Chapter 17: Clear Water

341 17 0
                                    

NABALOT ng katahimikan sina Kelly at Christian matapos ang kani-kanina lamang na pagsasagupaan ng kanilang mga nag-iinit na mga laman. Walang nagsasalita at tanging kanilang paghinga lamang ang kanilang naririnig.

“I apologize for my drastic action; for being rough. I just carried away,” paghingi ng dispensa ni Christian kay Kelly at nakatuon ang pansin sa sa kisame.

“It's fine,” maikling tugon ni Kelly.

“No, it’s not. You begged yet I didn't consider your situation.”

“No, it's fine. You'd already said that you just carried away so it's not something that you could control. So, no need to say sorry,” pagdidiretsang saad ni Kelly.

“Still, I'm sorry. I hurt you.”

Napalingon si Kelly sa direksyon ni Christian dahilan para magsalubong ang kanilang mga mata. Nang sandaling iyon, nakita niya sa mga mata nito ang sinseridad kaya halos hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig at nakikita sa binata. Hindi niya ini-expect na ang lalaking tulad niya ay marunong din palang tumanggap ng pagkakamali at marunong humingi ng dispensa. Kahit papaano ay may tinatago talaga siyang kabaitan na hindi noya niya pa lubos nakikita dahil sa armored na mukha nito.

Napabuntong-hininga na lamang si Kelly. “Okay, okay. Tatanggapin ko na sorry mo matigil ka lang kaya ‘wag ka na makonsensya,” saad niya sabay baling ng kanyang tingin sa ibang direksyon.

“I meant it, Kelly. I’m not the type of man who hurts women so I was ashamed after what I had done to you. I’m sorry.” Muling paghingi ng dispensa ni Christian sa kanya.

Naibalik ni Kelly ang kanyang pansin na may kasabay na panlalaki ng mga matang ipinukol niya kay Christian nang muli itong humingi ng dispensa sa kanya.

“Oo na, oo na. Tinanggap ko na sorry mo ‘di ba? Huwag ka na mag-sorry ulit, okay ha? Pinatawad na kita kaya, please…” pakiusap ni Kelly kay Christian.

Hindi umimik si Christian at nakatingin lang kay Kelly na hindi pa rin makapaniwala sa mga ipinapakita nito sa kanya ngunit kinalaunan ay nakaramdam na ito ng ikinailang dahil sa mga titig na ipinupukol nito sa kanya. Inalis niya ang kanyang mga tingin at ibinaling iyon sa kisame. Ilang segundo ang lumipas at nanatili silang walang imik ngunit ramdam pa rin ng dalaga ang mga titig ng binata sa kanya.

“Stop it, Christian,” awat niya kay Christian na hindi pa rin niya tinitignan.

Ngunit hindi inalis ng binata ang kanyang mga tingin sa dalaga at patuloy pa rin itong pinagmamasdan.

“Hey, stop it. Why do you keep staring at me?” naiilang na tanong ni Kelly na gusto ito talikuran ngunit hindi niya ginawa dahil alam niyang nakakabastos ang ganoong kilos.

"You know it's not good to gaze at someone for that long, Mr. Hunter. I'm not a criminal, so don't look at me like that,” pagdidiretsang saad ni Kelly para lang patigil niya kakatingin ang  binata sa kanya.

"I'm aware. I'm just curious as to why you've been acting strangely for the past two days," wika ni Christian na nanatiling nakatingin kay Kelly.

Napairap naman si Kelly na tila ba bumalik na naman ang kanyang pagkairita nang maalala niya ang nangyari ng araw na iyon.

“Wala ‘yon,” maikling sagot niya na halata ang pagkairita.

“There you go again. You keep denying that there's nothing wrong, yet you keep acting pissed.”

“I’m not denying! Why would I deny? For what?” sunod-sunod na salita ni Kelly na tumaas ang boses at halatang defensive na nang sandaling iyon.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now