Chapter 45: Her Misery

254 19 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw, maging ang Pasko at Bagong Taon ngunit ni anino ni Christian ay hindi nakita ni Kelly. Hindi na rin nagawang makausap ng dalaga si Christian dahil matapos ang pangyayaring iyon kahit na anong tawag niya sa number nito ay hindi niya na ito ma-contact. Simula ng araw na ‘yon ay hindi siya tinantanan ng mga katanungan sa kanyang isipan na walang ginawa kung ‘di bagabagin siya sa bawat sandali. Dinamdam niya ang mga araw na nagdaan dahilan para unti-unting bumagsak ang kanyang pangangatawan.

“Kelly, please pull yourself together. Hindi maaaring ganito ka na lang palagi. Hindi lang buhay mo ang nilalagay mo sa kapahamakan kung ‘di maging ang anak niyo ni Ian,” wika ni Seb na labis na nag-aalala sa kalagayan ng dalaga.

“Anak niya,” pagtatamang sabi ni Kelly. “Surrogate lang ako na binayaran para dalhin ang anak niya.”

“Kelly…”

Hindi pinansin ni Kelly ang kanyang pansin kay Seb at nakatingin lang sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang gate.

“Please, trust him. Trust Ian,” pakiusap ni Seb.

Nanatiling walang kibo si Kelly at nakatingin sa labas. Hinintay ni Seb ng magiging tugon nito ngunit wala siyang nakuha kung kaya napahugot na lamang siya nang malalim na buntong-hininga.

“Iwan muna kita para makapa-isip-isip.” At iniwan ni Seb ang dalaga.

Nang maisara niya ang pinto ay sinilip niyang muli si Kelly at ‘di nga siya nagkamali umiiyak na naman ito. Alam niyang nahihirapan ang dalaga at ginawa niya na ang lahat na makakaya niya para pagaanin ang loob at alisin ang mga bumabagabag kay Kelly ngunit nanatili siyang bigo. Gustuhin niya mang sabihin ang kalagayan ni Christian ngunit alam niyang mas daragdag pa iyon sa pag-aalala nito at ayaw niya ng dagdagan pa ang dinaramdam nito.

Muling napahugot nang malalim na paghinga si Seb. “Just trust him, Kelly. Babalik din siya at mabubuo rin kayong muli.”

“Seb, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Manang Cely na kakarating lang at may dalang pagkain para kay Kelly.

“May kailangan lang po akong asikasuhin. Kayo na muna po ang bahala kay Kelly,” wika ni Seb.

“May nahanap ka na bang paraan?” tanong ni Manang na may pag-aalala sa kanyang tinig.

Umiling si Seb bilang tugon. “Pero gagawa pa rin po ako ng paraan at hindi po ako titigil hangga't hindi nakakauwi si Ian,” determinadong sagot ng binata.

Tinapik ni Manang Cely ang balikat ni Seb at ngumiti. “Salamat sa lahat ng ginagawa mo, Seb.”

Hinawakan ni Seb ang kamay ni Manang at bahagyang pinisil iyon. “Wala po iyon—" Sabay tingin kay Kelly. “Para sa ikabubuti ni Kelly gagawin ko po ang lahat nang hindi na siya nahihirapan ng ganito.”

Matapos niyang sabihin iyon ay ilang saglit ay bigla siyang natauhan sa kanyang mga binitawang salita at mabilis na naibaling ang kanyang tingin kay Manang Cely na ngayon ay binibigyan siya ng kakaibang tingin.

“Nagkakamali po kayo ng iniisip, Manang. Nag-aalala lang po ako sa kalagayan ni Kelly wala ng iba,” sunod-sunod na sabi ni Seb na animo'y dinidepensahan ang kanyang sarili sa isipan ng matanda.

Natawa na lang si Manang Cely sa naging reaksyon ni Seb at tinapik-tapik ang balikat nito.

“Wala naman akong sinasabi, Seb, bakit tila tensyonado ka?” natatawang tanong ng matanda.

“Kasi po—”

Muling nagpakawala nang mahinang tawa ang matanda. “Okay lang ‘yan, Seb. Walang masama sa nararamdaman mo.”

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon