Chapter 22: Little Odd Feelings

301 15 0
                                    

SINUOT ni Christian ang kanyang t-shirt at inayos ang kanyang sarili habang pababa ng hagdan. Pinatili niya ang kanyang kumpas hanggang sa makalabas siya ng kanyang bahay at mapagbuksan ng gate si Rachel na kanina pa naghihintay na pagbuksan.

Nang mabuksan na ni Christian ay sinunggaban siya ng yakap ni Rachel.

"What took you so long? I assumed you weren't at home," saad ni Rachel.

“I’m just busy,” maikling sagot ni Christian.

"What got you so preoccupied that you couldn't hear the ringing of your doorbell?" nagtatakang tanong nito na may mapanuring mga tingin na sumusuri sa binata.

“Just that.”

“Just that? Hmm…”

Hindi napakali si Rachel sa sagot ng binata kaya inamoy niya ito at doon niya nalaman kung anong ginawa nito kanina.

"Sweats, messed-up hair, and..." At inamoy-amoy pa ang binata. "Was this a chlorine odor? It wasn't necessary for you to hide it, Chris. We've been doing it for a while, so why should you feel ashamed about it anyway?" tanong ni Rachel na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Stop it, Rachel. It's none of your concern." awat ni Christian sabay alis sa mga kamay ni Rachel na nakaangkla sa kanyang leeg. "What drew you here?" tanong nito.

“You’re being serious again, Chris. Can’t you just loosen up yourself?” saad ni Rachel na pinapagaan ang hangin sa kanilang paligid ngunit hindi nito nagawang matangay ang binata at nanatili sa kanyang kumpas.

"Spill the beans, Rachel. I don't have time to talk right now," diretsang sabi nito.

"Oh, am I bothering you?"

"If I say yes, would you tell me why you're here now?" seryosong tanong ni Christian dahilan para magkatitigan sila ni Rachel. Ngunit makalipas ang ilang segundo ng kanilang pagtititigan ay nagpakawala napabuga nang malalim si Christian.

"I apologize, Rachel. But, could you just tell me what this is all about?" tanong ng binata na biglang lumambot ang pakikitungo sa doktora.

"Shall we discuss it in private?" I'm also getting weary of standing here," wika ng doktora at nagsimula nang maglakad papasok ng bahay ni Christian.

Napasunod na lang ng tingin ang binata sa direksyon ni Rachel at muling napahinga nang malalim. Isinara niya ang gate saka naglakad papasok ng kanyang bahay.

Pagpasok niya ay nakita niya si Rachel na hawak-hawak ang sinira niyang t-shirt ni Kelly kaninang umaga.

“As far as I can see, you're quite busy," saad nito at binitawan ang punit na pang-itaas.

Humarap siya kay Christian na may kakaibang awra ngunit mabilis din iyon nagbago ng itaas nito ang hawak niyang envelope.

"Here are the findings of her examinations." Everything is how it should be." saad nito.

Lumapit si Christian at kinuha ang envelope sa kamay ni Rachel at saka tinignan ang laman nito. Isa-isa niyang tinignan ang mga result na nakalagay doon.

"However, there is one thing you must do—”

Hindi nagawang tapusin ni Rachel ang kanyang sasabihin nang makarinig silang dalawa ni Christian na isang kalabog na nagmula sa taas. Mabilis na napalingon ang binata sa kanyang k’warto at walang salitang lumabas sa kanyang bibig at mabilis na umakyat ng hagdan patungo sa kanyang k’warto.

Napataas naman ng kilay si Rachel sa kakaibang ikinilos ng binata ngunit nanahimik na lamang at sinundan ito sa k’warto nito. Nang makarating sila sa k’warto ng binata ay nakita niya si Kelly na nakahandusay sa sahig at hubo’t hubad.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon