Chapter 15: Little Kitty

374 18 0
                                    

DALAWANG ARAW na ang nakalilipas nang simulan na hindi pansinin ni Kelly si Christian at walang ibang ginawa kun'di ang iwasan ito sa tuwing magkakasalubong silang dalawa. Sa tuwing oras na ng kainan ay sumasabay naman siya kay Christian at sa tuwing magkakaroon sila ng usapan ay mabilis niyang tinatapos ang usapan nila. Isang tanong, isang sagot. Napansin ni Christian ang kakaibang pag-uugali sa kanya ni Kelly ngunit sa tuwing tinatanong niya ito kung bakit ito gano'n at nagsusungit ay hindi ito isang pabalang na "Wala" ang tanging isinasagot nito sa kanya at iiwan siya. Kung minsan ay hindi lumalabas si Kelly sa kanyang k'warto at bababa lamang kapag alam niyang tapos na ito kumain o wala na ang binata sa kusina o sala. Ganoon ang naging routine niya sa nakalipas na dalawang araw na labis naman na bumagabag kay Christian.

Kasalukuyang nasa hapag-kainan sina Christian at Kelly nang sandaling iyon at masinsin na pinagmamasdan ng binata ang dalaga na tahimik na kumakain at ni hindi man lang siya nito kinakausap o tinitignan.

"Kelly..." tawag niya sa dalaga.

Hindi ito umimik at tuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain sa kanyang bibig.

"Kelly..." muli niyang tawag rito.

"Uhm?" tugon nito na hindi pa rin siya binibigyan ng tingin dahilan para bitawan niya ang kubyertos na hawak niya. Pinagdaop niya ang kanyang mga kamay saka inilagay sa ibabaw ng kanyang bibig saka tinignan muli si Kelly nang buong atensyon.

"Is there anything that bothers you?" panimula niyang tanong.

"Wala."

She's doing it again.

"Did I do something that offended you?"

"Wala."

"Really?"

"Yeah."

Ibinababa ni Christian ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa at saka isinandal ang kanyang likod sa upuan at napabuga ng hangin.

"So, why are you acting so strangely? Your response makes no sense to me, especially because you're behaving so bizarrely," pagdidiretsang saad ni Christian sa dalaga na hindi inaalis ang kanyang mga tingin dito.

"I offered my explanations, and it is not my concern whether you believe me or not!" naiinis na sagot ni Kelly. Inabot niya ang basong may tubig at dali-daling nilagok iyon saka mabilis na tumayo at tinalikuran ang binata.

"Where are you going? We're still talking," sita ni Christian sa dalaga.

"I'm going to my room. You irritate me to no end!" mariing saad ni Kelly na walang takot na ang pinagsalitaan niya ay ang kanyang boss.

"What-"

Hindi na natapos ni Christian ang kanyang sasabihin nang mabilis na nakaalis ang dalaga sa kanyang harapan. Sinundan naman ng tingin ng binata ang dalaga hanggang sa makarating ito sa harap ng pinto ng k'warto nito ngunit bago pa man ito pumasok ay binigyan pa siya nito nang naiiritang mga tingin bago padabog na isinara ang pinto.

"What is the matter with her? I don't understand her."

Hindi niya mawari kung ano ba ang nangyayari kay Kelly dahilan para hindi niya magawang makapag-focus sa kanyang trabaho o ginagawa.

Sumapit na ang gabi at halos hindi napansin ni Christian ang oras dahil sa dami ng dokumentong kanyang inaaral at binabasa. Napatingin siya sa orasan at nakita niya na pasado alas onse na ng gabi.

"Did she already have dinner?" tanong niya sa kanyang sarili habang hinihimas ang kanyang batok na nangangalay sa tagal ng kanyang pagbabasa.

Naisipan niyang pumunta sa bar counter para kumuha ng wine para makapag-relax. Mabilis niyang dinampot ang paborito niyang Chateau Margaux at nagsalin nito sa kanyang wine glass at saka inikot-ikot ang kupitang hawak niya saka ninamnam ang napakahalimuyak na amoy ng wine. Lumagok siya ng sapat na dami ng wine sa kanyang bibig at saka inipon iyon sa ilalim ng kanyang dila dahilan para lalo niyang malasahan ang sarap nito bago tuluyang nilunok.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now