Chapter 35: Haunted by Past

270 14 0
                                    

MAY GUMUHIT na mga ngiti sa labi ni Kelly sa nakikita niyang pagbabago ni Christian.

"Oh, before I forget, I brought you something," wika ni Christian na mabilis na napaayos ng kanyang tayo. “Just wait here, okay?” At mabilis itong nagtungo sa fridge at may kinuha na dalawang box isang kulay pula at isang kulay puti.

“What is that?” kunot-noong tanong ni Kelly.

Nakangiting humarap si Christian sa dalaga. “One of your cravings,” sagot nito at mabilis na naglakad patungo sa mesa kung nasaan si Kelly.

At nang mailapag na ni Christian ang dalawang box ay nanlaki ang mga mata ni Kelly sabay tingin sa binata.

“Binili mo talaga? Nagbibiro lang naman ako,” hindi makapaniwalang sabi ni Kelly habang pinagmamasdan ang nakakatakam na daifuku mochi at taiyaki na binili ng binata.

"I know you're not good at making jokes. Just go get them because it's all for you and our baby.”

Napalingon si Kelly kay Christian nang muli niyang sabihin ang “our child”. Kahit na mangilang beses na niya itonv narinig sa binata ay hindi niya pa rin magawang makasanayan na marinig iyon. Nalilito at lumalakas ang kabog ng kanyang puso sa tuwing kini-claim ni Christian na anak nga nila ang pinagbubuntis niya at the same time may katanungan sa kanyang isipan ang hindi niya magawang maalis. Kung tanggap na ba talaga ng binata na maging parte siya ng buhay nito? Ibig ba nitong sabihin ay handa na itong magbukas ng pinto at magkaroon ng seryosong relasyon sa babae? Gusto niya kiligin ngunit hindi niya iyon lubos na ma-enjoy dahil sa kanyang mga agam-agam.

“Go, taste it,” nakangiting sabi ni Christian.

Napangiti na lang si Kelly bilang tugon sa binata.

"Matcha tea will go nicely with these mochi, but you already have your milk, so I suppose you can have taiyaki instead," saad ni Christian at binuksan ang box ng taiyaki. Kumuha ito ng isa at inaabot kay Kelly.

Kinuha naman ni Kelly ang taiyaki sa kamay ng binata at sinimulan niya nang kainin. Habang kinakain niya iyon ay may bagay siyang naalala na sinabi niya noon sa kanyang sarili na kahit walang kasiguraduhan ang lahat para sa kanila ay handa siyang ibigay ang lahat kahit na sa huli siya ang masasaktan. Ito ang unang beses na makaramdam siya ng kakaibang pakiramdam at pagmamahal kaya kahit na maging miserable siya sa huli ay papahalagahan niya ang bawat sandali na ngayon ay magkasama sila. Magtapos man sa malungkot na wakas ang kanilang pagsasama ay may aalalahanin pa rin siya na mga araw at sandali na naging masaya siya sa piling ni Christian.

Wala man kasiguraduhan ang mga ipinapakita ni Christian ngayon ang mahalaga ay nagawa niyang maging masaya at maramdaman ang pagbabago at pag-aaruga ng binata sa kanya ngayon.

“Salamat, Christian,” mahina niyang usal.

“You don't have to say that, Kelly. "I'm doing this for you and our baby," nakangiting sabi ni Christian sabay haplos sa buhok ni Kelly.

"I still want to thank you for everything you've done, Christian. In every way." pagbibigay diing sabi ni Kelly at tinignan sa mga mata si Christian. “Thank you.”

“You’re always have my pleasure.”

LUMIPAS pa ang mga buwan at patuloy pa rin si Christian sa kanyang pagbabago. Ang dating masungit, strikto, straightforward at laging business approach nitong pakikitungo sa mga nakakausap nito ay napalitan na ng pagiging sweet, caring at possessive lalo na kapag si Kelly ang pinag-uusapan. Walang business trip itong ginawa na walang dalang pasalubong para sa dalaga na something soft sticky and sweet treats na madalas na hanap-hanap ng dalaga. Chocolate Haupia Pie and Poi mochi nang galing ito ng Hawaii, Kuih Dadar at Kuih Seri Muka sa Kuala Lumpur, Mango Sticky rice, Thai Roti at Thai Sweet Crepe sa Thailand, Lamingtons, Pavlova, Aussie Truffles, at Aussie Macarons sa Australia at Nanaimo Bar at Tarte Au Sucre sa Canada. Lahat ay ibinibigay ni Christian para kay Kelly mapaliit at malaking bagay ay hindi siya nagdadalawang isip ibigay iyon hangga’t sa makakabuti iyon at makakaya niyang ibigay. Kaya bilang pagpapasalamat ng dalaga ay ginagawa niya ang bagay na makakapagpasaya at makakapag-relax para sa binata at hindi mawawala roon ang naglalagabgab na gabi sa tuwing ito’y nasa mood.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon