Chapter 44: Devoured

247 14 0
                                    

“STOP IT, CHRISTIAN!” malakas na sigaw ni Lovely kay Christian na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at pilit na bumabangon.

“I did everything your damn father wanted, so why can’t you just give me a day to be with her? Why can’t I spend a day with her, even if it’s just for today? Why?” nanggigilgil na tanong ni Christian na muli ay nakatanggap nang isang malakas na sipa sa kanyang sikmura mula sa isa sa limang guwardiya na nakapalibot sa kanya.

“How could you curse my daughter and me in front of our men?” At isang malakas na tadyak ang sinapo ni Christian sa kanyang mukha.

Lumapit ang ama ni Lovely kay Christian at umupo sa harap nito sabay sabunot sa buhok nito para maitaas ang mukha nito na ngayon ay puno ng suntok at dugo.

“Hunter, can’t you still see where you’re standing?”

“I don’t want anything else; I just want to go back to the Philippines to see my—”

“To pay a visit to your woman, and then what? You’re going to abandon my daughter?” mariing tanong ni Haring Hamza na may gigil sa kanyang pananalita sabay dinuraan si Christian sa mukha. “I’m not a naïve person. Your pleading isn’t going to fool me. I’m not going to let you go. You’ll remain in this house with your wife and son.” Sabay binitawan ang pagkakahawak nito sa buhok ng binata na dahilan para bumagsak ang mukha nito sa sahig at tumamo muli ng panibagong sugat.

Tumayo ang ama ni Lovely. “Hunter, I believe I’ve made my point. If you make a bad decision, I’ll kill her. I’ll let her taste death because you created it.”

Nanlaki ang mga mata ni Christian sa kanyang narinig, buong lakas siya na tumayo at walang pag-aalinlangang sinunggaban ang ama ni Lovely dahilan mawalan ito nang balanse at bumagsak sa sahig.

Mabilis na kinuwelyuhan ng binata si Haring Hamza na ngayon ay nasa ibaba nito. “If you lay your hand on her or even touch the tip of her hair, I swear I’ll kill you!” galit na banta ni Christian na may panlilisik sa kanyang mga mata.

“How dare you to make such a threat against me?” At isang malakas na suntok ang pinatama ni Haring Hamza sa mukha ni Christian dahilan para sumubsob siya sa sahig.

Hindi pa nakuntento ang ama ni Lovely at pinagsisipa ang binata hanggang sa makakaya nito.

“Pa, stop!” awat ni Lovely at akmang pipigilan ang kanyang ama ngunit mabilis na sumenyas ang kanyang ama para pigilan ang dalaga.

Nagpatuloy ang ama ni Lovely sa pagsipa kay Christian na ngayon ay halos hindi na makagalaw sa labis na bugbog nitong natanggap simula kanina.

“Stop, Pa! You’re going to murder your grandson’s father!” sigaw ni Lovely na pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga guwardiya sa kanya.

Isang malakas na sipa ang muling ibinigay ng ama niya kay Christian bago nito tinigilan ang binata. Pawis at habol ang hininga ng ama ni Lovely habang pinagmamasdan ang namimilipit sa sakit na binata kasabay ng pag-ubo nito na may kasamang dugo.

“If you threaten me again, you won’t be the only one who suffers. I’ll make sure that you’re not the only one who suffers the next time you try to violate me,” pagbabanta ni Haring Hamza at dinuraan si Christian bago ito tuluyang umalis.

“Christian!” malakas na tawag ni Lovely sa binata na pilit inaalis ang pagkakahawak sa kanya ng mga guwardiya.

“Take your hands off of me!” malakas at mariin niyang utos ngunit nanatili ang mga hawak nito sa kanya. “Remove your hands or you'll die.” Tinapunan niya ito nang matatalim na tingin sabay hatak ng kanyang mga braso sa mga ito.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now