkakahawig ng bata sa mukha nito.

Thirty minutes na mula nang mag-umpisa ang appreciation program nila. Pumayag ang warden na hindi na siya dumalo at magpahinga na lang muna roon sa clinic.

"Mama, are you okay?" masuyong tanong ni Aki na nakatingala sa kanya.

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Oo naman, okay lang ako."

"I asked Papa God to heal you."

"Thank you, Aki." Hinigpitan niya ang yakap dito nang mapansing tumayo si Javier at naglakad papalapit sa kanila. Sumunod dito si Rowena.

"Myrre-"

"Her name is Mama Aya, she is not Myrre," kinontra ito ng bata.

"Right, my apology, baby girl-"

"I'm not a baby girl, I'm a boy!"

"Aki!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng anak pero huli na.

Dinig na dinig iyon ni Javier base sa pagkakalukot ng mga kilay nito at pagdilim ng mukha nito. Gumalaw ang mga panga nito at pilit binawi ang paningin mula sa bata.

"Akin na muna iyang bata." Kinuha ni Rowena sa kanya si Aki at dinala sa labas.

Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya nang maiwan doon mag-isa kasama ang halimaw sa kanyang nakaraan. Halimaw na nag-iwan sa kanya ng isang magandang regalo pagkatapos ng masalimuot na gabing naghatid sa kanya sa likod ng mga rehas. Hindi siya galit kay Javier. Kung tutuusin ay wala naman itong kasalanan sa kanya. Siya ang nagkasala rito kaya makatuwiran lang ang takot na nararamdaman niya. Kung pwede lang maging invisible para makatakas siya sa binata.

Tumikhim ito na nagpapiksi sa kanya sa pagkakaupo. "I am not use to your other name so I'll call you the way that's comfortable for me."

Hindi siya kumibo at hinulog sa sahig ang mga mata.

"Myrre-"

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Humingi na ako ng tawad sa iyo noong ibinaba ang hatol para sa akin. Aminado naman akong nagkasala at pinagsisihan ko na iyon. Pinagbayaran ko na, kulang pa ba ang pitong taon? Patahimikin mo na ako!" Histerikal niyang pahayag.

"Shit, calm down! Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"Don't touch me!" Nangaligkig siyang lumayo sa lalaki. Ang paghawak nito sa kanya ay nagpapaalala sa bangungot na sinapit niya sa mga kamay nito.

"Alright, no more touching you, calm down! I meant no harm, believe me." Itinago nito sa loob ng bulsa ng pantalon ang mga kamay nito. His passive stance hinted her that he is not going to cause any more trouble for her.

Pero ayaw pa rin kumalma ng utak niya. "Kung tungkol sa anak ko hindi kita masasagot," angil niya.

He gave her a sarcastic smile, almost losing his patience. "What is it with you, Aguilar? Kung umasta ka'y para akong kampon ng dilim na kinatatakutan mo. Perhaps, talking to you is just useless." Naiiling na tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. "But I came as the representative of Hyatt Entertainment. They're offering you a contract in case you are interested to go back into acting.  May naka-line up nang projects para sa iyo ang network. Give us a ring or you can visit us anytime."

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now