Chapter 34: Changes

258 15 0
                                    

ILANG BUWAN ang lumipas at lahat ay unti-unting nabago sa buhay nina Kelly at Christian. Pagbabago na unti-unting nakakasanayan na ni Kelly at hindi niya nanaisin na mawalan. Ang saya at pagmamahal na hinanap niya buong buhay niya ay ngayon lang dumating sa kanyang buhay.

Sarap na sarap si Kelly sa kanyang pagkakatulog lalo na at may kung anong kakaibang init ang bumabalot sa kanyang katawan dahilan para mas naisin niya pang ipikit ang kanyang mga mata. Ngunit bigla siyang natauhan nang makaamoy ng isang pamilyar na amoy at hindi siya maaaring magkamali sa kanyang hinihinala. Idinilat niya ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang katawan ng binatang nakasuot ng black long sleeve. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang nanunuot sa kanyang pang-amoy ang pabango nito na siya na ring nagiging paborito. Dahan-dahang inangat ni Kelly ang kanyang ulo at nakita niya ang mukha ng lalaking ginagawang masaya ang buhay niya sa nakalipas na mga buwan. Kitang-kita niya ang naging effort nito dahilan para mas lalong lumalalim ang kanyang nararamdaman para sa binata.

“You’re back,” mahina niyang usal at isang maingat na pagdampi ang kanyang ibinigay sa mga labi nito.

Matapos niyang pagmasdan ng ilang saglit ang binata ay maingat niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya. Dahan-dahan siyang bumangon para hindi niya ito magising. Nang matagumpay siyang nakaalis sa tabi ng binata ay inayos ni Kelly ang kumot nito at binigyan ng halik sa noo nito.

“Sleep well,” paalam nito bago lumabas ng kanyang k'warto.

“Hija, ang aga mo naman atang nagising,” bati ni Manang Cely nang makita si Kelly na pababa ng hagdan.

“Opo, nagising po kasi ako nang maamoy ko pabango niya,” nakangiting saad ni Kelly. “Anong oras po ba siya dumating?” tanong niya.

“Kaninang alas-quatro lang ng umaga,” sagot ni Manang Cely at iniabot sa dalaga ang mainit na gatas nito.

Napatingin si Kelly sa itaas. “Hindi pa pala ganoon katagal ang tulog niya,” mahinang usal niya at saka ibinaling ang kanyang tingin sa baso ng gatas.

“Oo, hija. Pagkarating na pagkarating niya ay ikaw agad ang tinanong at hinanap ni Ian,” nakangiting saad ng matanda.

Bigla namang namula ang pisngi ni Kelly nang marinig ang sinabi ni Manang Cely dahilan para mapainom siya ng gatas para maitago rin ang kanyang namumulang pisngi.

“Alam mo bang ngayon ko lang nakita na nagkagan’yan si Ian?” saad ng matanda para mapaangat ng ulo si Kelly at magtagpo ang kanilang mga mata.

“Anong ibig niyo pong sabihin?” tanong ni Kelly na bahagyang naguguluhan sa sinabi ng matanda.

Naupo si Manang Cely at ngumiti. “Ibang-iba ang Christian na nakikita ko ngayon kumpara noong nagsimula akong nagtrabaho sa kanya,” panimula nito at animo’y sinasariwa sa kanyang utak ang alaala nito noong unang makilala nito ang binata. “Mabait at makonsiderasyong na bata ‘yan si Ian kahit noong nagsisimula pa lamang ako at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Ngunit ang pinapakita at ginagawa niya sa ‘yo ngayon, hija kailanman ay hindi ko pa nakita simula ng magtrabaho ako sa kanya o kahit na gawin niya kay Rachel.”

May kung anong kabig namang naramdaman si Kelly sa kanyang dibdib nang marinig ang mga sinabi ni Manang Cely sa kanya ngunit hindi niya iyon magawang matanggap kung kaya itinatanggi niya iyon sa kanyang sarili.

“Baka nagkakamaling lang kayo, Manang Cely,” pagtatangging sabi ni Kelly.

“Hindi ako maaaring magkamali, Hija. Matanda na ako at matagal na rin akong nagtatrabaho sa kanya. Nasubaybayan ko ang mga ginagawa niya at hindi ko pa nakita na nagkaganyan siya tulad ng ginagawa niya ngayon sa ‘yo kaya imposible akong magkamali,” pagbibigay diin ng matanda na tiyak na tiyak sa kanyang sinasabi.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now