Chapter 4: His World

580 27 2
                                    

NGAYONG gabi ay pinuno ang buong Burj Al Arab ng mga makukulay na maskara at mga eleganteng kasuotan ng mga nagsamang businessman para sa isang malaking pagdiriwang at perfume launch ng CH company sa Dubai. Habang naghihintay at nakikipag-usap sa mga potential partners ang mga businessman sa pagsimula ng program ay nag-e-enjoy sila sa saliw ng musika ni Beethoven na Coriolan Overture in C Minor. Bagamat hindi pa nagsisimula ang program ay naagaw na agad ni Christian ang atensyon ng lahat ng taong dumalo sa pagdiriwang na iyon.

“He’s coming!”

“The Ironclad has arrived.”

Samu’t saring mga bulung-bulungan ang nagsimula sa pagpasok pa lamang ni Christian na halos lahat ng mata ay nasa kanya habang may mga ngiti sa kanilang mga labi. Naglalakad ang binata suot ang paborito niyang itim na suit na customized made galing sa sikat na gumagawa ng suit sa Milan, ang Zegna. Kitang-kita ang magandang pustura ng binata habang siya'y naglalakad na labis pinaglalawayan ng mga kababaihan at makalaglag panga na kahit sinong lalaki ay magkakaroon ng insecurity sa kanya. bagamat may maskara siyang suot ay madali pa rin siyang makikilala dahil maliban sa Zegna ay ang crescent moon na tie pin na nakaipit sa kanyang kurbata na terno sa cufflinks ng kanyang suit.

“Mr. Hunter, it's been a long time!” bungad na bati kay Christian ng isang matandang kalbong lalaki na may malawak na ngiti sa mga labi nito.

“Mr. Salamanca,” maikling saad ni Christian.

“What’s up with the cold treatment, Hunter? It's as though we've never gotten along before,” ngising tanong ni Mr. Salamanca.

“Well, we've never,” matalas na sagot ni Christian sabay baling ng kanyang tingin sa paligid.

Napahagalpak nang malakas si Mr. Salamanca sabay hampas sa balikat ni Christian dahilan para mapatingin ito sa kamay ng matanda.

“You never fail to crack a joke, Hunter,” tumatawang sabi ni Mr. Salamanca.

Christian didn't say anything or react; instead, he shoved his shoulder to get Mr. Salamanca's hand off of it.

“Seb, what time does the program begin?” Pagtuon ng kanyang pansin sa kanyang secretary.

Tumingin si Sebastian sa wristwatch niya bago sinagot si Christian. “It's about to begin in five minutes,” sagot niya.

“Then we should leave,” maikling saad ni Christian sa kanyang secretary. He left without saying goodbye to Mr. Salamanca, which irritated the old man and caused him to clack his tongue, but Christian was unconcerned by the gesture.

Dire-diretso itong naglakad pumwesto malapit sa kinaroroonan ng podium kung saan naroon na ang emcee at naghahanda na sa pagsisimula ng program.

“Bonsoir, mesdames et messieurs! Welcome to the Banquet Hall at the Burj Al Arab! Welcome to the most luxurious and prestigious event in our hot, sexy, alluring, and successful bachelor's 5 year career! The man responsible for all mind-bending, mind-blowing, overwhelming, seducing, and complicated scents in the world of perfumery. Does it ring a bell to you, ladies?” tanong ng emcee sa mga babaeng naroon dahilan para marinig ang mga impit nitong mga tili.

“Well, I'm guessing you already know who I'm talking about based on your reactions. Are you feeling insecure, gentlemen?” natatawang tanong nito sa mga lalaking na bahagyang napaigtad sa kanyang panunuya.

“How could we possibly become insecure? We are both professionals here with our own successes, so we will never stoop that low,” alma ng isang lalaking may suot ng itim at pulang maskara.

“Oh, is that so?” ngising react ng emcee.

“She’s getting you into trouble, Ian,” saad ni Seb kay Christian.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now