Chapter 33: Clear Picture

266 13 0
                                    

NANLAKI ang mga mata ni Kelly nang muling niyang marinig sa pangalawang pagkakataon na magsalita si Christian ng Filipino. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan.

“Shit! You really speak in Filipino!” bulalas na saad ni Kelly pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng kotse ni Christian.

“What’s with the big fuss?” kunot-noong tanong ng binata.

“Marunong ka pala magtagalog, ‘e, bakit hindi ka na lang magtagalog panay English mo pinapahirapan mo pa kami ni Manang Cely!” nagrereklamong sabi ni Kelly.

Ngunit hindi pinansin ni Christian ang kanyang sinabi. “We’re not here to talk about that,” maikling saad niya.

“Pero—”

Hindi natapos ni Kelly ang kanyang pag-aalma nang agawin ni Christian ang kanyang pagsasalita. “Aren’t you going out of the car?”

“Sungit mo, alam mo ‘yon?” nakangusong pamimilosopo ni Kelly ngunit nanatiling walang pakialam si Christian.

Akmang bababa na si Kelly nang mapansin niyang wala pala siyang suot na sapatos o kahit tsinelas man lang kaya dahan-dahan siyang napatingin kay Christian at tumawa ng hilaw.

“Christian…” mahina nitong tawag sa binata na animo’y isang maamong tuta.

Napatingin naman sa kanya si Christian na sinundan naman ang tingin niya hanggang sa nakita nito ang paa nitong walang suot na sapatos o tsinelas.

“Do I have a choice?” sambit nito.

“E, ikaw kasi binuhat-buhat mo pa ako ayan tuloy naiwan tsinelas ko ng ‘di ko namamalayan dahil sa pakikipagtalo ko sa ‘yo—”

“Aren’t you getting tired talking?” tanong ni Christian sabay buhat sa dalaga.

“Nagpapaliwanag lang naman ako ng side ko, mali na ba ‘yon?” paghihimutok na reklamo ni Kelly.

“Will you just shut up?”

“Bakit mo ako papatahimikin, ‘e, nagpapaliwanag nga ako!” depensa ni Kelly na nakikipagtigasan ng ulo sa binata. “Kaya bakit mo ako pipigilan—”

Napahinto ang binata sa paglalakad at tinignan si Kelly nang diretsa sa mga mata. "Are you going to quiet up or I'm going to kiss you in front of a crowd?” seryosong tanong ng binata dahilan para mapatakip ng bibig si Kelly at mapatingin sa buong paligid na maraming nakatingin sa kanila.

Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok.

“What are you doing?” tanong ng binata.

“Anong “What are you doing?” ka diyan? Maglakad ka na kaya? Hindi mo ba nakikita na lahat ng tao narito nakatingin sa atin?” At pilit na tinatakpan ni Kelly ang kanyang mukha. “Bilis!”

"I assumed you didn't have a sense of shame."

“Ano sabi mo?” pabagsak na tanong ni Kelly na mabilis inalis ang buhok sa kanyang mukha at binigyan nang matatalim na tingin.

“Nothing.”

“Anong wala? E, dinig na dinig kita?” gigil na sita ni Kelly.

"Then why are you asking me to repeat myself if you heard me?"

“Ikaw…” Sabay duro sa binata na may halo-halong emosyon.

“Stop pointing your finger at me. Keep in mind that I’m still your boss,” paalala ni Christian dahilan para mapahalukipkip si Kelly.

“You’re always using your superiority to shut me,” inis na sabi ni Kelly na may kasamang pag-irap.

“Coz, you don’t know how to shut your mouth unless I use my power as your boss—” Sabay tingin kay Kelly. “—or I ate them.” At isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa mga labi ng binata.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now