Chapter 25: Trouble

285 16 0
                                    

“HEY! What's up, Ian?” bungad na bati ni Seb na may nakakalokong ngisi kay Christian nang bumaba ito sa Lamborghini Aventador LP700 na gamit nito.

Swabeng sinara ni Christian ang scissor doors ng kanyang sasakyan at naglakad ito na may labis na tikas na kahit sinong babae maparaan o malapit sa kanya ay mapapalingon dahil sa lakas ng presensya ng binata.

Pumapalakpak si Seb habang naglalakad si Christian papalapit sa kanya na may kasamang pag-iling at pagpalatak ng kanyang dila na naghuhudyat ng labis na pagkamangha.

“Stop with your jokes, Seb. It's not funny,” awat ni Christian nang makarating sa harapan ng kanyang kaibigan.

“It's not a joke, though. You're so hot daddy,” panunuksong saad ni Seb na nagboses babae dahilan para masuntok ito ni Christian sa tiyan.

Nag-inarte naman ito na tila ba ay nasaktan sa ginawa ng binata.

“You're gross,” saad ni Christian at dire-diretsong naglakad papasok ng lobby.

Sa pagtungtong pa lamang ni Christian ng kanyang paa papasok sa malaking building na kompanya niya ay lahat ng atensyon ay naituon sa kanya. Lahat nang makakakita sa kanya ay nagbibigay galang na sinasagot niya na lang ng pagtango o kaya sa pagtaas ng kanyang kamay.

Habang nakukuha naman ni Christian ang atensyon ng lahat ay ‘di naman magpaawat si Seb sa panunukso rito.

"It's midday, and you're grumpy? Come on, Ian, you just had a good time a few days ago, and now you're acting quite like this? Had the effect been worn out?” nakakalokong saad ni Seb na may pataas-taas pa ng kilay habang tumatawang sinundan nito ang kanyang kaibigan.

Ibinaling ni Christian ang kanyang tingin kay Seb. “Seb, you look idiot. Stop it,” mariing awat nito sa kanyang kaibigan at saka muling ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad patungo sa elevator.

Sumunod naman si Seb kay Christian pasakay ng elevator saktong pagsakay nila ay walang tao kaya mas malaya niya pang nainis ang binata.

"Aren't you going to tell me how you spent the last several days having fun?" nangungulit at nanunuksong tanong ni Seb.

Hindi umimik si Christian dahilan para patuloy pa rin siyang kulitin ng kanyang kaibigan.

“Ang pangit mo namang ka-bonding, p're!” saad ni Seb na napasandal na lamang sa isang sulok sa labis na pagkasiphayo na makakuha ng impormasyon sa kanyang kaibigan.

"What about you? When do you intend to have a girlfriend?" tanong ni Christian sabay lingon kay Seb at dumako ang tingin nito sa pagkalalaki nito. "How long will you be able to keep your virginity?" Sabay ngisi nito dahilan para mapaayos ng tayo si Seb.

“P’re, walang kinalaman ang virginity ko rito bakit mo naman dinadamay?”

Ngumisi lang si Christian sabay alis ng kanyang tingin kay Seb.

“Saka hindi naman ako ipapahiya ng alaga ko sa unang mainit na gabi ko,” saad ni Seb na buong-buo ang kumpyansa dahilan para mapalingon muli sa kanya ang binata at mapatingin sa kanyang pundya saka tumingin sa mga mukha nito.

“Really?” patanong saad ni Christian. “Well, good luck.” At tinapik ang balikat ni Seb sabay labas ng elevator na may nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

Nanlaki ang mga mata ni Seb at naiangat ang kanya kamay at tinuturo si Christian habang kinukolekta ang kanyang

“Ya! That was really too offensive!" sigaw ni Seb at hinabol si Christian sa opisina nito ngunit nang makapasok na siya sa opisina nito ay nagbago na ang awrang namamagitan sa kanilang dalawa. Ang kaninang biruan na awra nila ay napalitan ng awra nang propesyonalismo.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now