Chapter 29: Pool Drive

262 16 0
                                    

INANGKIN ni Christian ang mga labi ni Kelly na tila isang pagkain na katakam-takam at hindi magawang mapigilan na kainin kahit ilang ulit niya na itong natikman. Hindi maunawaan ni Christian ang kanyang sarili sa tuwing nagkakalapit sila ni Kelly ay hindi niya magawang mapigilan ang sarili na kainin ng init ng kamunduhan.

“Christian, sandali,” awat ni Kelly sa binata ngunit nagpaawat si Christian na patuloy na inaangkin ang mga labi ng dalaga.

“Christian…”

Natigil si Christian sa paghalik at napatingin kay Kelly.

“Why? You keep calling my name,” tanong ni Christian na nakatingin na ngayon sa mga mata ni Kelly.

Lumangoy papalayo ang dalaga kay Christian para ikalma ang kanyang sarili at mapigilan ang binabalak nito sa kanya.

“Ano bang ginagawa mo? Kitang nag-aaral ako kung paano lumangoy guguluhin mo ko,” lakas loob na saad ni Kelly na kung saan-saan nakakarating ang mga tingin at hindi magawang tignan sa mga mata ang binata.

"Can't you see I've come here to find peace?" tugon ni Christian na pinagmamasdan ang mga ikinikilos ng dalaga.

“Dito pa talaga? Kita mo naman swimming lesson ngayon,” nagdadahilang saad ni Kelly. “Saka ikaw may gusto nito tapos guguluhin mo ako.” Dagdag pa nito.

“That's why I’m here.”

“Ha? Anong connection ng presensya mo sa swimming lesson ko?” naguguluhang tanong ng dalaga.

Lumangoy ang binata papalapit kay Kelly na umikot pa para mapunta sa likuran nito.

"I'll see if you truly learnt anything from your trainer or if she taught you properly."

“Anong pagkakaiba sa natuto ako sa kanya at tinuturuan niya ako ng maigi, ‘e, magkapareho lang ‘yon?” naguguluhang tanong ni Kelly sa sinabi ng binata.

"There's a big difference, Kelly," bulong ni Christian sa tainga ng dalaga.

“Pareho lang kaya ‘yon—”

Hindi nagawang matapos ni Kelly ang kanyang pagsasalita nang biglang dilaan ni Christian ang kanyang batok na nagbigay ng paninindig ng kanyang balahibo sa kanyang buong katawan.

“No, they not,” saad ni Christian at sinimulang pagapangin ang kanyang dila mula sa tainga patungo sa leeg hanggang sa marating nito ang balikat ng dalaga at sinimulang dampian nang maliliit na halik.

"Your reflexes will tell me if you learned on your own or whether your trainer made the effort to train you." At natigil ito sa paghalik sa balikat ni Kelly at hinawakan sa tiyan nito. “Now float.”

Napalingon naman si Kelly sa binata na naguguluhan.

“Ha?”

“I said, “Float”.” At binigyan ng espasyo si Kelly para gawin ang pinapagawa ni Christian.

Naguguluhan man ay sinunod ni Kelly ang sinabi ni Christian at sinubukan niyang palutangin ang kanyang sarili sa tubig.

“Swim.”

Napalingon si Kelly sa binata na may kunot sa kanyang noo ngunit sinenyasan lang siya nito na gawin ang sinabi nito sa kanya. Wala naman nagawa ang dalaga kung ‘di sundin itong muli at lumangoy patungo sa kabilang dulo ng pool.

“Okay na ba?” tanong nito sa binata na may kasamang hand gesture na okay.

“Come here.”

“Ano ba talaga kasi gusto mong mangyari?” tanong ni Kelly na lumangoy pabalik sa kung saan nakatayo si Christian.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now