Chapter 8: First Hot Kiss

507 24 0
                                    

ISANG malakas na  pagbahing ang gumising kay Kelly sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Pupuyos-puyos at nanlalambong idinilat niya ang kanyang mga mata ngunit napabalikwas ito sa kanyang pagkakaupo ng makita si Christian na nakatayo sa kanyang harapan habang umiinom ng kape.

Itinuon ni Christian ang kanyang tingin kay Kelly. “Have you forgotten what's in the contract?” bungad kay Kelly sabay higop ng kanyang kape. “In accordance with carrier section, clause 6.8: The Carrier shall take all reasonable precautions to maintain her good health. And take a look at what you're doing. “Did you read the contract thoroughly?”

Napannganga si Kelly sa itinuran ng binata sa kanya hindi niya akalain na saulo nito ang kontratang ibinigay sa kanya.

“Close your mouth, you’re drooling,” saad ng binata sabay baling ng kanyang tingin sa ibang direksyon.

Isinara at pinunasan ni Kelly ang kanyang bibig nang bigla siya matauhan sa sinabi ni Christian sa kanya.

“Breakfast is ready so come inside,” wika ni Christian sabay talikod sa kanya ngunit bago muli ito humakbang ay nilingon nito si Kelly. “And wash yourself first before eating. I lose my appetite by just looking at your spoiled saliva stain on your face. It's very noticeable that can't be ignored,” pahabol nitong sabi at binigyan pa ng isang tingin si Kelly mula ulo hanggang paa saka iginalaw ang kanyang mga daliri na minumwestra ito sa kabuuhan ng dalaga. “Fix yourself. What an eyesore.” Matapos noon ay tuluyan ng naglakad papasok si Christian sa loob ng bahay.

Para namang binagsakan ng langit at lupa si Kelly sa mga narinig niya mula kay Christian.

“What did—”

Hindi na nagawang tapusin ni Kelly ang kanyang sarili ng mapaharap siya sa glass window ng sala ni Christian. Gulong-gulong buhok, suot ang oversized t-shirt na kita na ang kanyang balikat at ang natuyong laway sa kanyang pisngi. Nanlaki ang mga mata niya at lahat ng dugo sa kanyang katawan umakyat sa kanyang mukha na halos ikinapula at nagdala ng matinding init sa kanyang mukha at mga tainga.

“Ahh!” isang mahaba at malakas na sigaw ang ginawa niya nang ma-realize niya ang itsura niya kani-kanina.

“Self, anong ginagawa mo?” singhal niya sa kanyang sarili sa kanyang isipan na patuloy pa rin sa kanyang pagsigaw. Bigla naman siyang napatakip ng kanyang bibig nang humarap sa kanyang direksyon si Christian na magkasalubong ang mga kilay. Tinignan siya nito sabay senyas na nagpupunas ng kanyang mukha at tingin sa k’wartong pinagtuluyan niya kagabi.

Halos wala ng mukhang maipakita si Kelly dahil sa kanyang katangahan na ginawa niya simula kagabi. Nilamon siya nang matinidng kahihiyan, hiyang-hiya man ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang k’warto para linisin ang kanyang sarili kaysa na makita pa ulit ni Christian ang nagkalat na laway sa kanyang pisngi.

“DAMN! Ilang beses mo pa balak ipahiya ang sarili mo, self? Wala ka bang kahihiyan sa sarili?” singhal niya sa kanyang sarili matapos niyang maligo. Hanggang ngayon ay hindi maka-get over ang dalaga sa kahihiyang pinaggagawa niya.

Halos ayaw niya ng bumaba, hiyang-hiya siya masyado kay Christian.

“Ano bang ginawa ko? Bakit kasi kailangang mangyari ang lahat ng kamaliang ito sa akin? Bakit kailangan pa sa lalaking napakag’wapong tulad niya kailangan ako mapahiya?” nanggigigil niyang tanong sa  kanyang sarili.

Napalukso siya sa kanyang pagkakaupo nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto.

“Do you intend to bury yourself there?” Stop being stagey, I've already seen it,” saad ni Christian.

Nagsalubong ang mga kilay ni Kelly sa kanyang narinig. “What? Stagey?” pagbibigay diin niyang pag-uulit.

“Enough of that. Come on down and don't keep the food waiting. You'll end up nothing if you don't,” makahulugang sabi ni Christian dahilan para maiwang nakanganga si Kelly.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now