Chapter 48: Where They Belong

270 17 0
                                    

“…AND THAT’S WHAT HAPPENED.” Pagtatapos ni Seb ng kanyang kwento kay Rachel.

Hindi makapaniwala si Rachel sa kanyang mga nalaman simula sa anak ni Christian sa Prinsesa ng Saud, sa naging sitwasyon ni Kelly, ang relasyon ni Seb at Kiths at ang nararamdaman ni Seb para kay Kelly.

“I can’t believe this! It appears to be a flurry of romance to drama,” hindi makapaniwalang sabi ni Rachel na may kasamang pag-iling.

“That’s the way it is,” wika ni Kiths.

Umayos ng upo si Rachel. “Sure ka ba na Prinsesa talaga ng Saud ang nabuntis ni Chris?” paninigurong tanong ng dalaga.

Tumango si Seb bilang tugon. Hindi na kinuwestyon ni Rachel ang binata kilala niya ito dahil sa oras na kinumpirma nito ang isang bagay ay talagang tama ito. Kahit simula pa lang na nagtatrabaho ito kay Christian ay tinitiyak nito ang lahat bago ito nag-re-report sa binata.

“So, what's the plan?” tanong niya kay Seb.

“Sa ngayon ay hinahanap pa ng hired investigator ang taong makakatulong kay Ian para makalaya sa mga kamay ng mag-amang Zendejas.”

“And?”

“And what?” napakunot-noong tanong ni Seb.

“Seb, ano ba? ‘Yon lang plano mo? What if ‘di mahanap ng investigator ang taong hinahanap mo? Anong mangyayari kay Chris, kay Kelly?”

“Rachel, you should not rush things. There is always a procedure that we must adhere to,” tugon ni Seb.

“Seb, while we must adhere to the process, we should always plan ahead of time so that if things do not go as planned, we have backup plans.”

“I know…”

“So, do you have a plan B?”

Hindi nakaimik si Seb at umiling bilang tugon.

“Sinasabi—”

Hindi ko nagawang ituloy ang aking sasabihin nang biglang binatukan ni Kiths si Seb.

“May process ka pang nalalaman wala ka naman pa lang back up plan. Kahit doktor iniisip na agad ang worst case scenario ng isang patient kapag dinala nila sa operating table samantalang ikaw buhay ni Christian ang nakataya wala ka man lang back up plan? Anong klaseng kaibigan ka ba? O baka kaya ‘di mo pinaghandaan ay para masolo mo si Kelly.”

Napaharap si Seb kay Kiths na may hindi makapaniwalang itsura.

“What are you talking about, Kiths? Kaibigan ko si Ian kaya bakit ko naman gagawin sa kanya ang ganyang bagay?”

“Then, what are you doing? Your actions clearly said na ‘yon ang gusto mong mangyari,” wika ni Kiths na tila trini-trigger si Seb.

“That’s not what I want, Kiths!” mariing saad ni Seb.

“Then do your part well,” saad ni Kiths sabay irap sa binata at isinandal ang kanyang likod sa sofa.

“I never imagined they’d find themselves in this situation,” wika ni Rachel sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang dalawa.

“Rachel,” seryosong tawag ni Kiths sa dalaga dahilan para mabilis na naibaling niya ang kanyang tingin dito.

“Why?” gulat na tugon niya.

“Spill the tea.”

“Ha?”

“You know anything about the Princess of Saud, don’t you?” diretsang pangungumpirma ni Kiths sa kanya.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz