Chapter 41: Sweet Treats

274 17 0
                                    

TULAD ng sinabi ni Christian ay bumawi siya kay Kelly. Kung sa nakaraan na buwan ay si Seb ang kasama ng dalaga ngayon ay ang binata na ang kanyang kasama. Sinasamahan siya nito na magpaayos ng buhok at mga kuko, mamili ng mga damit at mga gusto niya at iginala rin siya nito sa mga lugar na makakapagpasaya sa kanya tulad ng pagpunta sa amusement park at mga lugar na may magagandang scenery. Ibinigay sa kanya ng binata ang mga bagay na nais niya na ito ang sana kasama nang mga sandaling iyon.

Walang mapaglagyan ang tuwa ni Kelly nang mga sandaling iyon na hindi niya nais na matapos pa.

“Are you happy?” tanong ni Christian habang pinagmamasdan si Kelly na nag-e-enjoy sa pagkain ng ice cream.

Tumango naman ito bilang sagot na animo'y isang bata na sabik at galak na galak sa pagdila sa kanyang ice cream. Napangiti na lang si Christian sa nakakatuwang kilos ng dalaga sa kanyang harapan. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili ngunit ito lamang ang unang beses na natuwa siya na pagmasdan ang isang kilos ng babae. Aaminin niya sa kanyang sarili na ang tingin niya sa mga ito noong una ay isang ordinaryong tao lamang tulad ng lalaki na may kakayahang gawin ang mga bagay tulad ng kanilang ginagawang mga lalaki. Hindi sumagi sa kanyang isipan na magiging ganito ka-cute sa kanyang paningin ang isa babae. Hindi niya maunawaan ngunit simula nang makilala niya si Kelly ay unti-unting may nababago sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung dapat niya itong ikabahala o hindi.

“Gusto mo?” tanong ni Kelly sabay abot ng kanyang ice cream sa binata.

“I'm fine.” Sabay ngiti.

“Sure ka? Kanina mo pa tinitignan ‘yong ice cream ko,” wika ni Kelly. “Willing naman akong i-share kung gusto mo.” Dagdag pa niya.

“Kelly, I’m perfectly fine. Just have fun with it.”

“Okay.” At mabilis na binawi ni Kelly ang kanyang pag-abot sabay balik sa pagdila ng kanyang ice cream.

Napangisi na lamang si Christian dahil napakadali talagang kausap ng dalaga. Pinagpapatuloy lang ng binata ang panunuod sa dalaga hanggang sa maubos nito ang kinakaing ice cream.

“Tara, sa ibang rides naman tayo!” masayang aya ni Kelly sa binata na mabilis na dinampot ang kamay nito.

Akmang hihilahin niya na ito paalis nang bigla siyang hatakin ng binata papalapit dahilan para magkalapit ang kanilang mukha. Halos ilang sentimetro lamang ang distansya ng kanilang mga mukha at anumang maling kilos ay mahahalikan na nila ang isa't isa.

“Christian…” mahina niyang usal.

Hindi umimik si Christian at tinignan lamang siya sa kanyang mga mata dahilan para magdala iyon ng kaba sa kanyang dibdib at mapalunok siya nang malalim. Umiwang ang kanyang bibig upang akmang magsalitang muli ngunit mabilis na pinunan ng binata ang espasyo ng kanyang bibig at inangkin ang kanyang mga labi. Bagamat nabigla sa biglaang kilos ng binata ay sinabayan niya ang mga halik nito na hindi naman nagtagal. Nang pakawalan na ni Christian ang kanyang mga labi ay hindi pa ito lumayo imbes tinignan pa siya nito nang nakakapang-akit at sa hindi niya inaasahan ay bigla nitong dinilaan ang gilid ng kanyang mga labi para siya ang tuluyang magbigay nang malaking  para sa kanilang dalawa.

“Anong ginagawa mo?” gulat na tanong ni Kelly na ngayon ay hawak ang kanyang gilid ng mga labi habang namumula.

“You have ice cream smudge, so I lick it to see what it tastes like, and I can probably say that it’s delicious, which is why you enjoyed it so much just now,” sagot ni Christian na mas ikinapula ng mukha ni Kelly.

Tumayo si Christian sa kanyang pagkakaupo at hinawakan ang kamay ni Kelly. “Shall we go?” tanong nito ngunit bago pa man niya hilahin si Kelly palakad ay inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga nito at saka bumulong. “I'm curious if the ice cream actually tastes good, or if it's just because you made it taste better.”

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now