Chapter 31: Little Bloom

288 14 0
                                    

“KELLY.”

Muling napalunok si Kelly nang muling tawagin ni Christian ang kanyang pangalan. Hindi niya alam kung paano at kung saan siya magsisimulang magpaliwanag.

“Ano kasi…”

Napahalukipkip si Christian at seryosong binigyan nang diretsong mga tingin si Kelly.

“Ano kasi…”

Humigpit ang pagkakahalukipkip ng mga braso ni Christian at halatang medyo nauubusan na ito ng pasensysa sa ikinikilos ng dalaga.

“Ano—”

“Aren’t you going to continue what are you going to say? You just keep repeating, “Ano kasi…” , “Ano kasi…” will you just finished your words?” wika ni Christian na naaalibadbaran.

Nanlaki naman ang mga mata ni Kelly nang marinig niya ang binata na nagsalita ng tagalog.

“Did you just speak Filipino?” hindi makapaniwalang tanong ni Kelly kay Christian.

Ngunit hindi pinansin ng binata ang tanong ni Kelly at nanatili ang seryosong tingin nito sa dalaga.

“Aren’t you going to tell me what’s going on?” seryosong tanong ni Christian na hindi inaalis ang kanyang seryosong mga tingin sa dalaga.

“Wait, wait! Marunong ka magsalita ng tagalog?” muling tanong ng dalaga na hindi pa rin lubos na maka-get over sa kanyang nasaksihan.

Tumikhim ang binata. “Are you avoiding my question?” tanong nito na may pagsalubong ng kanyang mga kilay.

“No, no, no! It’s just that hindi ako makapaniwala na marunong ka magsalita ng tagalog,” manghang saad ni Kelly.

Hinawakan ni Christian ang magkabilang mga balikat ni Kelly at inilapit ang kanyang mukha. “This is not the time to know if I know how or what. I want to know is where are you going to use PT?” seryosong tanong nito na mas lalong nagpakabog ng dibdib ni Kelly lalo na sa pagkakalapit ng kanilang mga mukha.

Hindi makapagsalita si Kelly at tanging sunod-sunod na paglunok lamang ang kanyang ginawa.

“Kelly, are you going to keep me waiting for your answer? Is my question so hard for you to answer it?”

Muling napalunok si Kelly bago nagsalita. “Hindi naman pero…”

“Then what?”

Sobrang kinakabahan si Kelly nang sandaling iyon at hindi niya talaga kayang sabihin ang kanyang kutob kay Christian lalo na ayaw niya itong ma-disappoint sa sandaling nagkamali lang pala siya.

“Kelly,” muling tawag ni Christian na bahagyang niyugyog ang dalaga.

“Kumalma ka lang po, Sir. Alam niyong ayaw niyo rin masaktan ang magiging anak niyo,” wika ni Manang Cely na ngayon ay nasa kanilang tabi na at nakahawak sa kamay ni Christian.

“Manang!”

Napataas ng kanyang kilay si Christian nang makita ang reaksyon ni Kelly dahilan para lalo itong magtaka. Napalingon naman ang binata sa kanya na may lukot sa kanyang noo at naguguluhan sa sinabi ng matanda.

“What do you mean, Manang?”

Inalis ni Manang Cely ang pagkakahawak ni Christian kay Kelly. “Kailangan mo na po maging maingat, Sir, kung ayaw mo po maapektuhan ang anak mong ipinagdadala niya,” mahinahong paliwanag ng matanda.

Tumayo naman ang binata para  makausap nang maayos ang matanda.

“Manang, what are you talking about?”

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ