Chapter 27: Please Be Safe

283 16 0
                                    

MATAPOS maisagawa ang ilang tests kay Kelly at masigurong maayos na ang kanyang kalagayan ay napagpasyahan na ni Christian na iuwi ang dalaga para mas makapagpahinga ito.

Buong biyahe ay tahimik lang ito at hindi alam ni Kelly kung paano niya ito i-a-approach lalo na matapos ang nangyari sa ospital. Alam niya kung saan nagmumula ang galit ni Christian ngunit naiintindihan niya rin si Rachel at talagang wala naman kasalanan ito sa nangyari sa kanya, hindi sadya ang lahat kung ‘di isang aksidente lamang. Ngunit hindi siya mapakali sa nangyari at gusto niyang kumbinsihin si Christian sa bagay na walang may gusto na masaktan siya, hindi iyon intensyon nina Rachel o nina Patricia at Allaine.

“Christian…” mahina niyang tawag sa binata ngunit hindi ito umimik at nanatiling nakatuon ang kanyang pansin sa daan.

“Christian,” muli niyang tawag ngunit bigo ang dalaga. Wala itong nagawa kung ‘di ang mapayuko na lamang at makaramdam ng guilt.

Ilang segundo ang lumipas at nabalot nang katahimikan ang kanilang paligid ngunit bigla iyon nabasag nang biglang magsalita si Christian.

"There's no need for you to feel bad about her. Perhaps it was inadvertent, but you were nonetheless harmed as a result of their petty argument, and she deserves to pay for what she had done," wika ni Christian na hindi nililingon ang dalaga.

Napaangat ng ulo si Kelly at napatingin kay Christian na may itsura nang ‘di pagsang-ayon sa sinabi nito. "It was my mistake that I was harmed; if I hadn't gotten involved in their argument, this would not have occurred," saad ng dalaga.

Bigla namang napapreno nang malakas si Christian dahilan para mapaangat ang likod ni Kelly sa pagkakasandal sa kanyang pagkakaupo. Humarap ang binata kay Kelly na may nagtatangis na bagang at mahigpit na pagkakahawak sa manibela.

"They're old enough, Kelly. They should have known how to behave and manage such situations without getting into a fight or hurting anyone. They're no longer children," mariing saad ni Christian. Mas lalong nagngitngit ang kanyang mga panga nang maituon ang kanyang pansin sa ulo ng dalaga na may benda. “Damn it!” mahinang mura niya na kitang-kita sa reaksyon ng kanyang mukha ang labis na galit.

“Ayos lang naman ako, ‘e, hindi mo naman kailangan magalit sa kanila, Christian,” mahinang sabi ni Kelly sa binata dahilan para mabilis nitong naibaling ang kanyang tingin sa dalaga na may labis na pagkasiphayo.

“Okay? Kelly, can't you see your own reflection? Is that the appearance of someone who is fine?” nanggigigil niyang tanong kay Kelly sabay hinarap sa direksyon nito ang rear mirror ng kotse para makita ng dalaga ang kanyang sarili.

Napayuko at napakagat ng kanyang labi si Kelly nang bahagya ng makita niya ang benda sa kanyang noo.

Narinig ni Kelly ang paghinga ni Christian nang malalim. "Would you mind looking after yourself, Kelly?"

Hindi nakaimik si Kelly sa sinabi ni Christian. Hindi niya naman nakakalimutan ang sarili niya pero gusto niya pa rin iparating sa binata na walang may gusto na mangyari ang lahat ng iyon.

"You put people ahead of yourself, Kelly, but never yourself. Who will look after you if you don't look after yourself?” saad ni Christian ngunit nanatiling walang imik si Kelly. "I can't always be there for you, so please look after yourself."

Nantigalgal si Kelly sa kanyang narinig at napatingin sa binata ngunit hindi na ito nagsalita at sinimulang paandarin ang kotse.

“What that supposed to mean?”

Ang katahimikang bumalot sa kanila ay siyang nagbigay laya para punuin ng mga katanungan ang isipan ni Kelly sa buong biyahe nila hanggang sa makarating sila sa bahay ni Christian. Bumaba ang binata sa kotse at tahimik na pinagbuksan ng pinto si Kelly matapos noon ay dumiretso na siya sa loob ng bahay na may mabibigat na paghakbang. Bigla namang kinutuban si Kelly kaya dali-daling sinundan ang binata.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon