Chapter 39: Rebuttal of Dignity

242 16 0
                                    

LUMIPAS ang limang oras ay biglang tumunog ang cellphone ni Christian at nakita niya ang files na sinend sa kanya ni Sebastian. Sinimulan niya iyong basahin at lahat ng kailangan niyang malaman kay Hamilton ay naroon: personal information, family, assets, business at maging ang mga records ng mga batang pinagsamantalahan nito. Habang binabasa iyon ng binata ay hindi niya magawang hindi magngitngit sa galit lalo na nang makita ang mga batang pinagsamantalahan niya sa iba't ibang lugar kung saan ito napupunta.

Napakuyom ng kamay si Christian kasabay ng kanyang pagtiim-bagang. "Such a scumbag!"

Nagpatuloy siya sa kanyang pagbabasa at doon niya rin nalaman na kaya pala ito naroon ay para i-close ang deal sa kay Mr. Vasiliev na isa rin sa investors na kanyang hinihikayat na sumuporta sa kanya sa pagbukas ng branch sa Moscow.

Napatingin si Christian sa kalendaryo at napangisi si Christian nang sandaling iyon. "It's payback time."

Matapos niyang mabasa ang lahat ng files na pinasa sa kanya ni Seb ay inasikaso niya ang mga documents na kailangan para mamaya. Muli siyang napangisi nang makita ang pangalan ni Me. Vasiliev sa papel na kanyang hawak.

"Every thing is going according to my side," nakangisi niyang saad.

Napatingin siya sa kanyang orasan at may walong oras pa siya bago ang itinakdang oras ng pagkikita nila ni Mr. Vasiliev kung kaya isa-isa niyang tinawagan ang mga magulang ng mga batang sinamantala ni Hamilton. Isa-isa niya itong kinumbinsi para mag-file ng kaso laban sa pansasamantalang ginawa ng matanda sa kanilang mga anak.

SUMAPIT na ang itinakdang oras ng pagkikita nina Mr. Vasiliev at ni Christian. Handang-handa naman na ang binata lahat ng kanyang kakailanganin ay nakalagay nang lahat sa kanyang briefcase. Pinasadahan niya muli ng tingin ang kanyang sarili sa salamin at inayos ang kanyang kurbata.

"It's payback time," seryoso niyang saad sa harap ng salamin saka dinampot ang kanyang briefcase saka eleganteng lumabas ng kanyang k'warto.

Bawat hakbang niya ay ipinapakita ang katikasan ng kanyang magandang pangangatawan dahilan para lahat ng mga babaeng kanyang madadaanan ay napapatingin sa kanya ngunit hindi niya iyon binibigyang pansin lalo na't may gyera siyang kakaharapin. Nagtungo siya sa lounge and bar ng hotel kung saan siya naka-check in at matiyagang naghintay kay Mr. Vasiliev. Hindi rin nagtagal at dumating ang negosyante.

"Mister Khanter, rad snova vas videt'.(Mr. Hunter, it's nice to see you again.)" bati ni Mr. Vasiliev at mabilis na nakipagkamay sa binata.

"Rad vas videt', gospodin Vasil'yev. (It's nice to see you, Mr. Vasiliev)" nakangiting tugon ni Christian.

"Prisazhivaysya. (Have a seat.)"

Sabay na naupo ang dalawa at muling nagpalitan ng mga ngiti.

"Vau! My ne videlis' god ili dva, no ya vpechatlen tem, naskol'ko khorosho vy govorite po-russki, mister Khanter. Vy ochen' sposobnyy chelovek. (Woah! We haven't seen each other in a year or two, but I'm impressed by how well you speak Russian, Mr. Hunter. You're an extremely capable man.)" manghang saad ni Mr. Vasiliev kay Christian na may kasamang pagpalakpak at pag-iling.

Ngumiti si Christian. "Etomu neprosto nauchit'sya, no so vremenem ya nauchus'.(It's not easy to learn, but with time, I'll get the hang of it.)" mapagkumbabang saad ng binata.

"Nu, po krayney mere, vy uznali. (Well, at least you've learned.)"

"Deystvitel'no. (Indeed.)" Sabay ngiti ni Christian kay Mr. Vasiliev. "Priyatno videt', chto vam priyatno menya videt', gospodin Vasil'yev, tem boleye, chto vy nashli vremya vyslushat' moye delovoye predlozheniye. (It's nice to see that you're pleased to see me, Mr. Vasiliev, especially since you took the time to listen to my business proposal.)"

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now